Kabanata 17
Child.
"I-ito ba 'yong bahay nila Mama?" tanong niya kay Aillyn habang tinuturo ang katapat na bahay. Bago lang sila nakarating dito sa Pangasinan.
Tumango-tango ito. "Oo, 'yan nga," sagot nito sa kanya habang naka-cross arms. Nilibot niya ang paningin sa kabuuan nito. Malinis ang paligid at maraming kahoy ang nakapalibot. Pero bakit gano’n? Wala pa rin daw siyang maalala?
"Pasok na tayo?" tanong nito sa kanya. Tumango na lang siya at nauna naman si Aillyn sa paglalakad bago siya sumunod.
"Tao po?" tawag ni Aillyn sa loob ng bahay nila.
Binuksan naman ito kaagad. "Ano po yu—" hindi na nito natuloy ang sasabihin nang makita siya.
"A-ate?" tanong nitong nakatingin sa kanya. Hindi ito nakagalaw sa kinatatayuan.
"Oo, siya ang ate mo. Asa’n pala ang mama mo, Lex?" tanong ni Aillyn, pero hindi pa rin ito gumagalaw sa kinatatayuan. "Hoy, Le—" hindi na rin natuloy ang sasabihin ni Aillyn nang yumakap na ito kay Rian.
"Ate, miss na miss ka na namin," sambit nito kay Rian. Ginantihan naman iyon ni Rian ng yakap.
"Bakit hindi ka na umuuwi, Ate? At bakit ang tagal mong pumunta rito?" dagdag pa ng kapatid niyang nakayakap pa rin sa kanya. Nakaramdam siya ng pangungulila at awa. Tumulo ang luha niya dahil doon.
"S-sorry, ha. Hindi nakauwi si Ate dahil..." inisip niya kung ano ang sasabihin. "D-dahil may trabaho si Ate at busy," pagsisinungaling niya dahil alam niyang mag-aalala ito kung sinabi niya ang totoo.
"Pero bakit po hindi kayo nagpapadala?" tanong nito sa kanya. Ilang segundo siyang hindi nakasagot dahil iniisip pa niya ang sagot. Ilang sandali pa bago siya nagsalita.
"A-ah, kasi hindi ako nakuha noong una," sagot niya habang pinupunasan ang luha. Humarap na siya rito nang kinalas ang yakap. "Sila Mama? Gusto kong makita sila," iyak niya dahil miss na miss niya ang mga ito.
"Nasa palengke po, Ate. At si Julie naman nasa paaralan pa," sagot nito. Tumango siya. "Halika, Ate, dito tayo sa loob. Ikaw rin po, Ate Aillyn," pagyaya nito sa kanilang dalawa.
Tumingin muna siya kay Aillyn bago nagsalita. "Ahm… ilan ba tayong magkakapatid, Lex?" tanong niya. Nagtaka ito.
"Bakit, Ate? Hindi niyo po alam?" takang tanong nito. Tumingin si Aillyn sa kanya at sinenyasan niya itong tulungan siya.
"Ah, kasi Alex, hindi kasi siya na-inform na madami na pala kayo," sambit ni Aillyn.
"Oo, gano’n nga, Lex. Hehe," dagdag niya.
"Ah, gano’n po ba," sagot nito. "Pero Ate, Rex po ang tawag niyo sa ’kin, hindi Lex." Lumungkot ang ekspresyon nito. Napatingin siya kay Aillyn, parang nanghihingi ng tulong.
"Ah, hindi ba puwedeng Lex ang itawag sa ’yo?" tanong ni Aillyn.
"Kasi sabi ni Ate noong bata ako, pag Rex daw ang tawag niya, ibig sabihin noon baby niya ako," nakangusong sabi nito. Natawa siya roon.
"Ah, gano’n ba," sagot ni Aillyn.
"But I can call you Rex if you want," sabi niya. Ngumiti ito.
"Sige po, Ate." Yumakap ito sa kanya nang masaya. Napatingin naman sila sa pinto nang may pumasok.
"Alex, pakilagay it—" nalaglag nito ang dala nang makita siya.
"Rian?" tawag nito. Napatayo siya bigla.
"Mama?" sagot niyang naiiyak.
"Anak, bumalik ka!" Tumakbo ito papalapit at niyakap siya nang mahigpit.
"Alam mo bang miss na miss ka na namin ng Papa mo at mga kapatid mo?" bakas sa boses nito ang pangungulila. Ginantihan niya ito ng yakap at umiyak sa bisig nito.
"A-ako rin po… miss na miss ko na kayo," nanginginig niyang sabi, dala ng matinding pangungulila.
"Bakit ba hindi ka na umuuwi? At wala na kaming balita sa ’yo," kinalas ng ina ang yakap.
"Ah, kasi po m—" hindi niya natuloy ang sasabihin nang mapatingin siya sa pintuan. Pumasok ang medyo kakunutang lalaki.
"Papa?" tawag niya.
"Rian?" sagot nito. "Anak, bumalik ka!" Tumakbo rin ito palapit.
"Ate! Rian!" sabay-sabay na sigaw ng mga kapatid niya nang makita siya. Lumapit sila at nagyakapan silang magkakapatid. Napaiyak siya sa tuwa. Sumali pa si Alex sa group hug. Puno ng kasiyahan ang puso niya dahil nakita niyang masaya at kumpleto ang pamilya niya kahit nakatira lang sa bahay-kubo.
"Aillyn, dito ka na lang kumain. Magluluto ako ng masarap, at bukas ka na lang bumisita sa mama mo," rinig niyang sabi ng ina kay Aillyn. Siya naman ay nakaupo sa sofa, nakikipagkuwentuhan sa mga kapatid.
"Sige po, Tita. Mukhang masarap ang niluluto niyo ngayon," sagot ni Aillyn. Ngumiti ang mama ni Rian, at pati siya napangiti.
Binalik niya ang atensyon kay Julie nang magtanong ito. "Ate, ano bang nangyari sa ’yo? May asawa ka na ba? May boyfriend ba?" sunod-sunod na tanong nito, ikinatawa niya. Ginulo niya ang buhok nito… nang biglang naalala niya si France.
Patay. Si France.
"Wala pa akong boyfriend at asawa," sagot niya kay Julie.
"Ah, gano’n po ba," sagot nito. Ngumiti siya.
"Ate, bakit hindi mo alam kung ilan tayong magkakapatid?" Natigilan siya sa sinabi ni Alex at napatingin kay Aillyn na ngayon ay nakaupo sa kabilang sofa.
"A-ah, kas—" hindi na naman niya natuloy ang sasabihin nang tawagin sila ng ina.
"Rian, Aillyn, halina kayo at makakain na," tawag nito. "Julie, tawagin mo ang mga kapatid mo at kakain na tayo." Hinila siya ni Aillyn dahil hindi pa siya tumatayo at nagdadalawang-isip.
"Nahihiya ako, Aillyn," sabi niya.
"Baliw ka ba? Pamilya mo ’yan, tapos mahihiya ka?" sagot nito. Hindi na siya umangal nang hilahin na siya nito papunta sa mesa.
Nilagyan siya ng ina ng kanin, ulam at sinalinan ng juice. Natuwa siya sa ginawa nito.
"Kumain ka lang, anak," sabi ng ina.
"Sige po," sagot niya.
"Kumusta naman kayo, Aillyn, Rian?" tanong ng ama.
Ngumiti si Aillyn. "Okay lang po, Tito."
"Ah, gano’n ba?" sagot ng ama habang kumakain. "Bakit pala hindi naka-uwi si Rian noong nakalipas na tatlong taon?"
Susubo na sana siya pero napahinto.
Sa tuwing tinatanong nila ako niyan, parang naninikip ang dibdib ko. Naiiwan pa rin ang sakit ng nakaraan. Tama na… sumasakit na ang dibdib ko…
Napahawak siya sa dibdib. Napatingin silang lahat.
"Rian, ayos ka lang?" tanong ng ina.
"Wala po… gusto ko lang po ng tubig." Kumuha siya ng tubig at uminom. Naninikip ang dibdib niya.
"Rian, okay ka lang?" bulong ni Aillyn.
"Iinumin ko lang ’to," sagot niya. Tumango ito.
"Tapos na po ako, at uuwi na lang po kami ni Aillyn," sabi niya, bakas ang pag-aalala kay France—si Betty lang ang kasama nito, pati anak ni Aillyn ay nandoon.
"Huh? Bakit, hindi ka ba matutulog dito?" tanong ng ina, nalukot ang noo. "Dito na lang kayo. Gabi na, baka mapano pa kayo sa daan."
"Ah, kasi po…" nag-isip siya. "May anak po kasing naghihintay si Aillyn doon." Masaya ang ina sa sagot. Napanganga ang ama at mga kapatid.
"May anak ka na?" sabay-sabay nilang tanong kay Aillyn.
YOU ARE READING
Professor Series 1: Clifford
RomanceHe was scared of his mother. If he did not go to the US, Alam na ang mangyayari sa kanya. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and leave Rian behind. Rian cr...
