Entry #12

17 1 4
                                    

"Kelan?

"Kelan ang ano?" balik naman niya sa tanong ko.

Tumatambay kami sa bahay ko. Sabi kasi nya, "Mas okay na dun ako gabihin sa inyo keysa ikaw ang gabihin sa amin. Mas panatag akong safe ka na sa bahay mo at isa pa, nagpapalakas pa ako sa daddy mo e." at mapaglarong tumataas taas ang mga kilay niya na sinundan ng bahagyang pagtawa. 

"Yung ano, yung.." hindi ko matapos yung sasabihin ko kasi, nahihirapan akong i-salita e. Ngayon lang kasi may gumawa ng ganito para sa akin and I want to know every detail. Masyado akong masaya at excited dahil bago ang lahat ng ito sa akin. 

"Yung moment na nagustuhan na kita?" at mas tinitigan niya pa ako, na sya namang dahilan ng pagka conscious ko kaya yumuko ako at nag iwas ng tingin. 


Tumingin muna siya sa malayo at ngumiti na parang nasisiyahan sa naalala niya. "Simula nga noong nag yes and no ka sa akin. Taray taray kala ko pa naman mabait ka. Tsk. " sagot niya. Pero hindi ako naniniwala. Napaka imposible naman nun. Hindi kami laging magkasama. Paano niya ako magugustuhan?


"O! Ayan ka nanaman sa mga pag iisip mo. Sige na nga. Aaminin ko na talaga yung pinaka pinaka first time na nagustuhan kita. Pero, wag kang tatawa ha."


Bakit naman kaya ako matatawa? 


"Naalala mo noong pumunta sa paskuhan? Kasama mo noon si Yohan. Akala ko talaga girlfriend ka niya noon. Hindi pa naman kasi kami ganun ka-close dahil barkada ng barkada ko. Layo diba? Napansin talaga kita kasi kahit anong banda trip mo. Para kang lalaki. Angas talaga. Di katulad nung ex ko na kasama ko noon, walang ka thrill thrill sa buhay. Kaya nakuha mo na yung interes ko noon pa."

"Yun na yun? Ang bilis naman pala makuha ng interes mo." medyo may pasaring yung tono ko. 


"Yun nga! Bihira lang makakita ng simple pero maganda at nakakajam sa lahat ng genre ng kanta at mukhang madaling pakisamahan at ang lakas na ng dating mo. Di ka pa nagsasalita nun ah, pero alam mo iyong isang titig lang sa'yo nababasa ka na agad ng tao. Pakiramdam ko noon, ang sarap mo sigurong maging ka tropa. Kasi the way you jam with your twin, ang astig! Napapatitig na nga ako sa iyo nun e.Parang ang sarap mo lang panuorin mag enjoy." tumitingin tingin pa siya sa malayo na para bang inaalala yung oras na yun. 


"Eh pano naman na ano..." hindi ko talaga alam kung paano tatapusin ang mga tanong ko pero gusto ko ng mga kasagutan bago matapos ang gabing ito. Gusto kong malaman lahat lahat. 

" Jake, mas madali ata kung sisimulan natin na maging kumportable kang kausap ako." 


"Pero.." 

"Walang pero pero. Isipin mo na magkaibigan tayo, ako na bahala dun sa pagpapainlove sa iyo. Yakang yaka ko na iyon."


Aba, masyado naman na ata siyang kumportable. Parang siguradong sigurado siya a. Bastedin ko kaya itong damuho na to. 


"Wala kasing mangyayari kung lagi tayong ganito. Parang naaalangan ka. Dapat chill lang palagi. Parang kausap mo lang si Anya. Lahat naman nagsisimula sa magkaibigan diba?" dagdag niya pa. 


"Pero mahirap na maibalik iyon kapag.." magrarason pa sana ako. Kaso humarap na siya sa akin at pilit na hinuhuli ang tingin ko. 


"Babalik? Bakit? Iiwan ba yun? Kahit naman tayo na andyan pa din yun pero hindi ko naman hahayaan na hanggang doon lang. Okay? So let's start on you being comfortable with me."

Tanging tango na lang ang nasagot ko sa kanya. 

"Okay. Sige. Ganito. Give and take tayo ah. You get to ask me one question and it goes the same for me. Walang pass. Walang secret secret. Walang hiya hiya. Game?" 

 "Game." sagot ko sa kanya sabay ngiti. 


At nagsimula na nga. Sinimulan niya sa pagtatanong ng basic information, birthday, school, etc. Nagiging mas kumportable na din ako. Nakakatawa ng katulad ng pagtawa ko sa mga hirit ni Anya. Magaling siyang magpa open up ng tao. Inuunti unti niya munang kunin ang tiwala mo sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagiging honest at open minded. Tipong kahit sabihin mo sa kanyang di ka na virgin ay hindi niya ikakagulat at tatapatan niya din iyon ng mas matinding revelation. 


"So, bakit sobrang sensitive topic ng high school life mo? I mean, bukod sa ka epalan nung Ace na yun, mayroon pa ba akong idadagdag sa listahan ng reresbakan?" medyo sumeryoso siya ng mapansing napatahimik lang ako. "So meron pa?!" 


"M-meron pa. Pero pwedeng wag muna yun? please. Di pa ako ready i-open sa iyo e. Pero pag ready na ako kukwento. Promise! Peksman! mamatay man!"


"Wag nga yang mga ganyan, alam mo namang isang ngiti mo lang katapat e. Ngiti nga jan." panglalandi niya pa sa akin. 

"Malandi ka talaga." Napatingin siya sa akin at tila gulat na gulat. Shit! Nasabi ko ba ng malakas yun?! Adrienne! Adrienne! May itatanga ka pa ba?! 


"Yes. May progress. Nasasabihan mo na akong ng ganyan. I'll let it pass for now, next time papatulan ko na iyang statement mo." sagot naman niya. 


"Wala naman atang lalaking di malandi e. Kahit nga babae diba?" dagdag niya pa. "Oo. Malandi ako. Pero nagbago ako noon, para sa isang babae, kaso wala e. Parang parusa ata ni Lord sa malalandi ito, ayun may nilanding iba ang ex ko. Sobrang Faithful ko nga sa kanya kaya hindi ko alam kung saan ako nagkulang, tiningnan ko bawat anggulo. Sinubukan ko siyang intindihin. Pero, hanggang sa dulo, sinuko ko na din. Wala na din naman kasing patutunguhan kung ikaw mismo ang makakita na niloloko ka na diba?" 


Naiintindihan ko siya. Kahit naman saang "-ship" palpak ako e. Kung hindi sumosobra ang binibigay ko, pakiramdam naman ng iba, kulang. Kaya di ko alam kung saan lulugar. Idagdag pang babae ako. Mas mapag-isip kumpara sa lalaking katulad niya. Nakatitig lang ako sa kanya. Napapaisip kung bakit nga ba ito lolokohin ng girlfriend. Kung pisikal na anyo ang pagababasehan 8/10 naman e. Pero hindi ko pa kasi alam kung paano sa ugali. 


"Ayoko ng awa ng kahit nino. Kasalanan ko din naman yun. Nagpakatanga ako sa maling tao." dagdag niya pa. 


"Sino ba yang maling tao na yan at reresbakan natin?" pabirong tanong ko para kahit papano ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya pati ang aura. Medyo bumibigat na kasi dahil nagakaka personalan na. 


"Si Mia Carelle." sagot niya at tumingin sa akin. 

Mia Carelle. Mia Carelle. Mia Carelle. 

Oh shit! Coud it be?!

----

Flashback

"Si Mia Carelle Dinglasan Ruiz." Sino naman yun?! tanong ko kay Kong.

"AHA! That's the girl that you have been courting for almost 3 months?" tanong ni kuya na para bang sinisigurado kung tama nga ang kanyang pagkakaalala. 

--

"Naalala mo yung kinukwento ko nung nagkaron ng search for Ms. Tourism?"

"Siya iyon?"

"Oo. Actually, kabarkada ko yung ex niya." 

"Oh. tapos?"

"Ayun. Nung naintroduce kami sa isa't isa. Medyo tinantiya ko muna kung okay siya. Kung madaling sabayan yung mga gusto niya, okay naman nung una. Nag date date din kami. Hanggang sa umabot na ngayon. Nagdecide akong ipakilala siya sa pamilya natin."

"Well, mukhang seryoso ka sa kanya ah." 

--

Napagtagpi tagpi ko ang mga naalala ko at hinihintay na sabihin ni Vaughn ang apelyido. 

"Mia Carelle Dinglasan Ruiz"

Shit! Shit! No!

Growing PainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon