Kabanata 7
Selos.
Pumasok na sila sa room at nakita niyang kumunot ang noo ng professor niyang si Clifford, siguro dahil sa nakita.
"Good morning, sir," sabay na pagbati nina Rian at Dave.
"Why are you late?" tanong nito, at hindi man lang tiningnan si Dave—kay Rian lang nakatuon ang tingin. Nagpalipat-lipat naman si Dave ng tingin sa kanilang dalawa.
"Ah, kasi sinamahan ko siya dito. Dito kasi siya naka-assign na room," sagot ni Rian.
"Hindi siya dito na room. Doon siya kay Professor Kio," sagot nito. Napanganga na lang si Rian.
Baliw nato? Dito kaya siya.
"Dito siya, in-assign ng principal, no," sagot niya.
"Okay, you can sit now. And you, Mr. De Vega, doon ka sa likod. Huwag kang tatabi kay Ms. Salvador." Napatingin naman si Dave sa inasta ng professor.
"Ano? Bakit naman?" reklamo ni Dave.
"Oo nga, bakit hindi kami puwede magtabi?" sabat ni Rian.
"Hindi kayo bagay," yun lang ang sinabi ng professor. Napatingin sila sa isa’t isa.
Anong hindi? Mukha mo ngang parang ‘things’.
Matigas ang ulo ni Rian kaya pinilit niyang tabihan siya ni Dave. Nakangisi siyang nakatingin dito, at habang nagle-lecture ang professor nila, panay ang saway nito dahil hindi daw nagfo-focus si Rian.
"Ms. Salvador?!" sigaw ni Clifford. Napatingin siya agad.
"Po?"
"Nakikinig ka ba sa lecture ko or not?"
"A-ah, opo, nakikinig."
"Kung gano’n, ano ang dadalhing pack things?"
"Huh?" nakanganga niyang sagot.
"’Yan kasi, hindi nakikinig."
"Panay kasing tingin-tingin sa bintana."
"Quiet, class," saway ni Clifford.
"Ano na, Ms. Salvador? Daldal kasi nang daldal."
Binulungan siya ni Dave: "Pencil, ruler."
Agad naman niya iyong sinagot.
"You, Mr. De Vega? Sinasabi mo ba ang sagot?" tanong ng professor.
Grabe naman tong kugmong to, hindi man lang maawa.
"Ahm, hindi po, professor," sagot ni Dave.
Nag-ring ang bell kaya pinauwi na sila. Sumunod si Rian kay Dave papuntang cafeteria para kumain.
"’Yan tuloy, ikaw ang pinag-initan kanina," sabi ni Dave. Ngumuso siya.
Kugmong yun, pinahiya pa ako.
Umorder si Dave; naiwan si Rian sa mesa. Nakita niya na pumasok si Clifford, mukhang masama ang mood.
Kugmong ‘to, tsk.
"Ito na, Rian," sabi ni Dave. May naisip siyang kalokohan.
"Wow, Dave, ang sarap siguro nito. Salamat talaga hehe, mwaa." Nagpa-cute siya para asarin ang ex niyang nakatingin sa kanila. Kita niyang umiwas ito at lumabas, halatang nagseselos.
"Huh? Ano daw?" tanong ni Dave.
"Ah wala hehe. Kain na tayo."
Pagkatapos kumain, naglakad sila papuntang gym malapit sa court. Habang naglalakad, sumakit ang tiyan niya kaya nagpaalam siyang mag-CR. Iniabot niya kay Dave ang bag.
"Bilisan mo!" sigaw pa nito.
"Oo."
Paglabas niya ng CR, nadatnan niya si Clifford sa pintuan. Kinabahan siya.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"’Yun na ba ang pinagmamalaki mong boyfriend?" tanong nito. Masama niyang tiningnan si Clifford.
"Ano naman kung siya? Eh ikaw nga may prince—" Hindi niya natuloy dahil itinapon nito ang cellphone.
Siraulo ’to.
"Stop it. Hindi kami ni Princess!" sigaw nito.
"Kung hindi, bakit ka may singsing sa—" naputol dahil wala na ang singsing.
"What ring, baby? Ikaw lang naman ang mahal ko," sagot nito.
"Hindi, sinungaling ka." Hindi na niya mapigilang umiyak.
"Listen to me. Nung nasa ibang bansa ako, pinagbawalan ako ni Mama na gumamit ng cellphone. Kahit laptop, bawal. Ayaw niyang makontakt kita."
"K-kung gano’n, bakit mo pinapasabi kay Mama na ayaw mo na akong makita? At kasal ka na raw kay Princess?" nanginginig niyang tanong.
"Gawa-gawa lang iyon ni Mommy. Please, maniwala ka. Mahal na mahal pa kita."
"T-totoo bang kasal na kayo?" tanong ni Rian.
"Hindi kami kasal. Gusto lang ni Mommy na siya ang pakasalan ko, pero hindi ako pumayag."
"Bakit sabi ng mama mo kasal kayo?"
"Diba sabi ko, gawa-gawa lang niya?"
"Okay… bibigyan kita ng chance." Natuwa ito at hinalikan siya sa pisngi, niyakap pa.
"Sige na, may klase ka pa at pupuntahan ko pa si Dave." Akma na siyang lalayo pero hinigpitan ni Clifford ang yakap.
"Wag na, doon tayo sa office ko."
"Rian?!"
Boses iyon ni Dave. Patay.
Mabilis niyang kinalas ang yakap.
"Diyan ka muna sa loob ng cubicle, huwag ka lalabas hangga’t hindi ako lumalabas."
"Ba’t naman? Ayaw mong makita niya tayo?"
"Ayokong pagchismisan!" sagot niya. Kaya sumunod ito.
"Rian?! Kanina ka pa dyan ah! Baka nalunod ka na sa tae mo!" sigaw ni Dave.
Lumabas siya agad bago mabuksan ang pintuan.
"Tinutubol kasi ako hehe," sagot niya.
"Halikana."
"Hintayin mo ako!"
"Bahala ka d’yan!"
Kanina pa pala siyang naghihintay… so narinig niya kami?
YOU ARE READING
Professor Series 1: Clifford
Любовные романыHe was scared of his mother. If he did not go to the US, Alam na ang mangyayari sa kanya. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and leave Rian behind. Rian cr...
