Halos two months na ang nakalipas simula nung masinsinang pag uusap namin ni Vaughn. Consistent pa din naman siya sa mga pinagsasabi niya noon.
Lumipas na ang birthday ko, na syempre, pinag effortan niya ng todo. Taon-taon naman ako nakakaranas ng surprise. Parang hindi na nga talaga surprise yung nagaganap e, kasi nag eexpect ako ng surprise kada birthday ko kaya hindi na ako nasusurprise. Ah basta. Tuwing naalala ko, napapangiti na lang ako. Kinikilig na ako. Oo, nakapulot ako ng isang box ng kilig nung birthday ko.
>>Birthday shenanigans
Pagkagising ko, hindi muna ako tumayo sa kama. Pinakikiramdaman ko ang paligid dahil baka mamaya nandyan nanaman si mama na may hawak na video recorder at nirerecord ang lahat ng magaganap sa araw na ito. LAHAT as in LAHAT. Pumikit pikit muna ako at nagpasalamat sa Diyos dahil nakaabot ako ng eighteen years dito sa mundong to. Hanep Jake, 18 years of weirdness, and you're still rocking it. Okay, tahimik, walang mga bubuyog sa paligid. Pero hindi pa man din ako nakakamulat ay bumukas bigla ang pinto ng kwarto ko. I heard certain voices singing.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthdaaaaay, Haaappy Birthdaaaaay, Happy birthdaaaay toooo youuuu!!!!"
"Adi, alam kong gising ka na! happy birthday!" Napangisi nalang ako at naramdaman ko ang pagdamba ng kapatid ko sa akin kasabay ang matunog na halik ng pamangkin ko.
"Happy happy achiii, di ko pa kaya yung b-word e. bulol pa chowder. pero love kita!" at niyakap niya ako ng mahigpit.Umupo na ako. Medyo napapatawa pa ako dahil sobrang saya ko at nandito si papa ngayong araw na to. Sabado kasi, dapat ay nasa Tagaytay siya para mamonitor ang restaurant pero nandito pa din siya.
Iminulat ko ang mga mata ko, 'thank you Lord for these people, for making me a part of this beautiful family' pero napahinto ang pag ngiti ko ng may isang makulit na taong umeeksena sa tabi ng mama ko.
Napatingin naman silang lahat sa kanya. Narinig ko ang pagtikhim ni papa at parang natatawa siya dahil medyo namumula si Vaughn.
"Hi." ako na ang naunang nagsalita dahil di ko maintindihan ang paepek nitong lalaking to.
"Bro? Ano na?" pangungulit ng kapatid ko kay Vaughn.
"Wait lang kasi diba. Wait lang." sabay sabay naman kaming natawa ng kaunti sa reaksyon niya.
Unti unti siyang lumapit sa kama ko at naupo sa may paanan at may nilapag na paper bag at binati niya ako ng "Happy Birthday Adrienne, sana magustuhan mo yan."
Titig na titig siya sa paper bag na iyon. Nag-isip naman ako kung ano ang maaring laman niyon. Hindi naman ako nagparinig sa kanya ng mga gugustuhin kong regalo.
Nang mahawakan ko pa lang ang paper bag, medyo bumilis na ang heartbeat ko. Medyo may bigat ang laman nito. Inalog alog ko pa. Pero mukhang naka-box ang laman.
Ganun na lamang ang paglaglag ng panga ko ng buksan ko ang paper bag. Muntik na akong mapamura dahil ito ang camera na matagal ko ng tinitingnan tingnan sa mga website. Maangas kasi ang mga picture kapag ito ang ginamit. FujifilmXT-1. Shit. Shit. Shit. Naiiyak na talaga ako. Ang tagal ko na kasi itong pinag iipunan. Pero hindi umabot ngayong birthday ko. Pero hindi ko naman ininda masyado. Pero, shit talaga.
Napa-angat ako ng tingin at di ko na alam kung iiyak ako dahil sa tuwa or mas mangingibabaw ang pagtawa dahil hindi mexplain ang mukha ni Vaughn.
BINABASA MO ANG
Growing Pains
RandomHow do you know what to do with every moment in your life? How do you deal with every setback? How do you continue living?