Entry #11

17 1 2
                                    

Malapit na mag end ang November. December nanaman in a few days. Grabe. Ang bilis ng panahon. Parang nung isang araw lang ng lumipat si Yohan sa unit niya sa Centro towers. Haaaaay.. Bakit ang bilis bilis ng panahon? 

"Ano Adrienne? Sasama ka ba?" rinig kong tanong ni Leyla.

"H-ha? Saan?

"Sabi ko na sa iyo e. Wag kang mag eexplain kay Adi kapag di siya nakatingin sa'yo. Mababalewala lahat ng sinatsat mo." pag eexplain ni Anya.

Natawa naman ng bahagya si Leyla at nagpaliwanag ulit.

"Birthday kasi ni kuya. May konting salo-salo sa bahay. Celebration daw dahil nadagdagan ng isang taon ang buhay ng damuhong iyon." pagbibiro pa niya. 

"Anong oras ba? Sama ka ba Ans?"

"Aba siyempre! Andun si mama e. Remember? itong makulit na 'to ay pasyente ni mama, at naging family friend na din namin sila simula noon pa at isa pa, kailangan bantayan ang kapatid mong parang giraffe baka mamaya hindi na ako ligawan ulit nun kapag nakakita nanaman ng tikbalang."

"Ano?!" naguguluhan ngunit natatawang sagot ni Leyla.

Nakakatawa naman kasi talaga. Ayaw niya paligawin si Yohan, pero ayaw din niya manligaw sa iba. Nasa pakipot stage daw siya. Dapat lang daw na mag intay ang kapatid ko. Step by step para sure. I wonder kung makaka experience ako ng ganyan. I wish. 

"Oh ano? tara na? Uwian na daw sabi ni sir e." aya ni Anya. 

Sabay sabay na kaming lumabas ng room at nagpasya kaming tatlo na mag stairs pababa para matagtag daw ang tyan namin at maraming kakainin mamaya. Baka masabihan nanaman ako ng lalaking yun na "may unwanted fats.." 

Nagtataka naman ako ng bawat step sa hagdan ay may katapat na post it sa pader. Kaya napalapit ako doon at binasa ang nakasulat.

"Ay! Eto na yun! Start na!" medyo nagulat ako sa sinabi ni Anya kaya nilingon ko muna siya pero pinagtulakan niya ako para basahin ang post its. Habang bumababa. 

"Kunin mo Ate Adrienne. Ipunin mo." sabi pa ni Leyla. 

JAKE you're kind

 

JAKE you're masungit

 

JAKE you're beautiful

 

JAKE you're amazing

Parang lahat ata ng adjective na good at medyo bad basta nagdedescribe sa akin ay nagamit na. Sino naman kaya ang may pakana nito? Baka naman hindi ako ang 'JAKE' na ito. Baka naman si Vaughn JAKE ang tinutukoy dito. 

"Ans, baka hindi ako to. Baka mapahiya nanaman ako." natataranta ako habang binibigay kay Anya yung post its at medyo lumalayo na sa pader. Masarap isipin na para sa akin ito. Pero baka nga hindi. 

"Sa iyo yan ate. May lalaki bang 'beautiful'?" agad na sagot naman ni Leyla. 

"Eh sino may pakana nito? Nako baka pinagtitripan niyo ako a." may konting pagbabanta sa tono ko.

"Ay nako. Daming satsat nito. Namnamin mo na iyang moment mo ateng. Go and read and baba lang tayo ng baba ng malaman natin kung sino ang mastermind nitong kalandian na ito."

Growing PainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon