Entry #14

17 1 7
                                    

"Ateng, nasa labas nanaman siya ng room. May klase iyan e. Bakit nanjan?" parang naiinis na sabi ni Anya habang dinudungaw ang hallway.


Ilang araw ko na siyang iniiwasan. Hindi ko alam kung bakit lumalapit pa siya ulit. Kulang pa ba? Kailangan bang mapahiya nanaman ako? No. Not this time. Poproktektahan ko na ang puso ko. Mahirap nang sumugal ulit. 


"Kausapin mo na kasi? Ikaw naman kasi e. Daig mo pa yung leader natin sa lab." hirit ni Anya.


"Leader sa lab?" nalilitong tanong ko sa kanya.

"Kung makagawa ka naman kasi ng conclusion sa mga nakikita mo ateng." Wala na talagang alam itong si Anya kundi awayin ang leader namin sa lab. Si Dreya. Isang taong walang ibang ugali kundi ang pagiging competitive. Pati nag ata anino niya kalaban na niya sa acads. 

Napangiti na lang ako sa hirit ni Anya."Korni." sabay yuko ko at nagbasang muli ng libro habang iniintay namin matapos yung last group na nagrereport.


"Korni daw pero ngumiti. Hay nako. Tulak ng bibig kabig ng dibdib ka talagang babae ka." Ano nanaman pinagsasabi nitong babaeng ito? 

"May nagrereport oh. Makinig ka." turo ko pa dun sa nagrereport sa harapan bago nagbasang muli.
Pero sadyang may kakulitan ang bestfriend ko at hinila ang librong binabasa ko. Tinitigan ko siya ng masama. 

"May nag rereport o! Makinig ka." patuyang ginaya niya ang sinabi ko sabay ngiti pang asar pa. Napilitan na lang din akong makinig sa nagrereport. 



Nang matapos ang klase namin, doon ako dumaan sa pinto na malayo sa kinalalagyan ni Vaughn. Para makaiwas. Naiwan si Anya dahil sila ang unang magrereport bukas sa ibang subject namin. 


Pero kung minamalas ka nga naman talaga. "Hi." sabi niya at alanganin pang ngumiti. 


Tiningnan ko lang siya at akmang lalagpasan ng hawakan niya ang braso ko at sinabing "Mag usap naman tayo please."Kita ko yung pagiging desperado niya. Hindi ko alam pero lahat ng inipon kong coldness para sa mga ganitong tagpo ay bigla bigla na lang nawawala. Parang butter na quickmelt. 


Eto ka nanaman Jake. Nasa gitna ng katotohanan at kalokohan. HAY.Marahan kong tinanggal ang kamay niya at tinitigan siya na parang nagatatanong kung saan kami mag uusap.Nagsimula siyang maglakad papunta sa botanical garden ng school namin. 


Umupo ako sa isang upuan at agad naman niyang kinuha ang bag ko. Parang tinatantiya niya pa kung magsasalita na siya or hindi pa. Medyo matagal na siyang nakatingin sa akin kaya nagpasya na akong magsalita. 


"Vaughn, I don't have the luxury of time. So please, speak up."Yumuko muna siya at huminga na malalim. 


"Nagalit ako sa iyo." panimula niya na talaga namang kinagulat ko to the point na medyo umatras pa ako at pinaka titigan siya. "Wait. Hear me out." at sinalubong na din yung tingin ko. 


"Kasi naman, nakita kita, nakita mo ako, tiningnan mo lang ako. Kakaway sana ako pero ibang mood ang nakikita ko sa mga mata mo.Parang may mental puzzle kang tinatapos at nung nakita mo ang sitwasyon ko, parang biglang nabuo ang puzzle na iyon kaya ngumiti ka sa akin na hindi man lang umabot sa mga mata mo. At dun ko na naisip na, pucha, gago ka talaga Vaughn. Syempre ano nga naman bang unang iisipin mo. May reputasyon ako bilang isang playboy. Pero, pinaliwanag ko na iyon sa yo. Nagkwentuhan tayo diba? Question for a question diba?" unti unti ng nanginginig ang boses niya at kumukuyom ang mga kamao niya. Parang may pinipigilan siyang kung ano. 


Growing PainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon