Entry #8

28 1 5
                                    

"Adrienne, mag exercise ka naman anak, tingnan mo yung ibang kaedaran mo, masyadong hapit sa pagpapayat, samantalang ikaw, hala sige maghapon lang nakamukmok jan sa kwarto mo."



Mahabang litanya ni mama dahil nahuli nanaman niya akong nagbabasa ng paborito kong novel. Hindi naman kasi talaga ako conscious sa katawan ko, di naman ako payat, di din naman ako mataba at hindi ko din matatawag ang sarili ko na sexy dahil malapit na ako sa chubby.


"Ma, matatapos na to oh." sabay taas ko ng libro at pakita ng kung gaano kanipis na lang at matatapos ko na ang librong hawak ko.

"Sus. Sinabi mo din yan nung mga nakaraang araw at nakatapos ka na ng limang libro. Adi, lumabas labas ka naman anak, hindi na normal yan."biro pa niya.

"Okay ma."Ewan ko ba. Nananamlay ako ngayon. Kahapon kasi yung party ni kambal at hindi ko din naman maintindihan kung bakit nakaapekto sa akin ang isang salita.

>> Kahapon sa condo ni kambal

"Adi! Buti nakaabot ka bago lantakan ng tropa ko tong mga niluto ni mama." bati niya sa akin at niluwagan ang pinto upang makapasok kami. Hindi ko na nabanggit na isasama ko si Anya pero alam ko namang wala lang yun sa kanya, baka nga masaya pa siya kapag nalaman niyang sa iisang building lang sila namamalagi.

"Ayos! Andito pala ang future girlfriend ko na ilang taon ko ng dinidiskartehan" sabay kindat pa kay Anya.

"Ligawan mo ako ngayon nang magka alaman tayo." pabirong saway ni Anya. Na hindi naman maitago ang pamumula ng mukha.

Nanlalaki naman ang mata ni Yohan at laglag pangang tumingin sa akin. Kibit-balikat na lamang ang tanging sagot ko sa kanya. Hilig magpasakalye ng dalawang ito. Di na lang mag aminan e.

Dumire-diretso ako ng pasok hanggang kitchen para tingnan kung nandoon si mama. Pero nagulat ako ng makita si Vaughn na naka apron at medyo pawis pa habang tinitikman ang isang strip ng inihaw na karne. Base sa aking kinatatayuan parang siya ang may pakana ng mabangong amoy ng BBQ sa buong unit.

"Ehem." Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko para malaman niya na hindi lang siya ang tao dito.

"Uy! Adrienne? Ano? Bakit?--" di pa natatapos ang tanong niya ay biglang pasok ni kambal at akbay sa akin.

"Jaco! Kambal ko pala, si Jake." pakilala niya sa akin. "Jaco"?? bakit iba nanaman ang nickname niya?

"Adi, si Jaco, tropa ko. Galing USTe yang mokong na yan, gusto pumetiks kaya lumipat sa school mo."

Small world talaga. Nagkaroon ng isa't kalahating minutong awkward silence ng magsalita si Anya.

"Oy! Vaughn! Naks. Tadhana na ba ito at talagang pinagtatagpo kami ng masarap mong BBQ" sabik na sabik yung mukha ni Anya sa paglapit dun sa set ng bagong lutong BBQ.

"Teka lang?? Baket mo to kilala?! Ha?! Di pa tayo pero taksil ka na??" OA na tanong ni kambal kay Anya.

"Tantanan mo nga ako Johann Isaac, ano ba course ko?" tanong naman ni Anya "PT" sagot naman ni Yohan. Tapos tinitigan nalang sya ni Anya na parang "duh??"

"Lintek na! nag PT ka pala talaga pre? Kala ko joketime lang!!!" natatawa namang realization ni Yohan. "Pero Oo nga, Adi. Champion ang BBQ ni Jaco! tikman mo ito mamaya ah." sabay exit kase sinisiringan na siya ni Anya. "Napaka loyal mo talaga kaso, pakipot!" at kumaripas na palabas ng kusina dahil may dalang sandok si Anya pangpukpok.

Nagkatawanan nalang kami. Medyo awkward kaya "Ah sige." at isang medyo alanganing ngiti na lang ang ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang salubungin ang titig niya. At hanep naman, hindi ko alam na tropa siya ni kambal. Mamaya nga iimbestigahan ko kung pano sila naging mag tropa.


Nakipaglaro muna ako ng Just Dance sa mga kaibigan ni Yohan. Nung magsawa kami nag try kami ng ibang laro. Pero, di nagtagal nag aya na din silang kumain.

Carbonara, Chicken lollipop. Siomai. Tempura at... BBQ. Matikman nga ito.

Tahimik lang akong kumakain sa medyo dulong parte ng mesa habang nag aasaran sila. At, medyo nasasarapan ako sa BBQ na ito ha. Makakuha pa nga.

"Aba, mukhang nasarapan ka sa aking BBQ, binibini?" medyo makatang tono pa ang gamit ni Vaughn ng batiin niya yung pagkuha ko ulit ng BBQ niya. Pangatlong balik ko na din kasi. HEHEHE.

"Masarap naman pala talaga." nginitian ko pa siya para naman, wag na niya pansinin yung pagiging matakaw ko.

"Ingat lang. Punong puno yang plato mo. Baka madagdagan yang unwanted fats mo sa may bewang. Hahahaha." at bahagyang kurot pa sa magkabilang tagiliran ko ang natanggap mula sa kanya.

Kaya, naconscious na ako. Binalik ko na yung supposed to be na kakainin ko at hindi ko na din naubos yung Carbonara at Tempura na natira. Nilagay ko na lang sa black bag yung plate ko.

"Oh. Bakit mo naman tinapon? Binibiro ka lang e. Oh eto pa. Natutuwa nga ako kasi nasarapan ka. Kakambal ka pala ni Yohan? tinde niyo. Di ko napaghalataan."Sunod-sunod niyang sabi at nilalapit sa akin ang dalawang stick pa ng BBQ.

"Ah. Oo. Hehe. Di na. Thanks." Pasalamat siya at medyo polite pa ako.Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko na makipaglapit sa ibang tao. Lalo na kung magaganda at gwapo. Natrauma na kasi talaga ako.

Pupunta na sana ako sa living room upang ayusin yung nagkanda buhol buhol na wires ng gaming console nang lapitan ako ni Yohan.


"Oy. Di ba masarap yung Carbonara ko? Bakit di ka na bumalik para kumuha ulit?" may himig ng pagtatampo yung boses niya.

"Diet. Ulit." at isang malungkot na ngiti ang tugon ko sa kanya.

"ANO?! SINO NANAMAN ANG NANG-AWAY SA IYO HA?! MAKAKATIKIM NA SA AKIN YANG MGA YAN. SABIHIN MO LANG SA AKIN AT AABANGAN NAMIN NG TROPA KO YANG MGA NANLALAIT SA IYO. SINO HA?!" nagulat ako sa outburst ng kakambal ko. kaya di ako nakapagsalita agad.

"Anong nangyayari bro?" "Adi, anyare dito?" Lahat sila nasa amin na ang atensyon.


"Huling beses kang nag diet ng sobra ay noong nabully ka nung high school tayo. At umabot sa punto na di ka na kumakain kaya kailangan ka naming isugod sa ospital. Dahil lang sa mga salita ng mga hayop na yun! Ngayon sino nanaman ha? Jeanne Adrienne?" Hinihingal siya ng kaunti ng matapos ang litanya niya. Inikot ko ang mata ko at nakita ko si Vaughn, na may medyo guilty look at yumuko siya ng bahagya ng magtagpo saglit ang paningin namin.

"Wala. Trip ko lang. Ano ba?Chill." at tinapik tapik ko pa ang balikat niya para lang tuluyan na siyang kumalma. "Kain na kayo ulit." sabay sabay naman nagsibalikan sa kusina ang mga kaibigan niya.

Napansin ko na hindi pa din umaalis si kambal sa likod ko habang nag aayos ako ng sala niya. "Uy. Okay lang ako. Ano ka ba?" Di niya ako inimik. Inintay ko siyang bumalik na sa kusina. Pero di pa man siya nakakahakbang papunta doon ay nagsalita sya.


"Adi, the whole family loves you no matter what. Okay?" paalala niya pa sa akin. "Yes. Sir." pabirong sagot ko naman sa kanya.


Hindi na din naman ako nagtagal at umalis na din agad. Hindi ko nga alam kung anong oras na sila umuwi at kung nakauwi ba ng kwarto niya si Anya.

Baka madagdagan yang unwanted fats mo sa bewang

Baka madagdagan yang unwanted fats mo sa bewang

Baka madagdagan yang unwanted fats mo sa bewang

Napatayo ako at tumingin sa full length mirror sa kwarto ko. Nanaba nanaman ba ako? Nagiging eye sore nanaman ba ako? I hate this feeling. UGHHHH!!

Growing PainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon