Kabanata 12
Lose.
HABANG umaandar ang kotse, may isang lalaking katabi niya ang bigla siyang tinutukan ng kutsilyo. Nanginig ang kanyang mga kamay sa takot, at ang kanyang isip ay paulit-ulit na nananalangin ng tulong.
“Wag kang gagalaw, miss,” binalaan siya nito habang nakatutok ang kutsilyo.
“Please, maawa ho kayo sa akin!” nangingiyak niyang pakiusap.
“Hindi ka masasaktan kung susunod ka sa pinapagawa namin,” sagot nito habang hindi inaalis ang kutsilyo sa kanyang leeg.
“S-sige po. A-ano pong ipapagawa niyo?” utal niyang tanong.
“Tawagan mo si Clifford at makipaghiwalay ka na.”
Nanlumo si Rian nang marinig ang pangalan ng lalaking mahal niya.
“Ha? Ako? Makikipaghiwalay?” bulong niya sa sarili, halatang hindi makapaniwala.
“Bakit? Kasabwat ba kayo ng mama niya?” takang tanong niya.
“Gawin mo na, bago pa kita saksakin dito,” banta nito.
“A-ah, s-sige po. Gagawin ko na.” Kinuha niya ang cellphone habang pilit pinapakalma ang sarili. Alang-alang sa baby ko, kapit lang, baby. Matatapos din ito. Hindi ka pababayaan ni Mommy, sabi niya sa isip.
Tinawagan niya si Clifford, at agad naman itong sumagot. “C-Clifford,” mahina niyang sabi, nanginginig ang labi.
“Yeah, what? Rian?” sagot nito sa kabilang linya. “Umiiyak ka ba?” tanong nito nang marinig ang hikbi niya. Pilit niyang pinipigil ang pag-iyak dahil naroon pa rin ang kutsilyo sa leeg niya.
“M-makikipaghiwalay na a-ako. Ayoko na sa relasyon natin. Magpakasal ka na kay Princess,” utal niyang sambit. May kung anong tumusok sa puso niya nang sabihin iyon. Biglang natahimik si Clifford.
“Fuck. What? Rian, seryoso ka ba?” tanong nito. Humikbi siya, halatang hirap na hirap.
“Yeah. S-salamat sa lahat,” mahina niyang sagot habang kinakagat ang daliri niya.
“Please, Rian. Don’t give up. May problema ba? Please tell me. Mababaliw na ako dito!” halos pasigaw na sagot ni Clifford, at tila naririnig niyang umiiyak din ito.
Tumingin siya sa lalaking may takip ang mukha. Lalo pang idiniin nito ang kutsilyo. “Gawin mo na. Bilis,” bulong nitong puno ng pagbabanta.
“Please, Rian, answer me. Si Mama ba ang may uto—” Hindi na natapos ni Clifford ang tanong nang putulin ni Rian ang tawag.
“No. Ako ang nagsasabi nito. Makikipaghiwalay na ako, Mr. Galvez. Huwag mo na akong hanapin pa. Salamat sa lahat,” utal niyang tugon bago tuluyang pinutol ang tawag. Nagsimula siyang humikbi.
“Please, pakawalan niyo na ako,” naiiyak niyang pakiusap. Nag-aalala siya para sa kaligtasan ng kanyang dinadala.
Ilang sandali pa, huminto ang kotse. Napatingin siya sa labas, hindi alam kung nasaan sila. “N-nasaan tayo?” takot niyang tanong.
Hinawakan siya ng lalaki at kinaladkad palabas ng kotse. Pagkatapos ay itinulak siya sa isang madilim na lugar na may bangin.
“Dito ang destinasyon mo,” sabi nito. Nang mapatingin siya sa ilalim ng bangin, nanigas siya sa takot. Para bang naramdaman na niya ang sakit ng posibleng pagbagsak.
Bigla siyang itinulak ng lalaki, ngunit nagawa niyang kumapit sa isang ugat ng puno. “Parang awa niyo na, tulungan niyo ako!” umiiyak niyang sigaw.
Ngunit tawa lamang ang isinagot ng mga lalaki. “Hindi ka na mabubuhay, iha. Kami na ang bahalang magsabi sa pamilya mo na wala ka na.”
Lalo siyang naluha. “Hindi… Hindi pwede ito. Ang anak ko…”
Sinubukan niyang humingi muli ng tulong, ngunit ang isa sa kanila ay pilit binabaklas ang pagkakakapit niya sa ugat. Nanghina siya at naramdaman ang pagbibigay ng mga daliri niya. “Baby, sorry. Hindi ka na kayang protektahan ni Mommy,” bulong niya habang hinihimas ang tiyan. Pagkatapos ay tuluyan na siyang nahulog.
---
PANAY ang tawag ni Clifford kay Rian, ngunit hindi ito sumasagot. Kanina pa niya ito tinatawagan matapos makipaghiwalay sa kanya. Labis na siyang nababaliw sa sitwasyon—nag-aalala kung nasaan si Rian at kung bakit ganoon na lang kadali itong nakipaghiwalay.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya—inis, lungkot, at matinding pag-aalala. Paulit-ulit siyang nag-o-overthink, iniisip kung bakit ganoon kasimple ang dahilan ng hiwalayan nila.
Tinawagan niya ang kanyang ina. “Yes, son?” sagot nito, may kakaibang ngiti.
“Sinabihan mo ba si Rian na makipaghiwalay sa akin?” tanong niya nang diretso.
“No. Bakit ko naman gagawin iyon?” sagot nito na tila inosente.
“Alam kong ayaw mo kay Rian, Ma, pero huwag mo akong ganituhin,” aniya, pilit pinapakalma ang sarili. “’Pag nalaman kong may kinalaman ka dito, hindi kita mapapatawad.” Sigaw niya bago ibaba ang tawag. Naiinis siya dahil palagi itong nakikialam sa buhay niya.
“Rian, fuck! Nasaan ka ba?” sigaw niya habang ginugulo ang buhok sa frustration. “Nababaliw na ako!”
Napaisip siya. Paano kung totoo ang sinabi ni Rian? Paano kung talagang ayaw na nito sa kanya? Sinabi pa nitong magpakasal siya kay Princess. Ngunit hindi niya kayang gawin iyon—hindi niya kayang pakasalan si Princess. Para na itong kapatid sa kanya. Gusto niyang magpakasal kay Rian dahil ito ang mahal niya.
Lumipas ang ilang buwan, ngunit hindi niya nakita si Rian. Hinanap niya ito kahit saan, ngunit tila naglaho. Kinausap niya sina Aillyn, ngunit sinabi nilang hindi nila alam kung nasaan si Rian. Nalungkot nang sobra si Clifford. Miss na miss na niya ang yakap, halik, at lambing nito. Pero wala na ito. Hindi niya malaman kung nasaan ito o kung ayos lang ba.
Tila nagkatotoo ang sinabi ni Rian—wala na itong gana sa kanya at ayaw na nito sa relasyon nila. Dumating din ang panahon na pinipilit siyang magpakasal kay Princess, pero hindi niya magawa. Ayaw rin ni Princess, kaya natuwa siya. Pero ang ina niya, nagalit. Hindi na lang niya ito pinansin dahil sawa na siyang makialam ito sa buhay niya.
Pagkaraan ng ilang linggo, nasa kwarto si Clifford. Kakauwi lang niya galing San Sebastian College. Napag-usapan doon na mag-aaral siya sa ibang bansa para pag-aralan ang pagiging principal. Tatagal siya roon ng tatlo hanggang apat na taon dahil mahirap ang kursong iyon at maraming kailangang pag-aralan. Pumayag siya dahil sa tingin niya, makakatulong ito para makamove-on sa nangyari. Iniisip na lang niya na pagbalik niya, isa na siyang ganap na principal.
YOU ARE READING
Professor Series 1: Clifford
RomantikHe was scared of his mother. If he did not go to the US, Alam na ang mangyayari sa kanya. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and leave Rian behind. Rian cr...
