Entry #21

22 1 4
                                    

Adrienne

Minsan napapa isip ako kung totoo ba talaga na may ganitong level ng happiness, tipong nakakatakot isagad yung pagtawa at pag ngiti dahil baka may bawi ito na sobrang sakit na pangyayari sa susunod na mga araw, oras o segundo. Pero, natural sa mga tao ang pagsunod sa concept ng Carpe Diem, seize the day. Pwede na din sigurong palitan ng seize the moment kung gugustuhin.





"Ano nanaman iyan?!" nagulat ako ng biglang inagaw ni Vaughn ang journal ko."Ang deep mo talaga mag isip Patch, nakakalunod yung tagalog mo. Kaya kita lalong minamahal e. Pero teka, paubos na ito ah, palitan na natin?" habang sinisipat ang gilid ng journal ko na halatang halata na ang mga pages na may sulat kumpara sa wala.






"Hay nako, gastos lang yun. O bakita nga parang ang dami mo atang dala ngayon? E patapos na ang sem a." pansin ko sa kanyang duffel bag at may isa pang maliit na bag







"Itong isa, pang gym ko" tukoy niya sa duffel bag "Ito namang isa pang basketball ko." tukoy niya sa maliit na bag







"Susmiyo Vaughn Jake, pupwede namang pagsamahin sa iisang bag iyan e. Mukha kang ewan kapag madaming dala. Akin na nga yan." nagtaka naman ako dahil naka plasta sa mukha niya ang mapaglarong ngiti at parang nang aasar pa ang mga mata habang inaabot ang mga bag sa akin. Hindi ko na lang din pinansin dahil lagi naman siyang ganito.







Ganoon na lamang ang pagkagulat ko pagkabukas ko nung mas maliit na bag! Ito yung sapatos na gustong gusto kong bilhin pero hindi ko pa naasikaso dahil busy pa nga sa mga requirements dahil patapos na ang sem. Sapat naman na ang ipon ko, pero grabe ang lalaking to. Ni hindi ako nagbibigay ng hints na may gusto akong bilhin, kahit nga magpakita ng picture ng mga sapatos na gusto ko hindi ko pinapakita e.







"O? wala man lang bang, 'thanks Patch! I love you five-ever! Ikaw na ang pinakagwapong boyfriend sa earth!!!' walang ganon? tapos kahit kiss lang sa cheeks o kaya nama-" natatawang niyakap ko siya sa tagiliran at hinalikan ang pisngi niya.







Nagulat naman ako ng kunin niya phone niya sabay picture sa aming dalawa habang nakayakap ako sa kanya, hindi na kailangan pang sabihin na ngumiti kami dahil kulang pa ang salitang ngiti sa mga itsura namin ngayon.





"Thanks Patch! I love you five-ever! Ikaw na ang pinakagwapong boyfriend sa earth." panggagaya ko sa sinabi niya kanina. Nagtaka naman ako ng hindi siya umimik at tinitigan lang ako. "Huy!" saway ko pa sa kanya.




"Sulit na sulit yung 7k ko Patch." at hinigpitan pa ang yakap sa akin.




"Ha? So, ganon? suhol to? grabe. Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Babaeng mahilig sa materyal na bagay. Babaw naman Patch." kunwaring nagtatampo ako sa kanya. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. At isinara ko na ang bag na kinalalagyan nung bagong sapatos at iniumang ko iyon sa kanya.



"Saksak mo sa muscles mo!" tumalikod na ako sa kanya at tipong inaayos ko na ang bag ko. Medyo matagal bago nag sink in sa utak niya yung sinabi ko at saka lamang siya umapila




"Hindi naman ganon Patch. Walang ganun. Ano kasi...gusto lang kitang bigyan ng sem-ender gift kasi nakita ko kung paano ka naghirap nitong nakaraang sem,tapos magtithird ka na ngayon, kaya pang congratulate ko na din kasi nakapasa ka sa battery."




Tumigil ako sa pag aayos ng gamit. Pero hindi ko pa din siya hinaharap. Konti na lang sasabog na ako sa tawa.
"Sorry na Patch, di naman yun yung intensyon ko e."Hindi ko pa din siya iniimik.



Growing PainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon