"There you are!" nagulat ako ng biglang pumatong ang kamay ng isang lalake sa aking mga balikat. Nang lingunin ko kung sino, si Ace Eusebio. Ang kapal ng mukha. Pero nung naalala ko ang sitwasyon namin ngayon, muli lamang bumalik ang tingin ko kay Vaughn. Ni hindi ko pinagtuunan ng pansin si Ace.
'Come on Vaughn, what are you going to do now?' sana tumayo na siya at magalit kay Ace. Dahil sabi niya sa akin dati, kapag daw nakita niya ito sa personal, wala na daw salita salita, kamao na daw niya ang makikipag usap dito. Pero bakit, hindi man lang siya gumagalaw?
"Uy! awkward!" basag ni Daenielle sa katahimikan. Nakuha pa nilang dalawa magtawanan habang kami ni Vaughn ay magkatinginan lang. Nung una, makikita pa sa mga mata niya na gusto niya magpaliwanag, magtanong? ganoon. Pero nung nagtatagal na ay, napapalitan iyon ng matinding emosyon na hindi ko kayang salubungin kaya yumuko na ako.
"Hi, Adrian Ace Eusebio pare!" introduce ni Ace sa sarili niya kay Vaughn at ini offer ang libre niyang kamay para makipag shake hands. Nanatili pa din akong nakayuko hanggang sa nakita ko na ang dalawang pares ng sapatos niya na nakatapat na din sa mga sapatos ko. Sadyang matangkad siya kaya napatingala ako sa kanya.
"Vaughn Jake, Mr. Eusebio." at iniangat niya ang kamay ni Ace na nakaakbay sa akin at hinawi ako mula doon at iyon ang kinamayan niya. Magsasalita pa sana si Ace ng bigla na lang akong hinila ni Vaughn papuntang quad. Doon sa spot kung saan kami palaging tumatambay kapag free time.
Hinihingal kami pareho. Umupo siya pati na din ako. "Why didn't you tell me na panel si Eusebio?" tanong niya may halong panenermon.
"Who's Daenielle?" sagot ko naman sa kanya. "That's rude. You don't answer a question with another question." balik naman niya.
Hindi ko na siya pinansin pa. Yumuko na lang ako. Mukhang wala namang patutunguhan ang usapan na to.
"She's my childhood friend alright! We grew up together. Pati si Leyla ay close friend din siya. Nagulat nga ako kanina dahil nakita ko siya dito and timing naman na free cut namin dahil nagkaroon ng meeting ang prof namin for this afternoon.We were catching up then napadpad ang usapan sa dahilan kung bakit siya nandito sa school natin."
"Okay." sabi ko na lang at tatayo na sana.
"You say okay even if you're not okay. Even if things are still unclear to you. Why Adrienne? Why won't you let me in?!" medyo frustrated na tanong niya sa akin at pilit ako pinaupo kaya nanatili na akong nakaupo.
"I'm fine. really, you don't have to explain. I know my place now. I'm back to being 'Adrienne' because your childhood friend is here." malumanay kong paliwanag sa kanya. Kasunod naman ng mga salitang iyon ang kaunting pagkirot sa puso ko dahil hindi siya nakapagsalita pagkatapos noon.
"No. No. No. See? Hindi mo ako pinapakinggan gamit ang puso mo."
That did it! Yes. Hindi ko pinapagana ang puso sa mga ganitong bagay dahil ako din ang masasaktan sa huli. Pero, this man, knows what buttons to push!
"You want me to talk? Alright! I will talk!" galit na ako.
"I was calling you right after our presentation, sobrang disappointed ako. Dahil ako ang nagpabagsak sa grupo namin, dahil hindi nagustuhan ni Ace ang pagsagot ko sa kanya. And then, I decided to just head up stairs because I was so hungry. Then I saw you at the cafeteria, akala ko nung una mag isa ka lang, pero nandun din pala si Daenielle, dapat aalis na ako pero, naalala ko yung nangyari dati that's why I took the risk. Lalapit na sana ako ng mapansin ko ang phone sa may hand out mo. I tried to call you again, nagriring lang, then I saw you picked up the damned phone then just looked at it then placed it back again on top of your hand out. How do you think would I feel? Ha? You ignored my calls. Then when I reached your table you called me Adrienne again? It was so new to me. You calling me by that name, like I'm just a schoolmate of yours. It hurts to see you laugh with her. It's like you have a certain connection. Parang ang saya mo pagkasama mo siya. Parang iba yung saya mo. Mas pa kaysa kapag magkasama tayo. "

BINABASA MO ANG
Growing Pains
RandomHow do you know what to do with every moment in your life? How do you deal with every setback? How do you continue living?