Kabanata 25
Kasal.
NAKALABAS na sila Rian sa ospital. Inalalayan siya ni Clifford palabas. Tuwang-tuwa naman si France dahil makakalabas na siya at makakapag-bonding na silang tatlo. Sinabihan siya ni Clifford na diretso sila sa bahay nito. Noong una niya itong marinig, agad siyang umiling—baka magalit ang ina ni Clifford at hindi sila tanggapin. Hindi pa raw kasi siya tanggap noon, at baka pagsalitaan na naman siya tungkol sa hindi pagpayag niya sa mga napagkasunduan nila.
Sinabihan naman siya ni Clifford na tanggap na siya ng mama nito at humihingi na nga ng tawad. Kaya doon sila pupunta. Sinabi rin ni Clifford na kakain muna sila roon at para makilala na rin ng ina nito si France. Kaya pumayag na rin siya, lalo na at pinagtutulungan na siya ng mag-ama.
"Daddy, mabait po ba si Lola?" tanong ni France habang nagmamaneho si Clifford.
"Yes, son," sagot ni Clifford, sabay hipo sa buhok ni France at ginulo. Napairap na lang siya sa hangin. Mabait daw.
"Momma, gusto niyo po bang doon tayo tumira kay Lola?" tanong ni France.
"No. Ayoko. Mag-aaway lang kami ng Lola mo," sagot niya, may tari sa boses. "Never kami magkakasundo."
"Bakit po?" tanong ni France, halatang naguguluhan at nakakunot ang noo.
"Baby, don't question me like that, okay?" sagot niya, sabay halik sa pisngi nito. Nakita niyang nakatingin si Clifford sa kanila, pero agad din itong umiwas.
"How about me?" tanong pa nito, sabay turo sa sarili. Napanganga na lang siya.
"Sisapakin kita diyan, gusto mo?" sagot niya. Tinutukso kasi siya ni Clifford.
"Still, magtaray ka pa, baby. Ang ganda mo," sabi ni Clifford, sabay hipo sa hangin na parang kinikilig pa.
"Mukha kang kambing sa ginagawa mo," sabi niya, sabay ayos ng upo at ng gusot na damit.
"Kambing nga ako, pero nagustuhan mo," sagot ni Clifford na may malokong ngiti.
Nabwibwisit siya sa lalaking ito.
Naramdaman niyang pinapark na ni Clifford ang sasakyan, kaya bigla siyang kinabahan. Baka paalisin sila ng mama nito at sabihing hindi sila tanggap. Nakita niya si Clifford na bumaba at binuksan ang pinto para kay France. Bumaba na si France at sumunod na rin siya.
Pagtingala niya sa malaking bahay, kitang-kita niyang mayaman talaga ang pamilya ni Clifford.
"Let's go?" tanong ni Clifford habang nakahawak sa bewang niya. Sa hawak na iyon, may naramdaman siyang kilig at parang gumugulong na butterflies sa tiyan.
"Ohm," sagot niya, sabay hawak sa kamay ni France. Si Clifford ay nakahawak pa rin sa bewang niya habang paakyat sila sa hagdan papasok ng bahay.
Pagpasok nila, napansin niya ang iba’t ibang disenyo at paintings sa dingding. Naalala niya agad ang unang pagpunta niya sa opisina ni Clifford—pareho ang vibe, pero mas malaki ito nang sobra.
Bumaba ang ina ni Clifford mula sa itaas, nakangiti at nakatingin sa kanilang tatlo. Sumalubong si Clifford at niyakap ang ina, sabay halik.
"Mom," bati ni Clifford.
"Oh, son," sagot ng ina, gumanti ng halik. Nang makita sila, ngumiti ang ina, pero ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng sariling puso, hindi niya alam kung kaba o takot.
Lumapit ang ina ni Clifford kay Rian at niyakap siya. Nagulat siya, pero agad ding nawala ang kaba nang marinig ang malambot nitong tinig.
"Hi, Rian. I'm sorry for what I did to you," sabi nito.
"It's okay, t-tita," sagot niya, ngunit umiling ang ina.
"Don’t call me tita. It's Mom na lang," sagot nito, sabay ngiti. Napatawa na lang siya.
Napansin ng ina si France na nagtatago sa likod.
"Hey, kiddo. It's me, your grandma," sabi nitong nakaluhod para pantay sila ng taas.
"L-Lola…" utal ni France, halatang takot.
"Bakit? Utal ka bang magsalita, kiddo?" tanong ng ina pero hindi sumagot si France. Kaya niyaya nila itong kumain. Gutom na gutom nga talaga ito.
"France! Please, slow eating. Mabubulunan ka!" saway niya dahil halos parang baboy ito kung kumain.
"Okay, Momma, I slow na," sagot ni France, habang may pagkain pa sa bibig. Nakita niyang nakangiti ang ina ni Clifford habang tinitingnan sila. Pero maya-maya, nagsalita ito.
"Kailan kayo magpapakasal?" tanong ng ina ni Clifford.
Hindi niya naituloy ang pagsubo. Nakita niyang nabulunan si Clifford kaya agad niyang inabot ang tubig para ipainom dito.
Feel ko tuloy, hindi siya magpapakasal sa akin.
"Mom! Dahan-dahan naman sa pagsasalita!" sagot niya, habang si Clifford ay tahimik lang.
"Oh, so bad…" sabi ng ina, sabay takip sa bibig. "So kailan nga?" tanong ulit nito.
"Aasikasuhin namin 'yan bukas," sagot ni Clifford, dahilan para tumigil ang lahat. Napamulagat siya; halos tumalon ang puso niya.
"Clif—" hindi niya natuloy dahil nagsalita na ang ina.
"Okay, saan n’yo gaganapin?" tanong nito.
Itinikom na lang niya ang bibig. Si Clifford at ang mama nito ang dapat mag-usap tungkol doon, kaya nagpatuloy siya sa pagkain.
"Sa probinsya nila," sagot ni Clifford.
Siya naman ang nabulunan. Umubo siya at agad siyang pinainom ni Clifford ng tubig.
Hinampas niya ito ng mahina sa pisngi.
"Ano ba 'yan! Tuloy-tuloy ka sa sasabihin mo!" inis niyang sabi.
"Sorry kasi," sagot ni Clifford, medyo nahihiya.
"Okay, bukas punta na tayo doon at ayusin na ang kasal n’yo," sabi ng ina, dahilan para tumigil ulit ang lahat.
"Po?" tanging nasabi niya, halos manganga.
Patay ako kay mama nito. Surpresa na naman ang kasal.
YOU ARE READING
Professor Series 1: Clifford
RomanceHe was scared of his mother. If he did not go to the US, Alam na ang mangyayari sa kanya. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and leave Rian behind. Rian cr...
