Entry #5

37 2 3
                                    

Try something new

Ala-sais na ng hapon natapos mag review si kuya. Dumaan muna kami sa flower shop at binilhan ng tulips ang lolo at lola namin. 

"Sino yung katabi niyo ni Anya kanina? Parang hindi nyo ka-batch iyon ah."

"Si Vaughn Jake kuya. Ang haba lang pag eexplain ko kung pano sila nagkakilala ni Anya."

"Hmm.. Eh bakit niyo sya kasama?"

"Ewan ko ba naman kasi kay Anya, kung bakit dikit ng dikit doon, e hindi naman namin ka-batch."

"Aah, eh kamusta naman preparation mo para sa exams?"

"Ayun. Ganun pa din naman. Konting basa ng notes at review ng books."

"Pagbubutihan mo Jake ha? Para tulad ka ni kuya, pogi na mabait na matalino pa."

 "Kuya? May pinaayos ka ba sa sasakyan mo? "

 Nagtatakang nilingon ako ni kuya"Wala naman, wala ngang pera e." sabay balik ng tingin sa daan.

"Lumamig e. Lumamig talaga. Lumakas ang aircon" sabay lingon ko sa may bintana. Pinipigilan ang tawa.

"Aba! ikaw na bata ka! Natututo ka na ng mga ganyang kalokohan kay Anya."

"Kuya naman. Tao ako. Nagdadalaga din"

"Baby ko pa din kayong kambal pati si chowder" sabay kurot niya sa pisngi ko.

----

 Habang nakatitig ako sa puntod ng aking lolo Nap,napaisip ako sa ikinwento ni Anya sa akin

"Ganito kasi yan Adi, medyo magkakilala na talaga kami niyang si Vaughn. Kaya nga di ko na kinukuya e. Haha." Sabay higop nya sa nabili niyang Milo with ice.

"Oh talaga? Bakit di mo man lang siya nababanggit sa akin? Nako Anya, wag kang makagawa gawa ng kwento. Alam mong ang ayaw ko sa lahat ay--"

"Sinungaling. Susmiyo! Ikaw pa ba paglilihiman ko Jake. Eto na nga at magkukwento na. Si Vaughn Jake ay kuya ng pasyente ni mama, e diba cardiologist ang mommy?" napatango na lang ako at nag-iintay pa sa susunod na sasabihin niya.

"Madalas kaming magpanagpo sa clinic ng mommy simula nung 3rd year high school tayo, dahil may sakit yung kapatid niyang si Khaleyla. Dysrhythmia daw ang sakit. Since si mommy ang nakadiscover nito, sa kanya na laging nagpapa check up si Leyla. Nag undergo na din ata siya ng therapy at nagiging okay na din ang kondisyon niya. Medyo pang mayaman nga ang sakit niya, pero okay naman dahil may kaya sila. Kaya nga, tuwing may check up si Leyla, si Vaughn ang nag aattendance. Pangarap kasi ni Leyla na maging doctor at ang pre-med niya ay ito, PT."

"Okay. So di ko pa din gets kung bakit mo sya ipinagpipilitan na manliligaw ko o kahit ano pa? Ngayon ko nga lang siya nakita e. At di din naman siya nagbibigay ng signs of admiration."

"Mahiyain yan. Di lang halata Adi. Nakipag break sya sa long time girlfriend niya para sa kapatid niya kasi ayaw ng kapatid niya doon sa babae. Chinika ko nga si Leyla e. Yun pala narinig niyang may kausap yung girl sabi pa nga daw "babe, di ko pa makopya yung assignment ni Vaughn." Kaya yun nung kinwento ni Leyla. Nagduda pa muna si Vaughn at di nagtagal ay nakumpirma niya nga iyon. Kaya nakipag break na siya."

"O? tapos?"

"Hapit ka lang te?"

"Baka kasi biglang lumabas na si kuya, mabibitin ako sa MMK mo."

"Heh! Kaya ko lang naman siya nirereto sa iyo, kasi nga, alam kong mabait siyang tao, at alam ko ding siya ang right person para sa iyo."

