Entry #22

13 1 0
                                    

Adrienne

Ngayon lang nangyari to. Ngayon lang talaga, at hindi ko alam  kung paano ihahandle. Naging sobrang busy na kasi ako dahil 4th year na, sunod sunod yung quizzes, reports, at shiftings. Alam kong nawalan na ako ng oras para sa kanya. Pero sinubukan ko naman, nag struggle din naman ako. Siya din naman nagkulang e. Simula ng maging intern sya nawalan na din siya ng time. Ni hindi nya nga ako maitext ng good morning or good night or kung humihinga pa siya. 


Kaya sobrang hindi ko inexpect na, ganito na yung mangyayari. Na ganun ganun lang niya susukuan. 

















Susukuan yung match namin sa PS4!! Kasi ngayon nalang kami nagkapag bonding ulit ni Vaughn. Sunday and wala siyang duty, no paperworks, which is same situation din ng sa akin. Kaya sinusulit namin, nag jogging kami kaninang umaga, sabay nag breakfast sa Norkin's Tapa place, then nag swimming saglit sa pool and ngayon dahil mainit na sa labas, nag stay kami dito sa loob ng house kasama ang kakambal ko at si Anya. 



"Patch, penge nga tubig." sabi niya habang tutok na tutok sa laro nila ng kakambal ko. Napansin ko na medyo tumaba sya, nawala yung sinasabi niyang "Pang Century Tuna Body commercial", at medyo nag mature yung itsura nya. I kind of like it more if he's like this though, because it lessens the fears that I have in relation to someone might be as awesome as he is then take him away from me and because it makes me feel that he's more of in my league than how I felt before. 

"Patch, mamaya mo na ako titigan ng ganyan. Andito pa yung kakambal mo." biro niya dahil hindi pa ako tumatayo para kunan siya ng tubig. Bigla naman ni-pause ni Kong yung game at gulat na gulat na tiningnan kaming dalawa. 

"Hoy teka lang! Anong ibig sabihin non?!  "mamaya mo na ako titigan ng ganyan. Andito pa yung kakambal mo"   Ano?! may ginagawa ba kayong hindi niyo pa dapat ginagawa?!! Nako 'pre sinasabi ko sa'yo wag mong gagalawin yang kakambal ko  gaguhin mo lang yan gigilitan talaga kita sa leeg habang nakabitin ka sa kisame!!" hinihingal siya ng matapos niya yung linya nya

"Asus ang OA mo naman jan. Sit your ass down Johann! Nagbibiro lang si Vaughn e. Nagpa uto ka naman agad. Kala mo naman mas matanda ka sa bestfriend ko. Elel." kontra ni Anya sa kanya kaya medyo na divert yung atensyon niya pero agad din namang sumagot si Vaughn 

"Bro, lam mo naman na malinis ang intensyon ko sa kapatid mo. Binibiro lang kita. Sanay na nga si patch sa ganyang linyahan ko. Diba Patch?" natatawang tumango na lang ako at umexit na para kumuha ng tubig sa kusina. Pero narinig ko pa si Kong nagwawakal doon. 

Pagbalik ko ay mainit nanaman ang labanan nilang dalawa, NBA kasi yung game. Si Anya naman tahimik lang na nagbabasa ng libro at paminsan minsang tinutukso si Kong. 

"Tama na to! Dapat kaming dalawa ni Adrienne nag babonding e. Mga epal kayo!" nagulat ako ng biglang nagwala si Vaughn. 

"Simula ng nagbiro ka kanina, ayoko na kayong iwan na kayong dalawa lang. Mahirap na." kontra ni Kong

"Kambal naman, hindi  naman namin naiisip ni Vaughn yan. Kaya wag mo ding isipin na ganoon. I can protect myself if ever he insists to do so."

"Teka nga lang, kanina niyo pa ako pinagtutulungan na magkambal ah. Isang linya lang sinabi ko pero mukhang iba na agad tingin niyo sa akin." medyo seryosong pahayag ni Vaughn. "Sorry, I was just trying to initiate a funny and spontaneous conversation with everyone, kasi I feel left out dahil kayong tatlo yung laging magkasama, and I don't even know kung ano yung ibang pinag uusapan niyo." sabi niya habang seryosong nakatitig sa TV screen. Maingat niyang ibinaba yung console at tumayo. Lumingon sya sa akin at sinabing "I think I want to go home and rest. I'll call or text you later." 

Growing PainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon