Entry #20

24 1 1
                                    

Vaughn Jake POV

Grabe. Parang ang tagal na masyado. Gago ko din, bakit ko ba kasi siya sinabihan ng ganon? Space Space. Tanga mo Vaughn. Tingnan mo? Ikaw din nahirapan. 


Nagawa ko yon kasi...Bakit nga ba? Tinamaan na kasi ego ko nun e. Nagkasabay sabay pati lahat. Parang hindi ko na kinaya ang isa pang pagdududa galing kay Adrienne. 


I mean, ginawa ko naman lahat ng alam kong paraan para maniwala siya na may isang taong hindi siya iiwan, ipapahiya o sasayangin kahit isang emosyon na ipapakita niya dahil alam kong para sa mga special na tao lang sa kanya ang ganung karapatan. At gusto ko mapabilang doon. 


Totoo namang naiwan ko ang phone ko ng araw na yun. Nakigamit nga lang ako ng phone ng barkada ko para lang matawagan siya. Pero nung hindi siya sumagot, tinawagan ko pa si Johann para ibigay ang number ni Anya.


Hindi ko na alam kung paano ko mapaparamdam sa kanya totally yung pwede siyang maging honest sa akin. Pwede siya mag depend sa akin kapag punong puno na siya sa mundo. I know she's been through a lot. Kaya nga nababaliw nanaman ako ngayon sa kakaisip kung paano ko aayusin tong problema na ito. 


Sana lang wag niya ako patigilin sa panliligaw ko sa kanya. Kahit abutin pa ng one year bago niya ako sagutin. Ayos lang. 


Kaso nag hirap pala kapag yuung naging routine mo for almost four months e bigla nalang mababago. 



Bwisit. Sawang sawa ako sa  mukha ng mga barkada ko pati pang aasar nila. Bakit daw bigla akong bumalik sa grupo namin? Basted na daw ba ako? Tang inang barkada yan.


Everytime na nakikita ko siya, parang gustong gusto ko na siyang kausapin at bawiin na lang yung mga sinabi ko noon, pero I know that we both need this. Pero hirap na ako. Sige na. Okay na kung ako na lang ang magiintindi palagi. Kesa naman iyong ganito na parang mababaliw ako kakaisip. Tama. Pagkatapos ng klase didiretso na ako sa kanila. 



"Sige. Good luck sa prax niyo bukas ha?" paalala ng prof namin. Psh. Prax. Sisiw lang yan. Basta ba makita ko si Adrienne mamaya e. 


"Brad! May naghahanap sa iyo sa labas!!" 


"Anak ng! Kapag nagkagulo gulo itong hand outs ko dahil sa pagyugyog mo sa balikat ko tatamaan ka talaga!" banta ko sa barkada ko na parang nakakita ng milagro sa labas. 


"Sino ba ha?" tanong ko at sinabayan siya palabas ng classroom. Nauna siyang maglakad sa akin dahil inaayos ko pa yung pag kakasuot ng messenger bag ko. 


"Buti kung si Adrienne yan pa--re." Ganun na lang ang gulat ko ng makita ko siya sa may labas ng room na nakatayo at parang na awkward dahil sa napapalibutan siya ng barkada ko. 


"Sabi ko sa'yo pre e." sabi nung kumag na tumawag sa akin kanina. At tinapik tapik niya pa ang balikat ko bago sila sabay sabay na umalis. Napatayo ako ng tuwid at tinitigan lang siya. Ngayon lang talaga ako tinamaan ng ganito. Anak ng tokwa. Nakatayo lang siya sa harap ko pero sapat na iyon. 


Hinawi niya ang ilang takas na buhok sa may mukha niya at ngumiti ng bahagya. Aha. Nahihiya ka Adrienne. Let's see. 

"Uh, hi?" medyo patanong niyang bati at yumuko. Tinukso ko sya sa pamamagitan ng pagyuko at tila hinahanap ko ang kanyang mga mata. "Patch naman e!Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko.  Tinawag niya akong Patch at may bonus na ngiti pa. 


Wala na. Hanggang midterms na to. Hanggang midterms na itong energy na naiipon sa akin dahil sa mga ginagawa niya. "A-ano..T-at-ara dun sa quad." mahinang sabi niya.


"Saan?" panga aasar ko pa sa kanya. Umangat siya ng tingin at naasar ata sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin at biglang nalang hinawakan ang kamay ko at hinila ako. 


Ta---ina parang birthday ko na ngayon. Lord. Salamat po. 

Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak sa kamay niya. 'Lord, walang bawian. Binigay mo na to. Thank you po.'


"Upo." sabi niya. E di upo. 


Namamangha ako sa lahat ng nangyayari ngayon. Parang kahapon lang, walang kwenta ang buhay ko tapos ngayon, halos hindi na ako makahinga sa sobrang saya gawa nung mga kilos niya. 

Umupo lang siya sa tabi ko at may kinalikot sa phone niya. Nakita kong nilabas niya ang earphones niya at bumaling siya sa kin at parang may hinihingi. 


"Anong kailangan mo?"


"Splitter." mataray na sabi niya at nang irap pa. Dali dali ko namang kinuha at binigay sa kanya. Inilabas ko na din ang earphones ko at ipinasak doon sa isang side ng splitter. 

Nagulat ako ng sumandig siya sa balikat ko at narinig ang pagsisimula ng isang kantan na medyo pamilyar sa akin. 

"Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw

ang iniisip-isip ko

Hindi ko mahinto pintig ng puso

Ikaw ang pinangarapngarap ko

Simula ng matanto na balang 

araw iibig ang puso" 

Teka lang...hindi kaya... 

Anak ng pitumpong pito puting tupa! hinawakan niya ang kamay ko at hindi ko na alam kung ano na ba ang nararamdaman ko. Hibang na hibang na ang sistema ko sa'yo Jeanne Adrienne. Mas lalo pa akong napamaang sa kanya ng bigla niyang iangat ang ulo niya at tumitig sa aking mga mata at sabayan ang kanta.

"Ikaw ang pag ibig na hinintay

Puso ay nalumbay ng kay 

tagal ngunit ngayo'y 

nandito na ikaw" 

At hinigpitan niya pa ang hawak sa mga kamay ko. Ramdam ko ang kaba niya. Pumikit siya ng malalim at sabay buntong hininga na para bang ngayon niya lang gagawin ito sa buong buhay niya.. 

"Ikaw ang pag ibig na binigay

sa akin ng may kapal

biyaya ka sa buhay ko

ligaya't pag ibig ko'y ikaw" 

Nakatulala pa din ako sa kanya ngayon. Naka pause na ang kanta at tinanggal na niya ang earphones niya pati ang sakin. Pero hindi ko binibitawan ang isang kamay niya dahil baka isang panaginip lang ang lahat ng ito. 

Nakangiti siya at hinaplos ang pisngi ko. 

"Patch..huy..Vaughn.. magsalita ka naman.." medyo alanganin niyang sabi at nakikita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. 

Napapikit lang ako ng mga mata at napayuko pa ng kaunti dahil pakiramdam ko talaga nanaginip ako ngayon. Inangat ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at hinalikan ang likod non. Naramdaman ko siya. TOTOO ANG LAHAT NG ITO. 


Napapaiyak ako saya. Tinitigan ko siya na para bang nagtatanong kung totoo ang lahat ng ito. Ngumiti naman siya at parang nakuha ang sinasabi ng mga mata ko. At sunod sunod na tango ang ginawa niya. 


"Tang inang irregular heartbeat yan." sabi ko at hinalikan ang noo niya. "I love you Patch. Sagad na sagad!" walang paglagyan yung happiness.


"I love you too Patch." umiiyak na din siya. 


Mukhang tanga kami dito pero bakit ba. Totoong may tears of joy. Nakakabakla nanaman pero. Yung hypothalamus ko sira na ata. Nalilito na sa emosyon na dapat kong maramdaman. Lord, salamat po! Hindi ko maexplain. No words talaga. Kakaiba talaga ang babaeng to. Sobrang unpredictable. Sobra sobrang saya. I feel so lucky because I think I already found my infinity gauntlet. 

Growing PainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon