Entry #3

48 2 0
                                    

Anna Thalia Facundo Lucas

Siya ang nagtityaga sa kalamigan ng pagkatao ko ngayon. Schoolmates kami simula ng natuto akong magbasa at magsulat. Magkapitbahay din kami at kasosyo ng tatay ko ang mga magulang niya sa isang proyekto ng aming kompanya.

Madaldal, magaling magmotivate at lahat na. Perpekto na ata itong si Anya e. Close kami noon kaso nga paiba iba ng klase. Kaya, unti unti ding nagkalayo ng loob. Pero lagi nya akong binabati pag nasa school. Ako naman itong maarte, tamang tango lang. Pero naappreciate ko naman yun.

Di siya umaalis sa tabi ko kahit minsan irita na ako sa kanya tulad na lang noong year end party namin nung December...

<<

Nakakainis talaga. Ang sabi, alas otso ang simula. Pero alas otso y media na wala pa din. Palaboy ang mga kapwa ko estudyante. Anak naman ng tipaklong!

"Uy! Jake!!!!!!!!!"

"Utang na loob Anna Thalia, wala pang isang dipa ang layo natin sa isa't isa."

"Eh kasi naman, you're spacing out again e."

"hanggang anong oras ka ba?" tanong ko sa kanya.

"kung hanggang anong oras ka. Sabay na tayo umuwi!" tapos tinaas-baba pa niya ang kilay niya.

"E di sige. Sabay na ako sa kotse mo."

"yes naman!!! pumapayag ka na ngayon ah."

"ge. kuha na ako ng pagkain Ans."

"Sabay na ako."

Nagstart na ang program. May mga binigyan ng award dahil sa katalinuhan. Sinimulan nila sa pinakahuling pwesto. bale, lima bawat isang year level.

"At para sa ikalawang pwesto, Ma'am Nix, sino po ba ang pangalawang matalino sa ating mga second year students?" anunsiyo ng emcee.

"Asan ba muna ang mga second year?!"

Naghiyawan naman ang mga ka-batch ko. Ayaw ko humiyaw. Naaawa ako sa vocal chords ko.

"Nako. Nako. Ikaw na yan Jake!" bulong naman ni Anya sa akin.

"Tss."

"Ayan. Madami dami pa kayo. So eto na nga, ang nagkamit ng pangalawang pwesto ay si... Anna Thalia F. Lucas! Congratulations!"

"HAAAA?! Oh my goodness! hanggang doon ang naabot ng neurons kooo." di makapaniwalang sabi ni Anya at pumunta sa harap upang kunin ang certificate niya.

"At ang pinaka matalino sa mga sophies, walang iba kundi si, Jeanne Adrienne K. Eusenberg! Ang talinong bata. nito, tahimik at maganda pa. Boys,ano na pang hahanapin niyo?" malanding pahayag naman ng aming Dean.

Okay. Isa itong pagsubok. Ang pagpunta sa harap ng hindi nadudulas o hindi masasangkot sa isang kahiya-hiyang kaganapan. hingang malalim Jake. Woo!

At yun nga, pagpunta ko sa harap ay niyapos ako agad ni Anya at inanunsiyo na

"Bestfriend ko ito!!"

May mas pula pa ba sa pula ng mukha ko. Grabe talaga ang bibig ng babaeng ito.

Pagkabalik namin sa upuan ay hindi na tumigil kakadakdak si Anya. Kesyo pangit daw ang suot ng crush niyang intern. At hindi daw maganda ang pagkakakulot ng buhok ng aming Dean at kung anu-ano pang kapintasan ng ibang tao.

Tumayo muna ako balak ko sanang humanap ng katahimikan.

"Uy, san ka?"

"Sa impyerno. sama ka?"

"Sus. Jake naman. San nga kasi?"

"Basta." at nagmamadali na akong umalis.

Nararamdaman kong sumusunod siya sa akin. Pero kapag lilingon ako sa likod ko, tatago siya sa isang poste o magfifeeling camouflage.

Malapit na maubos ang pisi ko.

"Anya. Labas na jan."

Aba. Walang balak lumabas.

"Sige. uuwi na ako."

"Ito na. Andito ako oh!" Sabay sulpot nya sa may kanan ko.

"Tara na nga at umuwi." Aya ko sa kanya.

"Sige ba bestfrieeend!!!!"

>>

Ganun siya ka spontaneous. Di ko alam kung ilang drum ng kape nilaklak nito at kung ilang bloke ng tsokolate ang kinakain. Parang di nauubusan ng enerhiya ang katawan. Tulad ngayon. Pagpasok ko pa lang ng room..

"Adi! huy!" kinalbit pa ako.

"O?"

"May naghahanap sa iyong Vaughn Jake"

"Bakit daw?"

"Ewan e. Hinarot nanaman nila "sampal-deserving" girls.Pero bago ata sya dito? O ibang year level? Iba uniform e."

"Ah. siguro nga."

"Grabe ka Adi,wala ka man lang bang curiosity DNA sa katawan? ha?" tanong ni Anya.

"Curiosity killed the cat, Anya."

"Oh so? di ka naman pusa."Logic talaga ng babaeng to, minsan palya.

"Saan na ba kasi si prof? Sabi mo sa akin malelate na ako?"

"Aba malay ko. Nawala. Andito na yun kanina e."

"Anya..." medyo nangbibintang ang tono ko.

"O? Bakit?" wala na. Nanlaki ang butas ng ilong at natataranta ang mata niya.

"Hay nako. Anna Thalia."

"Eh kasi naman Jake, ngayon lang may naghanap sa iyong lalake. Gwapo pa at mukhang may utak."

Nanahimik na lang ako sa upuan ko at nag soundtrip.

Napalingon ako saglit kay Anya. Kakaiba siya. Kahit sino sa classroom nagagawa niyang kausapin at patawanin.Nagpalingon siya sa akin at may sinabi, hindi ko masyadong narinig pero ang base sa buka ng bibig niya "ganda ko no?" ang sinabi niya.


Napairap na lang ako sa kawalan. Kahit ganyan yan, siya, bukod sa pamilya ko, ang nagpapanatili sa katinuan ko. Ipinapaalala niya na hindi puro pangtatraydor at kasamaan ang bumabalot sa mundo. May mga tao pa ding dapat nating pagkatiwalaan at ingatan.

Growing PainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon