Everything
Isang klase pa ang hihintayin kong matapos para makauwi. Finals na namin next week kaya tatambay muna ako saglit sa library.
Kuya calling...
"Yes po kuya?"
"Sumabay ka sa akin pauwi mamaya ha? Bibili tayo ng bulaklak para kina Lolo at Lola death anniversary nila diba?"
"Ah! Ngayon nga pala yun. Sige kuya. E pano si kambal?"
"Sila mama na ang magsasabay sa kanya papuntang cemetery. Sige na. May klase pa ako. Tatawagan na lang kita mamaya. bye"
"Bye po."
Ngayon nga pala ang death anniversary ng mga number one supporters ko. Nakakamiss na din ang walang tagapagtanggol at nakaantabay lang sayo.
"Friend, hindi makakatulong sa pag-unlad ng Pilipinas ang pag eemote mo jan. At sana wag mo nang dagdagan ang tumataas na suicidal rate sa bansa."
"Pinagsasabi mo jan Anya? High ka?"
"Kuuu! ako pang lolokohin mo. E kahit paglunok mo kabisado ko na. Anong problema mo nanaman ba? Sabi ko sa'yo maghanap ka na ng boyfriend te. Maglandi ka naman. "
"Tigilan mo ako sa mga ganyang topic ha Anna Thalia."
"Sorry na. E bakit ba kasi nakasambakol ang feslak mo.?"
"Ewan ko sa'yo. Pumunta na nga lang tayo sa next class natin."
"Ayoko!" at nagpapadyak padyak siya dun sa may bench sa hallway."Anya. Please naman.."
"Sabihin mo muna kasi. Bakit?"
"E death anniversary nga ng lolo at lola ngayon. Namimiss ko sila kaya sasabay ako kay Kuya pauwi."
"Aah. Wag ka na sad. Nafifeel ko naman na kuma-clap along sina lolo at lola sa heaven ngayon tsa---"
"Kuma-clap along? Anong ibig sabihin nun?"
"Alam mo Jake, mag search ka naman ng bagong kanta sa taong kasalukuyan. Nasa kanta iyon ni Pharrel na ang title ay 'Happy' kaya ginamit ko ang lyrics. eto na tatapusin ko na yung lecture ko kanina, asan na nga ba ako?"
"Ah! yun nga, tsaka, sinabi mo bang sasabay ka kay kuya mo? ibig sabihin sabay din si kambal mo sa'yo??"
"No. I don't think na sasabay sa akin si Kong. Sorry Ans. HAHA."
Nararamdaman kong may namumuo nanamang kalokohan sa utak ni Anya. Ganyan iyan sa kakambal ko, palibahasa nung gradeschool kami, crush na crush siya ng kapatid ko, sinubukan pa ngang ligawan noong high school kami e. Pero itong si Anya, masyadong mapili. Kesyo, payatot daw si yohan, kesyo masyadong matalino at iba pang kaartehan niya.
"Yan! ganyan! laugh a little more! smile lang ng todo girl!"
"Oo na. Oo na. tara na nga Anna Thalia!"
At dumiretso na nga kami sa next class namin. As usual at magulo.
"Okay class. Settle down. I'll just give you the highlights of our Finals. Kayang kaya niyo to. Sus!"
"Sus! Bolero mode ka ser!" sigaw ng mga classmates ko
At ibinigay na nga niya ang points to review. Kaya ko naman to. Konting pabasa lang ng libro at scan sa notes, papasa na.
BINABASA MO ANG
Growing Pains
RandomHow do you know what to do with every moment in your life? How do you deal with every setback? How do you continue living?