Flashback...
Ayan na siya. Ang gwapo niya talaga. Simple pero ang lakas ng dating. Siya na ata ang lalaking hinahanap ko, yung mga bida sa novels na nabasa ko. Ayan na. Malapit na siya.
Inayos ko ang salamin kong parang magnifying glass sa kapal, at binukas ko ang compact powder ko para magsalamin at makita ang braces ko kung may tinga ba. Katatapos lang kasi ng lunch break. Start na ulit ng klase namin. English ang subject at katabi ko siya. si Adrian Ace Eusebio.
Inhale. exhale. Nang paupo na siya ay agad akong yumuko sa librong hawak ko at nagkunwaring magbabasa.
"uy pre! May quiz tayo kay ma'am Rayton. Naka review ka na?" tanong ni Jasper na kabarkada niyang nakaupo sa harap ko.
"Sus. Rereview pa. Para saan pa't katabi ko ang magandang binibining ito? Diba 'ienne?" sabay ngiti niya at kindat sa akin.
Panginoon patnubayan mo po ang aking pag iisip, dahil baka hindi ko mapigilan at mapatili ako sa sobrang kilig.
Isang pilit na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Pabiro niya pa akong kinabig at tinapik tapik ang balikat.Nag quiz nga kami at dalawa lang kami ang highest. Tinutukso nga siya ng buong klase sa akin. Nakakahiya na nga kasi alam ko naman na ang pangit ko at nakakadiring nerd ako kaya yumuyuko na lang ako.
Natapos na ang English period at habang naghihintay sa susunod na teacher ay naisipan kong mag CR muna dahil may nalalasahan akong dugo baka nadali nanaman ng braces yung likod ng labi ko.
Habang nagsasalamin ako at nichecheck kung may sugat nga ba. May lumabas sa isang cubicle. Si Annika Therese. Ang representative ng High School department sa Search for Mr. and Ms. Foundation day sa school namin. Napaurong ako ng kaunti kasi nakakahiya naman tumabi sa kanya. Ang ganda ganda ganda niya. Ang kinis at mukhang hindi makabasag pinggan. Hindi ko na nga napansin na nakatitig na pala ako sa kanya sa salamin.
"Hi." sabay ngiti niya sa akin. "H-hello" napayuko ako at bahagyang inayos ang ilang piraso ng buhok na nakatabing sa pisngi ko.
"Ikaw si Adrienne diba? yung katabi ni Ace tuwing English time?"
"H-ha? A-ah, O-o o-opo." at nag angat ako ulit ng tingin sa kanya."Salamat sa pagtulong mo sa kanya ha?" nakangiti siya at nakatingin sa akin. "Ha? Wala yun."
"Sige. See you around Adrienne." at sa huling pagkakataon ay nginitian niya muna ako bago tumalikod at lumabas ng CR.
Muli akong humarap sa salamin at medyo naalala ko pa ang mukha niya kanina habang nagsasalamin at parang napagkokompara ko ang mukha namin, wala talaga akong panapat sa kanya. Kailan kaya ako magiging mukhang tao katulad niya?
Inayos ko na lang ulit ang salamin ko bago bumalik sa classroom.
"Uy! Ace! Sinong date mo sa Junior Senior?" narinig kong tanong ni Jerome pagkaupo ko.
"Ha? Ewan pa pre. Hirap humanap ng tiyempo para tanungin siya e." sabay hawak pa sa batok niya na parang nahihirapan talaga tumiyempo. Lumilingon lingon siya sa side namin.
Ang swerte naman ng yayayain niya. Syempre mag eeffort siya. Tapos nakakakilig yun. Sarap siguro panuorin kapag inaya niya yung date niya. Ang swerte nung mga kaklase ko na may date. Di na lang siguro ako pupunta. Baka magmukhang horror party yun. Pano niya kaya yayayain yung date niya?
Kinahapunan bago ako umuwi, tinawag ako ni Ma'am Rayton. "Sweet! Can you please bring these invitations to th office of the president? Just give it to his secretary ha?"
"Y-yes ma'am. Bye ma'am."
Habang naglalakad ako sa may gilid ng gym, napansin kong may mga tao sa playground. Napaka unusual kasi 5:30 na ng hapon yung mga nagpapractice na lang at ibang employees ang andito sa school.
Nagdire-diretso lang ako ng lakad at nung malapit na ako sa Janssen building nakita ko Ace sa gitna ng dadaaanan ko. Ang gwapo gwapo gwapo niya. Hindi na siya nakapang school uniform. Naka black polo shirt siya na nagpatingkad sa kaputian niya at naka pants na medyo gray. Nakatingin siya sa akin.
Anong ibig sabihin nito? A-ako? Ako ang gusto niyang i-date? Nagsisimula ng mag build up ang kilig sa sistema ko at medyo napabilis pa ang lakad ko. Malapit na ako Ace. Malapit na. Mala--
"Hi." wala na. Nababaliw na yung mga insekto sa tyan ko. "Hi." sabi ko naman at yumuko pa ng bahagya.
Nagkangitian pa kami. Pero may biglang sumigaw galing sa mga nanunuod sa playground.
"Hoy Adrienne! tabi jan! Hindi ikaw! Yung nasa likod mo! Si Annika! Alis jan! Panira ka!"
Pagkatapos nun ay may narinig akong slight na tawa sa likod ko at paglingon ko ay si Annika nga! Nakaramdam ako ng sobrang hiya. Lumingon ako ulit sa harap ko at nakita kong bahagya na ding natatawa si Ace.
"Sorry Adrienne, pero sa Junior Senior ako pupunta. Tapos na yung halloween party natin diba?" nagtawanan lahat ng nanununod habang tinuturo turo pa ako.
"ACE!" rinig kong sigaw ni Annika sa likod ko. "You don't need to be rude! Sorry 'ienne." at nginitian niya pa ako na nakapagparamdam sa akin ng sincerity ng pag sorry niya.
Tumabi na ako sa daanan at bumulong ng "Sorry."
Pinanuod ko si Annika na lumapit kay Ace at parang na-mute lahat ng sounds sa paligid ko. Nag echo lang yung sinigaw ng isang estudyante kanina.
"Alis jan! Panira ka!"
"Alis jan! Panira ka!"
"Alis jan! Panira ka!"
Nakayuko lang ako habang naglalakad at pinipilit alisin ang sakit na nararamdaman ko. Hindi pala masarap panuorin. Ang sakit. Ang sakit sakit. Naihatid ko naman ang mga invitations sa office of the president at umuwi na.
---
"And that is how my only streak of 'lovelife' happened when I was in high school. Akala ko kasi talaga iba na simula nung tinulungan ko siya sa mga quizzes at lahat lahat na. Juniors pa lang kami tinutulungan ko na siya. Pero ganun talaga pag pangit. Ma effort. Hahaha."
"Grabe talaga! Pasalamat sila sa akin nung time na yun ay umuwi ako ng maaga dahil may project kami." singit naman ni Anya.
Andito pa din kami sa unit niya at nagkakwentuhan nga simula ng matukso ako ni Ate Irah kay Vaughn.
"Sino ulit? Anong buong pangalan?" rinig kong tanong ni Vaughn
"Bakit pre? reresbakan mo? ilang taon na nakalipas bro. Let it go." singit naman ni kambal. Sumunod din siya dito kani-kanina lang dahil ang tagal daw bago bumalik ni Vaughn sa unit niya.
"Oo nga. Tsaka naiintindihan ko na din naman sila. Ang pangit ko nga naman kasi. Haha." natatawa na lang ako kapag naalala ko iyon.
"No. You're not. See, he's one of the reasons why you can't be the real you. Naging insecure ka na dahil sa mga taong tulad niya. Gago ang isang 'yon. Hindi marunong tumingin ng tunay na maganda. Kupal ang hayop!"

BINABASA MO ANG
Growing Pains
AcakHow do you know what to do with every moment in your life? How do you deal with every setback? How do you continue living?