Kabanata 15

5.2K 86 1
                                        

Kabanata 15

Amnesia.



Humarap siya dito at nginitian nang makita ito. Pero nawala iyon nang makita niyang kamukhang-kamukha ito ni France. Nagkatitigan naman silang dalawa.

"Ito ba ang ama ng anak ko?" sabi niya sa sarili.

She saw that he could not move from where he was standing when she saw him without knowing. She smiled again at him.

"Sir," Willy called him, but he still did not move. Ilang segundo rin itong hindi gumalaw pero nagalaw nalang ito nang yugyugin ito ni Shiella.

"Sir? Why are you still not moving?" Shiella asked him. He faced her nang mapagtantong kanina pa talaga siya hindi kumikibo.

"Oh, sorry. May naisip lang ako," he smirked.

"Ok, sir," sagot ni Shiella at itinuro ang kamay sa uupuan nito. "Here, sir."

"Okay, good morning," ani nito.

"May bago rin palang prof. Tinadhana talaga." Tumingin ito sa kanya.

"You know her, sir?" tanong ni Shiella.

"Hindi naman," sagot nito. Nagugulohan na ang ulo niya sa iniisip. "May connection kaya ito sa'kin? O baka naman ito ang ama ng anak ko?" bulong niya sa sarili.

"Ah, sir, this is Rian C. Salvador," sabi ni Shiella. Ngumiti naman siya nang tumingin ito sa kanya.

"Oh, okay." Pinagsalikop nito ang mga kamay sa panga habang nakatingin kay Rian, at may mga mata itong parang may gustong itanong.

Lumapit ito sa kanya. "Ako pala ang bagong principal, Clifford Galvez." Nilahad nito ang kamay sa kanya, at tinanggap niya naman iyon agad.

"Hi, I'm Rian C. Salvador, bagong transfer," sagot niya dito. Bumalik naman ito sa pwesto at napansin niyang nakatitig ito sa kanya.

It's so awkward.

Umiwas siya ng tingin dahil makipag-eye contact ito na mukhang wagas. "So sir? Saan niyo siya i-aassign sa pagtuturo ng major?" tanong ni Shiella sa principal nila.

"Tourism," sagot nito kay Shiella.

"Ah, okay," sagot niya. Tumingin naman siya sa relong nasa kamay niya. Malapit nang mag-eleven at may pupuntahan pa sila ni Aillyn.

"'Yun lang po ba, sir?" tanong nito. Tumango ito agad kaya naman natuwa siya dahil hindi mahaba ang orientation nila.

Nakangiti siyang tumayo at humarap dito.
"Ahm, can I go now?" she asked, sabay turo sa pintuan. Kumunot ang noo nito.

"Where are you going?" She gaped nang tanungin siya nito, at napatingin sa mga tao sa paligid niya.

Tinuro niya ang kamay sa direksyon ng labasan. "I'm going somewhere," her only answer. Ngumiti siya at nag-bow para makalabas na.

Nakahinga siya nang maluwag nang makalabas doon dahil parang tinutusok ang puso niya nang hindi niya alam kung bakit. Bumuntong hininga siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagkapasok niya sa kotse, kinuha niya ang susi at cellphone sa bag. Tinawagan niya si Aillyn at sinagot naman ito.

"Yeah?" sagot sa kabilang linya.

"Pupuntahan na kita diyan, para maipatingin ko itong ulo ko. Atsaka pupuntahan pa natin sila mama, diba?" sabi niya.

"Oo, hintayin nalang kita dito," sagot nito.

"Oh, sige. I'm going to call France muna, miss ko siya eh," nakangiti niyang sagot.

"Ok, I'm going to hang up this call kasi I also have a pasyente waiting," sagot nito.

Professor Series 1: Clifford  Stories to obsess over. Discover now