"Talaga lang ha?" patuyang tanong ko sa kanya.

"Oo nga kasi. Ano ba? Ngayon ka pa nagduda sa madam auring skills ko. Ikaw na lang ulit ang nakakuha sa atensyon niya e. Natuwa nga si Leyla nung nagkukwento daw si Vaughn tungkol sa katukayo niyang babae. Haha. Akala niya lesbiana ka daw. HAHAHAHA. Bumenta nga iyon sa akin e" Nalukot ang  mukha ko sa pinagsasabi niya pero tumawa lang sya.  

"Naguilty din kasi si Leyla, syempre, mag aapat na taon ng walang girlfriend ang kuya. Akala niya pinapanatili ni Vaughn ang pagiging single para maalagaan siya. Ang sweet nila no. Parang kayo lang ni Yohan." At hindi ko pinalagpas ang pagbanggit niya sa kakambal ko, akala mo Anya ha. 

"Uy! binanggit niya! Pagbigyan mo na kasi ang kapatid ko Anya. Tagal na nung di nagpapapansin sa iyo. Di mo ba namimiss? Hala ka. Baka may nakita na yung MAS sa lahat ng qualities compared sa iyo. Tsk. Tsk. Gwapo pa naman non ngayon."

"Ah ganun? So ako ang ginigisa mo ngayon ha, Adi? E kung ibigay ko kaya iyong number mo kay Vaughn? Ilang araw na yung nagpaparamdam na parang gustong i-introduce kita sa kanya."

"Wag ka nga jan." 

"Sus. Trust me. He's the right guy for you. Okay naman sigurong makipagkilala ka sa iba diba? bukod sa beautiful face ko."

"Kanina pa iyang right guy right guy mo. Di naman ako type nun."

"Kaya nga makipagkaibigan ka din sa kanya. Let's see kung hanggang saan. Hahaha. Life is about making choices diba Jake? Sa'yo nanggaling yan. Try something new. O, ayan na pala ang kuya mo."

"Anya, una na kami ni Jake. Magkwentuhan na lang kayo ulit mamaya sa bahay."

"Okay lang kuya Doc.Ingat po!" 

Akalain mo bang may pinagdaanan pa lang ganun yung Vaughn na yun. Wala sa mukha e. Pero tama nga kaya si Anya? Subukan ko na kayang magpaligaw? May mangilan-ngilan din kasing sumubok pero di umubra sa mga kapatid ko.  

"Anong iniisip ng kambal ko? Ha? In love ka na?" tanong sa akin ni Yohan. "Ma! Pa! Si Jake may crush na o!!" Sabay akbay na parang sinasakal ako.

"Nako, di pwede yan. Kapag intern ka na saka lang pwede iyang mga ganyan." Kunwaring naghihigpit ang papa.

"Sus. Si papa oh. Parang di naging crush ang mommy noon." Biro ni Yohan kay Papa.

"Nagbibiro lang naman anak. Iyan." Sabay turo nya sa puntod ni lolo at lola "Iyang mga nakatatandang iyan, ang lolo at lola niyo, sa kanila kayo magpatulong humiling na sana makatagpo kayo ng tamang partner para sa inyo. Sila ang the best couple na kilala ko.'

"Bakit ba kasi love agad pa?" Pabirong tanong ko. "Nakakaumay ang topic na iyan. Parang mamatay kasi mga classmates ko kapag walang boyfriend."

Nagtawanan naman sila at nagpatuloy pa ang tuksuhan namin. Pauwi na kami at pareho pa din naman ang set up. Sa kotse pa din ni kuya ako sumabay.

"Yung Vaughn Jake ba yung crush mo?" tanong niya na nagpabigla sa akin. Seryosong nakatitig si Kuya sa daan,

"H-Ha? Hindi ah. Walang crush crush kuya. Focus ako sa pag-aaral"

Napangiti saglit si Kuya.

"Wala namang mawawala if you just try. Try something new. Basta ba imaintain mo iyang focus na sinasabi mo. "

Napangiti na lang din ako.

Growing PainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon