Entry #19

14 1 1
                                    

2 weeks. 2 weeks freaking passed with a blur. Wala na talaga siya. Wala ng nangungulit. Walang pumupunta sa bahay kapag gabi at nireraid ang kusina namin. Wala. Mas pa ata sa space yung binigay niya. Parang tinigilan na niya. Pero, I must not conclude. Wag pangunahan ang ibang tao ang isa sa mga natutunan ko. I learned the hard way kung tutuusin. 




Alam mo yung feeling na, pinipilit ka kumain ng mommy mo ng vegetables, tapos may nagustuhan ka, let's say brocolli, tapos nung una, denial ka pa, kasi nga nasa isip mo na gulay yun, na hindi yung gusto ng bata  dapat e. Pero dahil masarap magluto ang mommy mo, hindi mo na alintana kung ano ba yon kasi, masarap, bet mo iyong food. So, you get used to eating brocolli and then all things followed na. Then one day, bigla na lang hindi nagluto ang mommy mo ng food na may brocolli, or kahit anong gulay. Parang ganoon e. 



Pati nga family ko naramdaman ang pagdistansiya niya. Nung unang week ng pagbibigay niya ng space narinig ko si kuya, 



"Oh nasan si loverboy of the year? alas otso na ng gabi a? busy ba Adi?" nagkibit balikat na lang ako. 




Minsan nga nahuhuli ko pa silang sumisilip sa akin kapag nakatambay ako sa may trellis. Baka kasi bigla siyang mapadaan. 




Oo. confirmed na to. Sobrang tanga ko na lang talaga kung itataboy ko pa siya. Almost 4 months of panliligaw na walang mintis. I think that's enough to prove na seryoso siya. Alam ko naman walang kasiguraduhan ang feelings or emotions ng tao kaya hindi ko masasabi na as in totoong totoo at hindi magbabago ang nararamdaman niya for me with just knowing him for almost 4 months, but I think that's enough to know what kind of person he is. 




And with that span of days, I fell in love with him.  Sayang lang dahil it took me an argument with him that caused this sudden space between us, bago ko maadmit sa sarili ko at bago ako matauhan sa nararamdaman ko. 



Now I'm here in my room planning, how will I tell him? Kasalanan mo iyan Jake, kung hindi ka pa naman isa't kalahating ewan e. 




"Knock! Knock! Pwede bang pumasok si mommy?" sinabayan pa ni mommy ng mahinang pagkatok. "Yes ma." 



Nakangiti siya sa akin habang hawak niya ang anti depressant food ko, skittles. "Ready ka na bang magkwento kay mama?" Ngumiti muna ako at tumabi sa kanya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. 




"Ma, how can you tell if the guy is the right one? I mean if he deserves the 'yes' word." 




"Why? Do you love that boy already?" 



"Di ko alam ma. Help me narrow down these emotions. Na ooverwhelm ako. First time lahat ma." nafufrustrate na sabi ko kay mama sabay kain ng skittles. 



"Hindi ko na siya napapansin dito sa bahay. Wala na ngang nambobola sa akin na masarap ang mga luto ko." natawa kami pareho kasi OA naman talaga ni Vaughn. Pagdating sa pagpuri sa mommy ko e. Even with dad, and other members of the family, especially pala, Wacky. Everytime he drops by, there's something special for me and for Wacks para daw may kakampi siya against kuya, Yohan and dad. Siraulo talaga. 



"E si dad ma?


"Hm? What about your dad?" nagtaka pa siya nung una. "Hay nako. That man! He's not the mabola type. When my cooking is bad, he'll say it the worse way possible na para bang poison yung pinakain ko sa kanya." 



Growing PainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon