Vaughn Jake
Sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko. Kung bakit ba naman kase ako nakinig kay Yohan! Kakasara ko palang ng pinto, kasi yun yung pinaka last step sa plano namin for this prank.
Maya maya lang, lumabas din agad si Anya "Shit Vaughn! I think we went overboard. She locked her door!" medyo nagpapanic na siya. Kaya naman pumasok din ako agad sa bahay para hanapin si Yohan.
"Bro, grabe, sorry, I didn't expect that from my twin, ngayon ko lang sya nakitang ganyan."
Lintek na! "Akala ko ba well-thoughtout yung plan natin?? I trusted you on this. Sabi mo mabilis makakutob si Adi sa mga pranks, pero bakit ganito?" parang unti-unti akong nanghihina. Putek, Anniversary namin ngayon tapos ganito ang ending??
"Eh masyado mo naman kase ginalingan Vaughn, pang FAMAS yung acting mo kanina." Anya said, trying to lighten up the situation, pero tinignan ko nalang sya.
"Aakyatin ko na muna ulit." nauna na si Yohan. "Aakyat na din ako don Anya, di pwedeng ganito, baka kung ano na ang iniisip ng kaibigan mo don sa taas, alam mo naman ang utak non."
"Wait, sasabihan ko na din muna si Yohan, syempre mas gamay nya ang kapatid nya." at nakastandby lang ako dito sa baba.
"Manang yung mga susi po please?" pakiusap ni Yohan.
Medyo nagtanong pa si manang kaya lang hininaan naman ni Yohan yung boses nya. Sumesenyas na si Anya na okay na pwede na daw ako umakyat. Nakabukas na ang pinto at ganon na lang panghihina ko nang makita ko ang mukha niya. Magang maga yung mata niya sa kakaiyak. Nakakadala naman pala talaga to.
Sinubukan ko siyang batiin, pero agad din niyang sinabi na hindi daw sya game sa mga ganoong klaseng prank. At akmang isasara na nya nag pinto ng siningit ko ang katawan ko, kahit magkanda ipit ipit pa ako jan. Ganito kase yan sa Adi, mas pinipili nya pa din mag isa most of the time. Ilang beses na naming sinubukan ayusin yun, sinubukan ko syang kausapin everytime na may conflict, pero ganun talaga sya as a person, so yung overthinking nalang yung sinusubukan kong ayusin.
Kaya kahit ayaw nya makipag usap, isisiksik ko ang sarili ko. Kase walang perfect timing pagdating sa mga ganitong sitwasyon. Hindi mabisa yang mga space space na yan.
Pagkatapos ng ilang minutong suyuan, bumalik na sya sa regular programming nya. Nangbabara na e. "Ano? Yan nalang girlfriend mo, di na maalis tingin mo jan e." Natawa na ako, talaga naman itong babae na to.
Napatitig na lang ako sa kanya, naalala ko yung mga sinabi nya kanina, "Patch, talagang kaya mo akong i-let go ng ganun kabilis?" maingat kong tanong sa kanya.
Natulala naman sya, at napahilig ang ulo sa balikat ko, habang hinahaplos ng kamay nya ang kamay ko. "Hindi." tipid nyang sagot. Kaya sinilip ko ang mukha nya. Tinitigan naman nya ako, pero hindi pa din ako nagsasalita. Iniintay kung may idadagdag pa sya.
"Hindi madali iyon sa akin, pero pipilitin kong kayanin, kase kung doon ka sasaya, parang maliit na bagay nalang iyon kumpara sa mga adjustments mo for me." Saglit syang tumigil at tumingala, nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata kaya pinawi ko ang mukha nya gamit ang dalawang kamay ko at pinatingin sya sa akin.
Pumikit sya, at kasabay non ay ang pagtulo ng mga luha nya. Nagpatuloy sya,"Pero ang tingnan ka palayo, ang marinig mula sayo na napapagod ka na to the point the sumusuko ka na? Parang nagising ako sa panaginip. Kase ikaw yon, ikaw yung tao na nangako sa akin dati na hinding hindi ka magsasawa, maaring mapagod ka pero hindi ka susuko diba? sabi mo yon? so nagtiwala ako sayo, sa mga pangako na yon, kaya kahit alanganin sa akin, ginagawan ko ng paraan para mag work yung partnership natin, kase ikaw, nag aadjust din."
Kumawala sya sa hawak ko, at kusa nyang pinunasan yung mukha nya. Tumingin sya sakin, yung tingin na may nag uumapaw na pagmamahal, hinawakan nya ang mga pisngi ko at idinikit ang noo nya sa noo ko. "Vaughn, mahal na mahal kita. Sa loob ng isang taon, marami akong issues na naayos dahil sayo, tinuruan mo akong maging confident sa sarili ko, tinuruan mo ako paano ma-control yung utak ko para sa ikabubuti ko, tinuruan mo ako na mahalin ang sarili ko enough, para maging deserving magmahal ng isang katulad mo."
Sa ibang tao,kabawasan sa pagka lalaki ang pag iyak, pero hindi naman totoo yon, lahat ng tao umiiyak kahit nga hayop umiiyak e. Basta nakakaramdam, basta buhay. At buhay na buhay ang pagkatao ko mula sa mga sinabi nya. Sa loob ng isang taon, nakita ko syang nag grow pa as a person, nakita ko ang struggle nya sa pagtitiwala at pag aadjust sa presence ko.
"O Vaughn, ako yung nag sspeech pero bakit ikaw umiiyak jan?" natatawa nyang saway habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Nakaka overwhelm kasi yung pagmamahal mo Adrienne, maaring may struggle sa una, ganun naman lahat, pero sobrang worth it kung ikaw ang prize ko. And I intend to keep you forever." napapikit nalang ako at nagpasalamat kay Lord sa pagbibigay sa akin ng babaeng ito.
"Tandaan mo, lahat ng bagay na makakapagpasaya sayo, handa akong ibigay yon. Kahit masakit sa akin, basta masaya ka." at niyakap nya ako ng mahigpit.
"Hindi ako masaya Adrienne kung nasasaktan ka. tandaan mo din yan."
"Anubayan, ang drama na natin! TEKA! REGALO KO???" Sabay lahad pa nya ng palad nya. Patay.
"Pwede bang ako nalang yung gift? He-he-he" napamaang nalang sya sa akin.
"Ha? Ano naman magagawa ko sayo?" Tawa pa ng tawa. Ah ganon ah. Hinila ko sya papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit sabay bulong sa kanya na "Madami, madami kang pwedeng gawin sakin Patch."
Ganon nalang yung pagkabigla nya at tumalon sya palayo sa akin. "HOY!!! Wag ganon!" yakap yakap nya pa ang sarili nya. Tawang tawa naman ang demonyo dito sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Growing Pains
RandomHow do you know what to do with every moment in your life? How do you deal with every setback? How do you continue living?