After namin mag celebrate ng birthday ni Vaughn sa bahay nila, nag-offer sya na ihatid ako sa bahay, para daw extension sa kwentuhan namin.
"O, mukhang gumagabi na hijo." papalapit si mama at may dalang dalawang cup ng hot choco.
"Ay, goodevening po tita. Konting oras na lang po at uuwi na din ako. Nakakaabala na po ba ako?" pabirong tanong niya at kinuha na ang mga cup kay mama.
"Hindi naman sa ganon. Delikado na mamaya sa daan. Nako, ikaw pa naman ang unang nanligaw sa unica hija ko kaya dapat nag iingat ka palagi."
"Ma. please don't.."
"Okay. Okay." sabi ni mama at nakataas pa ang dalawang kamay."Dinalhan ko kayo ng hot choco kasi gumagabi na din. Baka lamigin kayo dito sa labas e. O sige. Aakyat na ako. Mag ingat ka mamaya ha, Vaughn." hinaplos pa ni mama ang pisngi ni Vaughn at tinapik tapik ang balikat nito.
"Ang lambing naman ni tita. Sana maging ganyan ka din. "
"Ano kamo?!" aba't?!!
"Wala. Bakit nga ba natigilan nung nabanggit ko ang pangalan ni Mia?"
"Hindi mo ba alam? o nagtataga-tangahan ka lang?" pabirong tanong ko sa kanya.
"Sakit naman non. Tanga tangahan agad. Clueless lang" at ginulo nya pa ang buhok ko."Wag nga!" at hinampas ko siya sa braso.
"Oy. Tsansing yan a." biro nanaman niya.
Di ko na siya pinansin at tumingin sa malayo habang umiinom ng hot choco. Masyado na siyang kumportable. Ako hindi pa din. Kakaiba siya dahil parang hindi niya alintana ang pagiging cold ko kanina, tuloy pa din siya sa mga biro niya na para bang matagal na kaming magkakilala.
"Ano na kasi? Sorry na. Di na ako babanat ng mga ganun." pahabol naman niya at lumayo ng kaunti. Halos magkatabi na kasi kami kanina. Ngayon, umisod siya para bang nahiya siya bigla.
"E kasi, niligawan ni Yohan iyong Mia na yun dati. Parang may something sa kanya."
Kita ko ang gulat na rumehistro sa mga mata niya. "Niligawan niya pala talaga si Mia? Akala ko nagjojoke lang siya. Walang special sa kanya. Bukod sa maganda ang physical appearance niya. Sa ugali? ewan ko. "
Humigop muna ako ng kaunting hot choco bago sumagot sa sinabi niya. "E bakit mo niligawan?"
"Kasi nga totoy pa ako noon, mata ang unang pinapagana. Walang background background check. Tsaka ang importante kasi sa akin noon, may maiparada na magandang chikas sa barkada. Pero, katulad nga sa kwento ko, nahulog ako sa kanya dahil mabait at maasikaso siya nung una e. Pero nung nagtagal lumitaw din ang pagiging malandi niya."
Napaka vocal niya para sa isang lalake. Hanggang kailan naman kaya siya makakapag tiyaga na siya lang at siya lang ang nag iinitiate ng usapan pag kaming dalawa ang magkasama? Baka magsawa din ito agad. Bahala na.
"O pano? Naubos ko na yung hinatid ni tita. Gumagabi na din talaga. Mauna na ako ah? Kita na lang tayo sa school bukas."Tumango ako at sumunod na din sa kanya para maihatid siya.
"Salamat Adrienne." sabi niya bago tumalikod para sumakay na sa kotse niya.
Binaba niya muna ang bintana upang makapag paalam ulit.
"Happy Birthday ulit. Ingat ka." at kumaway kaway pa ako hanggang sa palayo na ng palayo ang sasakyan niya.
----
Kinaumagahan.
"Morning ma, dad." at humalik ako sa mga pisngi nila.
"Wow. Danda hair ni achi. Pretty pretty mo po! Parang Sophia the first po!" sunod sunod na sabi naman ni Ezekiel.
"Aba, naka clip ka bunso ah." bati naman ng kuya ko.
Inirapan ko na lang sila. Masama bang mag ipit? Kaya ayaw kong nag aayos masyado dahil gagantuhin nila ako e. Akmang tatanggalin ko na yung clip ng magsalita si dad."O. Wag niyo na kasing asarin. Nagdadalaga na ang bunso natin. May pumoporma na nga e." sabay baba niya ng broadsheet na binabasa niya. Nginitian na lamang ako ni mommy.
"Pumoporma? Aba! Tinotoo pala talaga ng gunggong na iyon ang ipinaalam niya dad?"
"Oo. Kahapon siya nagtanong sa kapatid mo at pumayag naman si Jake." nginitian ako ni dad at humigop siya ng kape.
"Mag ingat ingat lang siya. Hm." nilapitan ako ni kuya at pinatong niya ang mga kamay sa balikat ko.
"Kuya, Dad. Utang na loob. It's freaking 6:30 in the morning. Don't ruin my day." sabi ko sa kanila bago inumin ang hot choco na timpla ni mama.
--
Late lunch ang magaganap sa araw na ito dahil ang magaling naming propesor ay nagpa extend sa kadahilanang late siya sa aming klase. Napaka professional talaga. 5 minutes na lang naman at makakakain na ako. Pero, saan ba muna ako kakain?
Habang iniimagine ko ang canteen, biglang sumagi sa isipan ko yung sinabi ni Vaughn na,
"Kita na lang tayo sa school bukas."
Saan? Kailan? Paano? hindi malinaw ang sinabi niya. Magkikita kaya kami? Paano ba kasi? Pupuntahan ko siya ganun?
"Aba Jake, kung busog ka pa sa oras na ito iiwanan na kita dito." nawala ang mga tanong ko ng niyugyog ni Anya ang balikat ko.
"Ha? Ano?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ay grabe ka girl. Ano? Nililigawan ka pa lang niyan ah. Torete ka na jan. Iba talaga ang gayuma ng Vaughn na iyon."
Ganito kasi talaga ako e. Kapag siniksik mo ang sarili mo sa akin at natutunan ko ng tanggapin ang presence mo sa buhay ko at maramdaman ko ang importance mo, siguradong sigurado na ipaparamdam ko sa iyo ang pagiging importante mo sa akin.
Kaya nga, hirap ako ngayon dito kay Vaughn. Nasa gitna kasi ako ng katotohanan at kalokohan. Hindi ko ma-pin point kung totoo ba talaga yung mga sinabi at ginawa niya or lakas trip lang talaga?
"Huy! Jake! Kanina pa tayo naglalakad dito! Saan tayo chibog? dito ba sa canteen or Mcdo?"
Nilibot ko ng tingin ang buong canteen at nahinto ito sa tatlong tao. Nakatayo sila habang hinihintay ang mga order nila. Yung dalawang babae ay magkatabi at yung lalaki, ay nakaharap sa kanila. Para bang entertainer ang peg ni kuya dahil bawat tapos ng salita niya ang tumatawa o ngumingiti ang dalawa.
Naramdaman ko namang sinundan ni Anya ang tinititigan ko.
"Oh shit. Si Vaughn yun ah. Sino naman yung mga yun?" pinakatitigan niya ang mga babae.
Sabi ko na nga ba. Kalokohan ang lahat ng ito.Hindi ko inaalis ang titig ko sa kanya. Kahit papano ay umasa ako. Kahit papano kasi sumaya ako. Kahit papano, nakaramdam ulit ako.
"Ano? tingin lang tayo? Lapitan natin yan. Hindi ubra sa akin yang mga ganyan." mapangahmong sabi ni Anya. Pero di na ako nagsalita at hinawakan lang balikat niya at tinapik tapik na para bang sinasabing palagpasin na itong pagkakataong ito.
Naramdaman na ata niya ang titig ko. Napansin ko ang bahagyang pagkagulat sa kanyang mga mata. Tumitig siya sa akin at tumingin din sa mga kausap niya at lumingon muli sa akin.
Nginitian ko siya ng isang malungkot na ngiti."Tara na Anya. Mcdo na lang." at hinila ko na siya palabas.

BINABASA MO ANG
Growing Pains
AcakHow do you know what to do with every moment in your life? How do you deal with every setback? How do you continue living?