"Ang lupit nung finals natin no? Di ko mareach yung questions ni Sir Dimasupil. Badtrip yang Physics na iyan! Maglalaslas na ako." madramang pahayag ni Anya. Katatapos lang kasi ng final exam namin sa mga mabibigat na subject.
Panis na panis na ata ang laway ko dahil simula noong Monday ay hindi na ako nakipag chikahan kay Anya. Gusto ko kasi ma-maintain yung place ko sa Dean's list para tipid sa tuition. Kapag tinuturuan ko siya, tamang ballpen at papel na lang ang magsasalita.
"Ano? Di ka pa din magsasalita? Tapos na yung mahihirap na subjects! Jusmiyo! Kailangan natin mag hibernate. Tara at umuwi na." at hinatak na niya ako palabas. Pero bago pa man kami tuluyang makalabas, ay may nabunggo ako habang nilalagay ang books sa bag ko.
"Sorry!" Magkasabay naming sabi. Tumilapon ang files niya pati ang kanyang clipboard na puno ata ng lectures.
"Kelay!!!" tili ni Anya at agad na nilapitan ang babaeng napaupo dahil sa impact ng pagkabangga sa akin. Ako na ang pumulot sa files niya at nag abot ng mga ito sa kanya.
"Anya. Nako pasensiya na kayo ha. Medyo nahilo lang kasi ako ng konti." sabi niya sa amin ni Anya kasabay na isang alanganin na ngiti. Namumutla siya ng kaunti.
"Ay! Jake! Ito si Kelay ang--" panimula ni Anya ngunit pinutol siya nung babae.
"Kung maka 'kelay' ka naman Anya. Khaleyla naman." at nilingon niya ako sabay ngiti at kindat. Teka, parang pamilyar ang ngiti na iyon ah.
"Sya. Sige. Adi, si Jianne Khaleyla. Kelay, si Adrienne" pag introduce niya sa aming dalawa.
"Hello Jake! Finally! Na-meet din kita!" at nag offer pa siya ng kamay. So tinanggap ko naman.
"Uy te. Yung phone mo o." Sabay nguso ni Anya sa phone ni Khaleyla.
"Buti napansin mo. Ay patay! Si kuya!" luminga linga muna siya sa paligid bago sinagot ang tawag.
"Yes po kuya?" napakalambing ng boses niya nung sinagot na niya yung phone. Para bang bata na may kasalanan sa mommy niya.
"Dito lang po ako sa may lobby. Sige po." tahimik lang kaming nakinig ni Anya sa mga sinasabi niya.
"Lagot ka. Sabi ni mama, dapat daw e nagpapahinga ka pa ngayon. Katatapos lang kaya ng check up mo diba? Tsaka mag pa-irreg ka na lang Kelay, kesa ni-pressure mo yung beauty mo sa pagpasa." sabay na sermon at suggest ni Anya. Nakatingin lang ako sa kanya the whole time dahil may kamukha talaga siya parang si--
"Uy! Vaughn!" "Kuya!"Magkapanabay na sabi ni Anya at Leyla. Kung kaya't napalingon na din ako sa tinawag nila. Akala ko ibang Vaughn. Yun pala yung misteryosong kaibigan ni Anya. Nakipag biruan muna siya sa mga kasama niya bago lumapit sa amin.
"Sige pre! Mamaya na lang sa review!" hirit pa ng mga kasamahan niya.
"Uy! bakit kayo andito?" tanong niya sa amin at tumitig sa akin. Nakakailang. Kaya yumuko na lang ako.
"Eto kasing kapatid mo. Nabangga ni Adi kanina." salaysay ni Anya.
"ANO?! Panong--? Nasaktan ka ba ha?!" medyo nagpapanic na tanong niya at sinuri ang kapatid niya kung may galos ba ito o pasa.
"Kuya naman! Chill! Oks lang ako." sabay laro sa mga kilay niya.
"Chill. Chill. Mag ingat ka kasi. At bakit ka ba andito? Inayos ko na ang records mo at nakausap ko na si dean. Wala na talagang pag-asa Ji. Irreg ka na. "
![](https://img.wattpad.com/cover/13606346-288-k19413.jpg)
BINABASA MO ANG
Growing Pains
AlteleHow do you know what to do with every moment in your life? How do you deal with every setback? How do you continue living?