Sometimes we enjoy silence. It's like there's a secret connection between our minds. Tanging kanta lang sa coffee shop na pinagtatambayan namin ang naririnig. Dito kami sa itaas dahil mas kaunti ang tao dito kumpara dun sa ibaba.
"Saturdays are for study dates kase." naalala ko pang sagot niya kay Daddy nung tinanong siya nito kung bakit ako lalabas kasama niya. Wala kasi kaming klase kapag Sabado.
"Coffee ka pa miss?" tanong niya na nakasulat sa isang post it. Bigla nalang niyang dinikit sa page na binabasa ko. Kaya tiningnan ko siya. Kumindat naman siya at nag iintay ng sagot ko. Ngumiti muna ako.
Gwapo si Vaughn. Walang tanong tanong. Yung mukha niya parang sa kalahating kastila pero gawin mong pinoy ang kulay ng balat. Pati mata niya parang kulay brown. Matigas ang panga niya at aaminin ko na isa yung sa mga gusto kong katangian ng mukha ng isang lalaki. Para kasing lalaking lalaki ang dating.
"Ano na?" nagsalita na siya.
"Banoffee pie na lang. Hehe" sinamaan niya ako ng tingin at nag peace sign naman ako bilang depensa. Pinagbabawas na kasi niya ako sa matatamis. Balik alindog 2015 daw. Ewan ko ba dun.
"Last na for this week ha?" saway niya na parang bata ang kausap. Sunod sunod na tango naman ang ginawa ko.
At bumaba na siya para mag order. Ang tangkad din ng lalaking ito. Di hamak na mas fit siya sa akin dahil nga higher year siya. Kumbaga, parang trend daw iyon sabi ng isang prof namin, habang tumatanda or naglelevel up kami sa school, sumasabay din daw ang kagustuhan ng pagpapalevel up ng katawan, dati daw kasi patpatin o di kaya naman ay chubby ang mga higher years, pero nagiging fit in the long run. Parang may magic na nagaganap. Sana sa akin din maging effective ang magic na iyon. Sana.
Ilang gabi ko ng pinagiisipan kung kelan ko kaya siya sasagutin? Mahal ko na ba siya? or like pa lang? o baka ng infatuation pa lang? ah ewan. Kailangan ko talaga ng makakausap tungkol dito. Mag aapat na buwan na simula nung manligaw siya. Nung Valentine's day nga e, syempre hindi naman siya mawawalan ng pakulo. Pero simple lang, yung tipong walang inabalang ibang tao. Di ganun katawag pansin kaya naman naappreciate ko ng sobra. Kasi the more na hindi grandiyoso the more na nagiging special.
Nararamdaman ko ng umiinit ang pisngi ko. Everything he does, may ganoong epekto sa akin. "Miss." narinig kong banggit niya at nagtataka naman ako. Hilig niyang mantrip ng ganito.
"Ano nanamang trip to ha?' natatawang tanong ko sakanya.
"Sabi kasi sa akin nung nag order sa baba, may makulit daw na customer dito sa taas, matakaw daw sa banoffee pie at nag iisa."
"O tapos?"
"Eh wala namang ganon? Kanina ko pa hinahanap e. Nakita mo ba?" parang timang pa siya na lumingon lingon kung saang sulok.
"Ah ako yun." pagsakay ko naman sa trip niya.
"Ha? Pano nangyari yun? di ka naman pasok sa description."
"Bakit paano mo ba ako idedescribe kung ikaw yung nag order?"
"Eh maganda ka lang naman pero mukhang medyo mataray. Slight. ganon. " nagtitigan kami at natawa na lang sa kalokohan niya. Gusto ko yung ganitong pakiramdam. Yung parang hindi siya nagsasawa umeffort para sumaya ako. Walang boring na araw, kahit minuto basta kasama ko siya. Kaya ko na nga atang isara ang librong binabasa ko, para lang pakinggan siya. To think na wala na akong mas mamahalin pa noon kesa sa mga libro ko.
BINABASA MO ANG
Growing Pains
RandomHow do you know what to do with every moment in your life? How do you deal with every setback? How do you continue living?