Simula

29.2K 363 26
                                        

Simula


"Rian?" tawag niya sa pangalan ko.

Sumagot naman ako. Nandito kami sa condo niya dahil may ipinapagawa lang akong assignment, at natapos ko naman iyon kaagad.

"Ohm?" sagot ko habang nililingon siya at ibinababa ang cellphone.

"Tinawagan ako ni mama kahapon… papupuntahin niya ako sa US."

Parang nabingi ako sa narinig. Hindi ako agad nakapagsalita.

"Bakit naman daw?" tanong ko habang ramdam kong unti-unting bumibigat ang dibdib ko.

"Doon na niya ako pagpapa-aralin."
Lalong nalungkot ang mukha ko sa sinabi niya. Magiging long-distance relationship na naman kami. Noong una, nasa Baguio lang siya nag-stay at puro video call lang kami noon.

"Paano na ako? At ’di ba sabi mo hindi mo na ako iiwan?" nakanguso kong tanong habang niyayakap siya.

"’Wag mo naman akong iwan, oh. ’Di ba sabi mo ’di mo na ako iiwan?" Lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa kanya, at niyakap niya naman ako pabalik.

"Babalik naman ako, promise iyon."

Maniniwala ba ako? Sabi nga ng iba, promises turn into sorry.

"Ayoko… dito ka lang. Gusto kong makasama ka," yakap ko sa kanya nang mahigpit, para bang ayokong bitawan at pakawalan.

"Babalik naman ako pagkatapos kong mag-college," sagot niya bago niya ako iniharap sa kanya at hinalikan sa noo.

"Natatakot ako, luv…" yuko kong sabi habang naiiyak.

"Bakit naman? Babalik naman ako…" Hinawakan niya ang mukha ko at marahan akong iniharap sa kanya.

"Promise, babalik ako. At magpapakasal tayo kapag nasa tamang edad ka na."
Isiniksik niya ang mukha ko sa kanyang kilikili at hinalikan ako sa ulo.

"Ayoko… dito ka lang, please," pagpipilit ko, lalo kong isiniksik ang sarili ko sa kanya. Ayokong umalis siya. Gusto ko lagi siyang nasa tabi ko. Ayokong magkalayo kami. Gusto ko siya. Siya lang.

Napatingin ako sa kanya nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya iyon kaya umiwas na lang ako.

"Hello, Mom?"

"Halika na, nandiyan na yung service na sasakyan natin," rinig kong sabi ng mama niya.
Bigla namang tumulo ang luha ko nang marinig iyon.

"Naka-impake ka na rin ba?" dagdag pa nito.

"O-opo…" sagot niya.
Ako naman ay humihingal habang umiiyak. Gusto kong manatili siya dito. Gusto ko siyang samahan ako. Please… ’wag ka nang umalis.

"Bakit ka nauutal? Halika na at makapunta na sa airport. Naghihintay na si Princess sa’yo."

Napahinto ako.
Princess?

Pinatay niya ang cellphone at humarap sa akin.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Sinong Princess?" pinukol ko siya ng masamang tingin.
"Sino siya? At bakit ka niya hinihintay? May relasyon ba kayong dalawa?"

Halo-halo na ang emosyon ko — galit, sakit, takot.

"Please naman, sumagot ka!" sigaw ko habang naiiyak na naman.

"S-she’s my girlfriend…"
Parang sinampal ako ng katotohanan sa narinig ko.
Na hindi kami bagay.
Na hindi kami para sa isa’t isa.

Sinampal ko siya.

"Napakawalang kwenta mo!" sigaw ko sabay tayo.
Sumunod siya agad, sinubukan niya akong hawakan pero hinawi ko iyon.

"A-ayoko na. N-napaka-wala mong kwenta…" iyak kong sambit habang lumalayo.
Pilit niya akong hinahawakan pero tinatabig ko iyon.

"M-makinig ka sa’kin, Rian," utal niyang sabi. "Pinagkasundo lang kami ni mama, at ayoko siya! Rian, ikaw lang gusto ko. Please, maniwala ka sa’kin."

Umiling ako, paulit-ulit.
Itinuro ko ang pinto.

"Go out now. I don’t want to see your face again!" sigaw ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

Nahawakan niya ang mga braso ko.

"Listen to me, Rian! Babalikan kita at papakasalan. Ginagawa ko ’to para sa’kin—para sa’tin. Dahil ito ang makakabuti. At sa panahong sakto ka na sa edad, babalikan kita at papakasalan."

Pero hindi ako tumingin.
Nakatingin lang ako sa sahig habang pinupunasan niya ang mga luha ko.

"Pangako… babalik ako. At kapag nasa tamang edad ka na, papakasalan kita."

Hinalikan niya ako sa noo.

"Mag-ingat ka… aking pinakamamahal na Rian."

Pumasok siya sa kwarto niya at kinuha ang mga gamit.

Nakatayo lang ako habang umiiyak.

Hindi ko siya nilingon nang lumabas siya.
Hindi ko kayang tingnan ang taong mahal ko… na aalis din pala.

At nangako pang pagbabalik kahit alam kong hindi iyon totoo.

Sabi nga nila, promises turn into sorry.

Ganoon din siya.

Alam kong hindi na siya babalik — at sana naman hindi ako aasa. Kailangan kong tibayan ang sarili ko.

Lumingon ako sa pintong nilabasan niya bago ako umupo sa couch at isinubsob ang mukha ko habang umiiyak nang umiiyak.

"Sana masaya ka na sa bago mo…"

Sa sinabi kong iyon, lalo lang sumakit ang dibdib ko.

Lumipas ang ilang oras.
Nakatunganga lang ako sa kwarto, nakatitig sa kisame.
Iniisip kung ano na ang mangyayari sa’kin pagkatapos ng lahat ng ito.

Professor Series 1: Clifford  Stories to obsess over. Discover now