Kabanata 14

5K 85 0
                                        

Kabanata 14

Trusted friend.




"IT'S ME, RIAN! I'm Aillyn..." ulit nito habang nagsasalita.

"Sorry, pero hindi kita maalala. May amnesia kasi ako," sagot niya rito. Biglang kumunot ang noo nito.

"Huh? Ikaw may amnesia? Paano?" sunod-sunod nitong tanong.

"Yeah, noong four years ago," sagot niya.

"Napaano ka daw?" tanong nito.

"Ewan. Natagpuan lang daw ako sa tabi ng ilog," sagot niya. Bumuntong-hininga siya bago muling nagsalita. "Doon na muna tayo sa bahay para naman makwento mo kung paano tayo nagkakilala," pagyaya niya rito. Lumabas siya habang bitbit ang anak papunta sa kotse. Sumunod naman sina Aillyn sa kanila.

Pagdating nila Rian sa bahay, sinabi niya kay Betty na pagtimplahan sila ng kape. Sinunod naman nito ang utos.

"Ah, ganon ba ang nangyari?" sagot niya kay Aillyn matapos ikwento nito ang detalye ng pagkakaibigan nila.

"May mama ba ako at papa?" tanong niya.

"Oo naman," sagot nito. Natuwa siya sa narinig.

"Asan sila? At saan sila nakatira?" tanong niya ulit.

"Sa Pangasinan," sagot nito. Nabuhayan ang mukha niya, dahil sa wakas, mapupuntahan na niya ang mga magulang niya.

"Aillyn, samahan mo ako doon. Gusto ko nang pumunta doon, miss ko na sila," napahikbi siya. Siguro sa sobrang pangungulila niya.

"Oo naman, bukas pupunta tayo," sagot nito. "Tsaka, napaano ka nga ba talaga?" tanong nito muli.

"Ewan ko nga. Natagpuan na lang daw ako ni Betty sa ilog, at maraming dugo ang lumabas sa mga hita ko," sagot niya. Napatango ito.

"Buti naman walang nangyaring masama sa anak mo," sagot nito. Nalungkot ulit ang mukha niya nang marinig iyon.

"Okay lang naman," sagot niya nang may pangungulila. "Buti nga at nabuhay siya, pero nawala naman ang isa." Tumingin siya kay Aillyn na kumunot ang noo.

"Anong nawala? Ang isa?" naguguluhang tanong nito.

"Dalawa sila. Kinuha ng Diyos ang isa," sagot niya at uminom ng kape.

"Ang hilig mo sa kape, ano? By the way, bakit naman?" tanong nito.

"Siya kasi yung mas tumama sa bato."

"Ah, ganon ba? Buti hindi nadamay ang isa," sagot nito habang nakatingin sa anak niyang naglalaro kasama ang anak ni Aillyn. "Ano nga ulit ang pangalan niya? Nakalimutan ko eh," tanong nito.

"France," sagot niya at tumayo para ilagay ang baso sa lababo. "Saan ka pala nakatira ngayon, Aillyn? Nasaan pala ang ama niyan?" tanong niya.

"May condo kaming tinutuluyan ni Ayen dito sa Pasay. At ang ama niyan, ewan ko kung nasaan. Nakapag-asawa na siguro," sagot nito. Kita niya ang inis nito sa sinabi.

"Ah, ganon ba? Dito na lang kayo matulog," sabi niya rito. Natuwa naman si Aillyn. "At ano pala ang ginagawa mo dito sa Pasay?" tanong niya.

"May trabaho ako dito. Doctor," sagot nito.

"Tapos? Hindi ka man lang nakabili ng bahay?" tanong niya habang umuupo.

"Bago lang ako dito, at nakabili naman ako ng sarili kong condo," sagot nitong sumimsim ng kape. "Tsaka, pasalamat ako at nakita kita dito. May pagbibilinan ako kay Ayen," dagdag pa nito sabay ngisi.

"Pwede naman. One thousand lang monthly," biro niya.

"Grabe ka naman sakin. Pati ba naman yan pagbabayarin mo?" reklamo nito.

"Wala kang magagawa. Kung ayaw mo, edi wag — wala kang mapagbibilinan. Sige ka," sagot niya. Napakamot ito sa ulo.

"Sige na nga," sagot nito. Ngumiti siya. "Doctor ka, hindi ba?" tanong niya. Tumango ito at uminom ng kape. "Tingnan mo nga ang ulo ko, kung ano bang diperensya at kung makakaalala pa ba ako," nakangiti niyang dagdag.

"Oh sige ba. Bakit pala professor ang kinuha mo? Akala ko tourism?" tanong nito, nagtataka. Napatayo siya at tumingin dito, sabay hawak sa ulo na parang nag-iisip.

"Did I say that word? Tourism is what I will take?" tanong niya, magkasalubong ang kilay.

"Yeah, noong fourth year college tayo," sagot nito habang tumatango.

"Ganon ba?" tanong niya.

"Oom. Bakit nga pala professor ang kinuha mo?" tanong nito.

"Maybe I'm good at it. And Betty says I'm good at being a professor," sagot niya habang inaayos ang buhok niya. "At ikaw pala? Bakit doctor ang kinuha mo? Ano nga ulit ang kinuha mong course noon?" tanong niya.

"Accountancy," sagot nito. "Hindi kasi ako nakapasa, kaya nag-doctor na lang ako. Tinulungan ako ni Jema, kakilala ni Mama. Siya ang nagpasok sa akin sa pagiging doctor." Tumango siya.

"Ganon ba?" Nagpaalam muna siya na laliguan niya si France. Tumango ito, kaya agad niyang pinuntahan si France at kinarga papuntang CR.

"Let's go, baby. Time for your shower," nakangiti niyang sabi.

"Okay po, Momma," sagot nito. Pagkatapos niyang paliguan at bihisan si France, siya naman ang naligo dahil ang lagkit-lagkit na niya.

Pagkatapos maligo at magbihis, pumunta siya sa kwarto para magpahinga. Pinatulog niya sina Aillyn sa kabilang kwarto dahil apat ang kwarto sa bahay at tatlo lang sila. Katabi niya si France gabi-gabi dahil hindi siya mapakali kapag hindi ito katabi.

Pagpasok niya sa kwarto, nakita niyang tulog na ang anak niya. Mahimbing ang tulog nito kaya dahan-dahan siyang tumabi upang hindi magising. Hinimas niya ang mukha nito.

My so handsome baby.

Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata niya, at dahil pagod, nakatulog na rin siya nang mahimbing.

---

She woke up early because she had somewhere to go and Professor Xhing had called her. She showered and ate early so she could leave. She also woke up Betty to tell her to look after France and feed him. Betty nodded.

Naglakad siya palabas ng bahay papunta sa kotse para makapag-drive na. The familiar place here at San Sebastian College Manila appeared to her. It was as if something suddenly entered her mind — what happened here? She remembered memories with Ailyn. Bigla siyang sumakit ang ulo. Hinawakan niya ito at muntik nang matumba, buti na lang at nakakapit siya sa isang poste.

Hinilot niya iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad papasok sa lugar na iyon, may tumutunog sa bag niya. Cellphone niya iyon — kinuha niya at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Professor Xhing.

"Yes, Prof. Xhing?" sagot niya nang sagutin ang tawag.

"Saan ka na? Papunta na dito ang principal," sagot nito. Kinamot niya ang mukha niya dahil makati.

"Nandito na ako sa gate," sagot niya.

"Okay, be fast, Professor Rian," sagot nito at pinatay ang tawag. Binalik niya ang phone sa bag.

Napabuntong-hininga siya nang makarating sa pintuan. She pushed the door. Bumungad sa kanya sina Xhing at iba pang professor na naghihintay.

"Good morning, everyone," bungad niya, nakangiti. Lumapit siya sa kapatid ni Xhing. "Wala pa ba ang principal?" pabulong niyang tanong.

"Wala pa. Hihintayin pa natin," pabulong din nitong sagot.

Umayos siya ng upo nang biglang bumukas ang pintuan. Tumayo lahat ng kasama niya nang makita ang lalaking pumasok. Napayuko siya at sabay bumati sa kaniya.

"Good morning, Sir," bati nilang sabay-sabay.

Professor Series 1: Clifford  Stories to obsess over. Discover now