Sunday is family day. Inaabangan ko ang araw na ito dahil ngayon lang talaga nagkakuwentuhan ng mahaba-haba ang aming pamilya at kasama na doon, sila Anya. Maaga kaming magsisimba tapos diretso uwi sa bahay at buong maghapon kaming magbabonding.
"ACHI!!!" sigaw ng pamangkin ko. Si Joaquin Ezekiel. Oo. Pamangkin ko siya. Anak ng kuya ko at ni ate Clarisse. Magkasabay na gumraduate si kuya Raven at ate Clarisse, si kuya ay nakapagtapos bilang isang med tech at si ate naman ay isang interior designer.
Nagpasya na silang magpakasal kahit pa may intensyon na maging doctor si kuya, sabi kasi nila "E bakit pa patatagalin kung dun din naman ang tuloy." Kaya may isang Joaquin Ezekiel sa aming pamilya. At ngayon nga ay pangalawang taon na ni kuya sa pagpupursige sa kanyang kagustuhan na maging doktor.
"Anak wag mo namang dumugin ang tita Jake mo." saway ni ate Clarisse kay Wacky. "JAKE!! Kamusta na?! Nako, ngayon na lang tayo ulit nagkita." Baling naman niya sa akin. "Maraming kwento ang kuya mo sa akin, nako ha, you've got some explaining to do." panay pa ang taas-baba ng kilay niya.
"Sure ate. Pero mamaya na kapag tulog na ang pogi kong pamangkin!" at pinanggigilan ko naman ang pisngi ni Wacky. "Where's tito Yohan?" Nanlalaki ang mga mata ni Wacky sa paghahanap sa kakambal ko. "AYUN! I found him na po!!" at kumaripas na siya ng takbo papunta don at agad naman siya nitong binuhat at initsa itsa sa ere. Pero ganun na lang ang gulat ko ng bigla niyang ibaba si Wacky upang tingnan ang kanyang cellphone.
"TITO! TITO! AGAIN!! I WANT AGAIN!! SUPER MAN AGAIN!!" pangungulit ni Wacky. Pero walang reaksyon. Nakatulala lang siya sa phone niya.
"She's here." biglang sabi niya.
"Sino?" agad ko namang tanong. "Huy bro! Sino nga kase?!" dagdag pa ni kuya nung hindi sumagot agad si Yohan sa tanong ko.
"Si Mia Carelle Dinglasan Ruiz." Sino naman yun?!
"AHA! That's the girl that you have been courting for almost 3 months?" tanong ni kuya na para bang sinisigurado kung tama nga ang kanyang pagkakaalala.
"Nanliligaw ka?!" sabay naming sigaw ni mama.
"Yes. Yes." napabuntong hininga na lamang siya sa mga reaksyon namin.
"Sus naman kayo. Ano bang tingin niyo sa anak ko? Puro aral lang? Siyempre, sumasideline din yan." Pabirong sita sa amin ni papa.
"Well, that Carelle must really be something, ni hindi mo nga nabanggit sa akin e." sabi ko na may himig ng pagtatampo sa kambal ko.
"Magpapaliwanag ako mamaya, lahat lahat, kahit yung pinaka unang candy na binigay ko sa kanya isasama ko sa kwento. Shit! Tumatawag siya!" sabay taranta siyang napatingin sa phone niya. Grabe naman ang Mia Carelle na iyon, lakas ng dating kay Yohan. Parang si Anya lang noon.
"Pa, ano na?" tensyonado na ata tong kakambal ko. Pigil hininga kaming nag hihintay sa reaksyon ng mga parentals. "Well then, let her in." sabi ni mama at papa. Nakahinga naman kami ng maluwag.
"Why did you stop bweathing kanina achi?" inosenteng tanong ng pamangkin ko. "Nothing baby, we were just playing a game."
"You didn't sali me. Hmp!" at umingos siya sa side ng mama niya. "Inaantok ata." pabulong na sabi ni ate Liz.
"Anyare te?" gulat akong napatingin kay Anya. "Bakit nag reretouch ang sambayanan? Did I miss something?"

BINABASA MO ANG
Growing Pains
RandomHow do you know what to do with every moment in your life? How do you deal with every setback? How do you continue living?