Entry #16

21 1 6
                                    

"So class, kailangan niyong mag focus na talaga okay? Wag muna yang mga date date kapag uwian, mag library muna kayo ha?Marami akong napapansin na tumatambay muna sa tabi-tabi kasama ang mga boyfriend, girlfriend o kaya naman barkada. Sa totoo lang talaga, hindi matitino ang results ng exams ninyo. Kaya hangga't kaya, push lang ng push. Nag kakaintindihan ba tayo? Ha? or else walang aabot ng third year  talaga sa inyo."  mahabang pangaral ng prof namin sa major subject. 

"Yes sir."

"Sige. Dismissed." 

Nanlumo ang mga kaklase ko pagkatapos namin malaman ang estado ng grades namin. Akala ko din sapat na iyong inaral ko e. Tapos ganon nalang yon? Parang may mali, kasi yung kabilang section, sobrang chill pero goods naman ang standing.

"Punyemas talaga iyang prof na yan. Kuuu!! Nagdududa na ako sa kasarian niyan talaga e. Porque madaming papi sa kabilang section ay mas pinapaboran niya? Ano? Kasalanan na ba ang maging babae ngayon? Eyebags galore na nga ito tapos hindi pa din sapat?! ASAN ANG HUSTISYA??" madramang pahayag naman ni Anya habang naglalakad kami sa corridor papunta sa susunod na klase namin. Buti na lamang at nasa third floor lang ang mga classroom namin para sa ngayong araw dahil hindi ko na ata kakayanin pang maglakad matapos malaman na pasang awa lang ang grade ko sa major subject. Gumuho ang mundo ko talaga. 


"Hayaan mo na Ans. Basta tayo malinis konsensya natin. Nag-aral tayo ng mabuti. Yun na yon. Tingnan na lang natin sa battery kung makakapasa pa yung mga pinapaboran lang kaya nagkaroon ng mataas na grade.


"Nadidisappoint ako sa  sistema dito. Akala ko pa naman e mas tatalino ako dito. Lipat na din kaya ako sa school ni Johann. Para inspired na inspired ako mag-aral? Ano?"


"So iiwan mo ako ganon? Ge. E di kayo na. Pakasal kayo." kunwaring pagtatampo ko sa kanya. 


"Hep! Mamaya ka na mag inarte jan. Dito na tayo sa room 315." natatawang saway niya sa akin dahil lumagpas ako sa room namin. "Patch!" narinig kong sigaw bago ako makapasok ng classroom.


"Hay nako. Eto nanaman si loverboy of the year." pang aasar ni Anya. 


"Ano yon? Ha? Thalia?" pang aasar din Vaughn.


"Sinabi ko nang wag akong tawagin ng ganon e. Balakayojan!" at nauna na siyang pumasok sa loob habang nagdadabog ang mga paa at nanlilisik ang mga matang tinititigan si Vaughn. 


"Patch." tawag muli ni Vaughn."Sabi ko nang wag akong tawagin na Patch kapag nasa school diba?" pagpapaalala ko sa kanya. Dahil nahihiya ako kapag tinatawag niya akong ganon.


"Sorry. O e di, Adrienne na lang. Buti nakita kita. Nagtext sa akin ang kuya mo na hindi ka daw niya maisasabay pauwi at kung gagabihin ka daw dahil sa paggawa ng thesis ay ako na ang magsabay sa iyo pauwi." mahabang paginterpret niya sa sinabi ni Kuya 


"Weh? Baka kidnap to?" biro ko pa pero tinitigan niya lang ako na parang naaasar sa sinabi ko. "Osige. Osige. text na lang kita if ever ha. Thanks." Nginitian ko siya at pumasok na ng classroom.

 >>>

"Jake, may meeting daw tayo mamaya kina Belle para sa defense natin sa isang araw. Magpaalam na daw na baka gabihin." 



 "Ah sige. Salamat Jamie.Buti na lamang at ayos ang mga ka grupo ko ngayon kesa sa ibang subject. Matitino at marunong pagdating sa major subject namin. Grabe na ang stress level na naibibigay ng mga subject na ito sa amin. Pakiramdam ko kaunti na lang at magcacancer na ako. 


Growing PainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon