kabanata 16
Akala.
NAGTATAKA si Clifford kung bakit hindi siya kilala ni Rian kanina at pangiti-ngiti pa ito sa kanya. Kaya nang makalabas na ito sa kwartong pinagmi-meetingan nila, sinundan niya ito hanggang sa makarating sa parking lot at sumakay sa kotse.
Narinig niyang may tinatawagan ito. Nakinig naman siya para malaman kung sino ang kausap nito o kung nagpapanggap lang ba itong hindi siya kilala.
"Pupuntahan na kita dyan, para maipatingin ko itong ulo ko," sabi nito, dahilan para kumunot ang noo niya. "At saka pupuntahan diba natin ngayon sila Mama?" dagdag pa nito. Lalo lang siyang nagtaka. Kung hindi ito nakakaalala, bakit kilala nito ang ina?
"Oo, hintayin na lang kita dito." Sagot iyon ni Aillyn; pamilyar kasi ang boses.
"Oh, sige. I’m going to call France muna, miss ko siya eh," sabi nito.
May asawa na ba ito? At sino naman itong France?
Mas lalo siyang naguluhan.
"Okay, go on. Bye," huli niyang narinig.
"Hello, Betty?" rinig niyang sagot nito sa panibagong tawag.
"Where’s my baby?"
Halos magtagis ang bagang niya sa narinig. Baby? Sobrang selos na selos na siya at nanggagalaiti sa galit.
Hindi na siya nakapagpigil. Dumungaw siya sa bintana para gulatin ito, at napasigaw naman ito sa gulat. Napatapon pa ang cellphone nito sa sahig.
"Ay, kabayo!" sigaw nito.
"Katulad ka pa rin ng dati," sagot niya. Napakunot ang noo nito.
"Huh?" tanging sagot nito.
"Don’t tell me… nakalimutan mo na ako?" sabi niya habang pilit ipinapasok ang ulo sa bintana para titigan siya.
"Huh? I don’t know you," sagot nitong nakakunot ang noo. "At kanina pa lang kita nakita," dagdag pa nito.
"May amnesia ka ba?" tanong niya. Tumango ito.
"Yes. I’ve had amnesia for 3 years, and I still don’t remember anything."
Nalinawan ang mukha niya sa narinig.
"So, hindi mo nga ako kilala?"
"Hindi nga, ang kulit. Tabi ka na dyan, sir, para makaalis na ako," sambit nito at lalo pang diin sa salitang sir. Paandarin na sana nito ang kotse nang marinig niya ang sinabi niya.
"No. Sasama ako."
Kunot-noong bumaling ito sa kanya.
"Huh? Bakit ka naman sasama?" sigaw nito habang pilit niyang binubuksan ang kotse. "At hindi naman kita kilala. Principal lang kaya kita."
"Hindi mo nga ako kilala, pero kilala kita. At diba, kilala mo si Aillyn?"
Kumunot ang noo niya.
Totoo bang may amnesia ito? O nagpapanggap lang?
"Nagpapanggap ka ba na hindi mo ako kilala para matakasan mo ang kasalanan mo sa’kin?" tanong niya. Mas lalo itong nagduda at tumingin lang sa kanya.
"Anong kasalanan? Wala naman akong ginawang mali ah?" sagot nito, halatang nagagalit na.
"Hindi mo ba alam na ako ang boyfriend mong hiniwalayan mo bigla nang walang rason?" sabi niya.
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Umalis ka na, sir, bago pa kita masagasaan dyan," pinanlilisikan siya nito.
"Walang alam? Nagpapanggap ka lang, hindi ba?"
Kita niyang inis na inis na ito kaya nang pinaandar na nito ang sasakyan, hindi na siya nakahabol. Iniwan siya roon.
Galit siyang umalis at pumunta sa bago niyang opisina—na doon siya nilagay ng pesti niyang tiyuhin bilang principal. Professor na lang sana ang gusto niya, pero pinilit siya nito.
Kinuha niya ang bag at nagmamadaling pumunta sa parking lot para puntahan si Kio. Mag-isa lang ito sa condo kaya free siyang puntahan at yayain uminom. Wala na itong girlfriend dahil hiniwalayan niya; narealize daw nitong mahal pa rin nito si Aillyn. Kaya palagi nalang itong naglalasing at hinahanap ang babae, na hindi na raw nagpakita mula nung nag-divorce sila.
Pagdating niya, kumatok siya.
Tok. Tok. Tok.
Binuksan naman siya agad nito, at bumungad ang itsurang kagigising lang. Gulo ang buhok nito.
"Hey, bud?" bati niya.
"Oh, anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong nito.
"Let’s drink," pakita niya sa beer at Emperador.
"Seriously? Papatayin mo na ba ako?" hindi ito makapaniwala.
"Yes. You don’t?"
"Okay, pasok ka na. Ayoko ng langaw sa condo ko."
Tinalikuran siya nito at nauna. Sumunod siya at sinara ang pinto.
Nilagay niya ang mga inumin sa mesa. "Ano bang problema?" tanong niya.
"Wala," sagot nito habang hinihimas ang sentido.
"Ah, ganon?"
"Ano bang ginagawa mo dito? Balak mo ba akong inisin?" dagdag pa nito. Ngumisi siya.
"Alam mo bang nakabalik na si Aillyn?"
Tatayo na sana siya nang hawakan nito ang pulsuhan niya.
"Talaga? Saan? Nasaan siya?" seryosong tanong nito.
Tinawanan niya ito. "Seryoso ka talaga? Eh dati halos palayasin at kamuhian mo siya." Hinilot ulit nito ang sentido.
"Ano ba, bud? Pinagsisihan ko na ‘yon. Promise, kapag bumalik siya sa akin, hindi ko na siya gaganunin," sagot nito.
"Talaga lang, ha?" sagot niya. "Nag-promise ang mukong."
Kumuha siya ng baso para makapagsimula na silang uminom.
"Nakita ko kasi si Rian kanina, and I think kasama niya si Aillyn," sabi niya.
"Tapos?"
"Hindi niya ako maalala."
Nalungkot ang mukha niya.
"Bakit daw?"
"Three years na mula nang magkaroon siya ng amnesia. Hindi na niya maalala ang ibang bagay, at kapag pinipilit niya, sumasakit ulo niya."
"You think may kinalaman ang mama mo dito?" tanong nito. Umiling siya.
"I don’t know kung meron ba o wala. Pero kung meron man… asahan niyang hindi ko siya mapapatawad."
Ininom niya ang alak.
"May asawa na ba siya?" tanong nito. Bigla siyang nainis. "Baka nagpapanggap lang siya dahil may asawa na siyang kinakasama, para takasan ka sa ginawa niyang pag-break up bigla."
Mas lalo siyang nainis.
"Kung meron man, aasahan niyang babawiin ko si Rian sa kanya, at babaliin ko ang leeg niya para matauhan siyang akin lang si Rian," sabi niya, nagtatagis ang bagang. Halong galit at selos ang naramdaman niya sa ideya na may asawa na si Rian.
I really love her. Babawiin ko siya sa France na iyon.
Hindi ako papayag na agawin niya si Rian sa akin.
YOU ARE READING
Professor Series 1: Clifford
RomanceHe was scared of his mother. If he did not go to the US, Alam na ang mangyayari sa kanya. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and leave Rian behind. Rian cr...
