28..29..30.. hoo.. hoo.. hooo..Grabe parang one hour bago mag iba ang number of second sa screen ng treadmill. Nakakamatay ata itong pag jogging. Pero, I need to do this. I need to burn fats. Kanina pa ako iniwan nung trainor, si Miss Wendy. Isa siya sa mga taong nirerespeto ko talaga lalo na pagdating sa health and fitness matters. Masyado siyang mahigpit sa kanyang sarili. Kasi kailangan daw healthy siya at fit na fit. How I wish ganun din ako.
Eto nanaman ako sa mga moments ko na lakas mag self-pity. E sa totoo lang, tamad lang naman kasi talaga ako kaya may mga unwanted fats na nakapalibot sa aking bewang na baka lumaki dahil sa pagkain ko ng BBQ. Grabe. Lakas nung epekto sa akin nung phrase na yun. Kaya eto, balik gym ulit.
"Adrienne, you don't need to force yourself. You can do the '3-minute run, 2-minute walk' pattern. Matotorture ang lungs mo niyan. Wait, i'll adjust it for you." akmang pipindot na sa options ng treadmill si Miss Wendy, pero pinigilan ko siya. At ngumiti na lang.
Sus, kaya ko nga tong gawin noon. Makakaya ko ulit tumakbo ng 5k sa loob ng dalawang oras. Mabagal na nga iyon e. "You sure?" tanong pa niya ulit sa akin.
Tamang thumbs up na lang ang naisagot ko sa kanya at nanuod sa flat screen na naka suspend sa harap ko. Medyo matagal tagal pang takbuhan to.
Pagkatapos ko mag gym ay umuwi na ako sa bahay para magready dahil first day na ng second sem namin bukas. Daanan ko kaya si Anya mamaya? Hmm, seems like a good idea. Tama. Pupunta ako doon, makikitulog na lang ako kay kambalpara maaga akong makapasok bukas. Makapagpaalam nga kay dad.
"Dad" kumatok muna ako sa pinto ng library na nagsisilbing office na din ni dad dito sa bahay every weekend."Come in"
Pagsilip ko pa lang ay nag tatype si dad habang nakakunot ang noo. Parang may problema sa business?
"Hi." lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Hi anak." at tinanggal ang kanyang reading glasses bago ako tiningala.
"May problema ka dad?" pinipilit kong intindihin ang nakatype sa laptop niya ngunit sinara niya ito at tumayo bago pinatong ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko upang ilayo ako sa table niya at itulak papunta sa reading bean bags.
Huminga muna siya ng malalim.
"Anak, simula bata kayo, never akong nagshare ng problema na kaharap kayo at plano kong panatilihin iyon hanggang sa magkapamilya na kayo ng kapatid mo, so, what's up?" yes, my dad is cool like that. He's been the best-est provider God has blessed us to have.
"Magpapaalam po sana ako kung pwede akong mag sleepover dun sa unit?"
"Bakit naman?"
"Wala lang dad. Naisip ko lang since first day bukas, you know. Ma-try ko din yung ganun kalapit na distance from school..."
"and?"
"Anong 'and?' dad?" medyo natatawa kong tanong sa kanya.
"I know there's another reason. Come on Adrienne."
"Okay. Gusto ko din puntahan si Anya."
"Knew it. It's fine. Akala ko naman kung ano na ang problema ng dalaga namin." sabay bironng akbay na may kasamang yakap.
"Dad. Wag dalaga. Di appropriate. Haha."

BINABASA MO ANG
Growing Pains
RastgeleHow do you know what to do with every moment in your life? How do you deal with every setback? How do you continue living?