Kabanata 26
Happy Wifey.
TULAD nga ng sabi ng mama ni Clifford kahapon na pupunta sila kina Rian, kaya nandito sila ngayon. Pinag-uusapan na nila ang tungkol sa kasal nila. Sumang-ayon naman ang mama at papa ni Rian na ikasal na sila. Tuwang-tuwa pa nga ang ina niya, pero ang ama—ayun, pinagbuhat muna ng sakong bigas si Clifford. Napatawa na lang siya sa inaasta ng papa niya dahil mukha itong nagseselos.
"Oy, balae, dito na lang kayo matulog at kumain," napatigil siya sa paghuhugas ng pinggan nang marinig ang sabi ng kaniyang ina.
"Uuwi ako ngayon, balae. May pupuntahan pa ako," sagot ni Clifford sa ina ni Rian.
"Ah, gano’n ba, balae?" Bumalik ang ina ni Clifford sa ginagawa. Nakita niyang tumango ito.
"Baby, hindi ka pa ba tapos diyan?" Nagulat siya nang yumakap si Clifford sa bewang niya.
"Doon ka nga," pilit niyang tinataboy ito.
"Eh ayoko, dito lang ako," paglalambing pa nito.
"Pag hindi ka umalis diyan, ikaw 'yung papahugasan ko nito!" Galit na sigaw niya. Hindi talaga ito tumigil. Kaya hinawakan niya ang kamay nito, nilagyan ng sponge, at nainis na pinagsalitaan.
"Oh, ikaw na maghugas. Ayaw mo humiwalay ha? Sige, maghugas ka diyan." Naka-poker face lang ito habang pinandidilatan siya.
"Wag mo nga akong tingnan nang ganyan," tinuro pa niya ang mga mata nito. "Sige na, maghugas ka diyan." Kaya walang nagawa si Clifford kundi hugasan ang mga pinggan. Ngumiti si Rian habang lumalayo.
"‘Yan, karma mo 'yan."
Nakita niyang nag-uukay ng sabaw ang kaniyang ina, siguro para sa niluluto nilang baboy o kung ano. Naramdaman nito ang presensya niya kaya napatingin ito.
"Tapos ka nang maghugas?" tanong nito.
"Si Clifford, pinatapos ko," turo niya kung saan siya nanggaling.
"Bakit si Clifford?" takang tanong ng ina.
"Makulit kasi. Ayun, pinahugas ko ng pinggan," sagot niyang nakapamaywang.
Nakita niyang naglalaro si France kaya nilapitan niya ito.
"Baby, kumain ka na?" tanong niyang nilalambing.
"Upo, momma. Look, momma oh, mukhang clown si Kuya Alex." Tinuro nito ang kaharap na si Alex. Napatingin siya roon. Mukha nga itong clown—o hindi kaya si Chucky.
"Gwapo na ba ako, ate?" tanong ni Alex, sabay waway ng pakpak sa likod. Napangiwi siya.
"Mukha ka ngang taga-horror movie. Yung Chucky ba 'yon?" sigaw niya. Napaigtad siya nang may yumakap sa bewang niya.
"Eh kung ako ba? Gwapo ba ako?" tanong nito sa kanya. Paglingon niya, si Clifford pala.
"Tapos ka nang maghugas?" tanong niya habang nakayakap pa rin ito sa bewang niya. Tumango ito, ang baba ay nasa balikat niya.
"Alisin mo ‘yan," tinapik niya ang kamay nito, pero hindi ito umalis.
"Ayoko. Pinahugas mo na nga ako ng pinggan, tapos hindi mo pa ako papayakapin," lambing nito.
"May mga bata, ano ka ba?" Pilit niya itong inaalis pero matigas talaga ang ulo nito. Kaya hinila niya si Clifford papunta sa bintana ng terrace.
"Dito tayo?" tanong nito.
"Tama ba ’yan?" tanong niya. Namangha siya nang madilim na pala sa labas. Hindi niya namalayang gabi na. Sinilip niya ang orasan.
6 PM.
"Look, baby. Ang linaw ng buwan..." turo nito sa langit. Napatingin siya. Naramdaman niyang yumakap si Clifford sa likod niya.
"Parang pagmamahal ko sa’yo—malinaw," dagdag nito. Kinilig siya nang marinig iyon.
"Nambobola ka pa," sagot niya, pero hindi inaalis ang tingin sa buwan.
"Naayos ko na lahat, baby. Bukas na ang kasal natin." Hinalikan siya nito sa leeg, at kinilabutan siya sa kilig.
"Ohm, sana walang sasagabal sa kasal natin bukas," bulong niya.
"Tsaka kinuha ko sina Ailyn at Kio na bridesmaid at best man." Napangiti siya.
"Bagay sila," sabi niya habang nakatingin pa rin sa buwan.
"Nagkabalikan na sila, dahil lang sa anak nilang si Ayen." Tumango siya at naramdaman ang higpit ng yakap nito.
"Tama ‘yan," sagot niya. "Magpapakasal ba sila ulit?" tanong niya. Tumango si Clifford.
"Kung magfo-four daw si Ayen, magpapakasal sila." Tahimik lang siyang tumingin sa buwan hanggang may tumawag.
"Ate, kuya! Kakain na daw tayo, sabi ni mama!" sigaw ng kapatid niyang si Julie.
"Sige, susunod na kami," sagot niya. Kumalas si Clifford at hinalikan siya sa labi. Tinignan niya ito nang naiinis.
"Ikaw, palagi ka na lang h—" hindi niya natuloy dahil inunahan siya nito.
"Halik na. Kakain na. Wag puro reklamo." Aalis na sana ito kaya akma niya itong babatuhin ng bola.
Padabog siyang lumabas ng terrace at pumunta sa hapag. Nandoon na ang kaniyang mga kapatid, ina, at ama. Nang hanapin niya ang ina ni Clifford, wala siya.
"Ma, nasaan ang mama ni Clifford?" bulong niyang tanong.
"Umuna nang umuwi. May pupuntahan pa daw," sagot ng ina. Tumango siya.
"Hoy, ano ’yang pinag-uusapan niyo?" tanong ng ama habang sumusubo.
"Wala po," sagot niya. Tumingin siya kay Clifford. Nagkatinginan sila pero tinapunan niya ito ng inis bago naupo sa tabi ng ina.
"Ba’t ka diyan naka-upo?" tanong nito. "Doon ka sa tabi ni Clifford. Dali." Tinitigan siya ng ina nang masama kaya wala siyang nagawa kundi sumunod. Padabog siyang umupo sa tabi nito. Kahit tumitingin ito sa kanya, tinatarayan niya.
"Heh, naiinis ako sa mukha mong gorilla."
Habang kumakain, kinakalabit siya ni Clifford kung bakit siya ganon. Pero hindi niya pinapansin.
"Ano ba?" bigla niyang sigaw, kaya napatingin ang lahat. "Ay—sorry, nasamid lang ang baba ko," palusot niyang nakangisi.
"Ano ka ba, Rian? Nasa hapag-kainan ka," saway ng ina.
"Sorry po," nahihiya niyang sagot. Si Clifford naman ay nakatingin lang.
"Kumain ka na," sagot ng ina. Tumango siya.
Isa-isa nang nag-alisan ang mga kapamilya hanggang sila na lang ni Clifford ang natira. Nang lingunin niya ito, nakatitig lang ito sa kanya.
"Ano bang problema mo?" sabay nilang tanong. Napatigil siya.
"Ano ba kasi?" inis niya.
"Eh ikaw, anong problema mo?" balik nito. Lalo siyang nainis.
"Ako ‘yung unang nagtanong. Sagutin mo," sabi niya.
"Fine," sagot nito. "Wala akong problema."
"’Yun lang? As in ’yun lang?" tanong niya. Umiling ito.
"Ikaw, anong problema mo?" balik nito. Hindi siya sumagot. Kahit siya, hindi alam kung paano sasabihin.
Tumayo siya para ligpitin ang pinagkainan at hinawakan si Clifford sa kamay. Kumunot ang noo nito.
"Ano?" tanong nitong nanlilisik.
"Ako na maghuhugas," sabi nito. Nabuhayan siya.
"Geh, ikaw na bahala diyan," sagot niya. Nakangisi siyang umalis papunta sa kwarto. Excited na siyang matulog dahil kasal na nila bukas.
Ilang minuto pa, nakatulog na siya. Nasa tabi niya si France. Narinig niya na may humiga sa tabi niya at may bumulong, pero hindi malinaw.
"I love you, my Wifey."
YOU ARE READING
Professor Series 1: Clifford
RomanceHe was scared of his mother. If he did not go to the US, Alam na ang mangyayari sa kanya. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and leave Rian behind. Rian cr...
