Kabanata 8
Window.
NAKASUNOD lang sa paglalakad si Rian kay Dave. Sumagi sa isip niya si Aillyn. Nagkaroon siya ng tanong kung ano na kaya ang ginagawa nito ngayon at nasaan ito. Bago kasi sila lumabas kanina noong nag-away ang dalawa, lumungkot ang mukha ni Aillyn.
"Hoy, Rian!" Binato siya ni Dave ng bola. Napaaray naman siya at hinawakan ang ulo.
"Ang sakit nun ah!" Inis niyang sagot.
"Sorry, kanina ka pa kasi diyan nakatulala." Sagot nitong nakangisi.
Ngumisi pang gagu.
Napatingin siya sa hawak nitong bola. "Maglalaro ka?" tanong niya rito. Tumango ito.
"Hindi ba obvious?" sagot nitong namimilosopo. Pinukol niya ito ng tingin.
"Nag tatanong ako no," banta niyang babatuhin ito.
"Oo nga, nagtanong ka. Kaya sinagot kita." Sabi nito, sabay lakad papunta sa court para maglaro.
Gumagabi na at hindi pa rin sila nakakauwi dahil wala pa ang bus. Kanina niya pa tinatawag si Dave pero ayaw pang umuwi ng gagu, kaya sinisisi niya ito ngayon.
"Yan tuloy! Hindi na tayo makauwi dahil sa pinaggagawa mo!" Hinampas niya ito sa balikat.
"Aray! Ang sakit ah! Kanina ka pa! Kung makahampas kang pandak ka, parang dos por dos yang kamay mo!" sigaw nito. Tinarayan lang niya.
"Paki mo ba?" Pinandilatan niya ito bago bumaling sa kalsada-at laking tuwa niya nang may bus nang paparating.
"Ayun oh! Dave, nandyan na!" sigaw niya habang tumatalon pa.
"Isip-bata ka talaga." Hindi niya iyon narinig dahil sa ingay ng dumaan na motor.
"Anong sabi mo?" tanong niya, pero di na siya sinagot ni Dave at pumasok na sa bus stop.
Sumakay na rin siya sa bus at umupo sa tabi ni Dave. Habang pinagmamasdan ang labas ng bintana, hindi na niya namalayan na nakatulog pala siya.
"Rian." Pukaw sa kanya ni Dave, kaya napabalikwas siya.
"Ohm?"
"Nandito na tayo."
Tumango siya at naglakad na silang palabas ng bus. Umakyat sila sa condo nila at nag-elevator. Paglabas nila ay bumungad si Aillyn na may malungkot na mukha. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tinalikuran sila.
"Aillyn, ano nangyari sayo?" tawag niya.
"Kumain na kayo d'yan. May kanin at ulam. Magpapahinga na muna ako, matutulog ako." Walang ganang sabi nito.
"Sige, sabihan mo 'ko kung may problema ka ha?" sabi niya. Tumango ito bago pumasok sa kwarto.
"Anong nangyari doon?" nagulat si Rian nang sumulpot si Dave.
"Ano ka ba? Nanggugulat ka na lang!" Hinampas niya ito at napahawak siya sa dibdib.
"Yan kasi, palaging nagkakape," sabi nito. "Ingat ka sa pagkakape, baka ikaw na naman ang kakapihan ko niyan." Pang-aasar pa nito. Tinarayan niya ito.
"Baka ikaw."
"Oh, 'pag ako namatay, iiyakan mo ba ako?" tanong nito bigla. Sumeryoso siya.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Sinasabi ko, na kapag namatay ako, iiyakan mo ba ako?"
"Wag kang ganyan. Feel ko tuloy namamaalam ka." Hinawi niya ang mukha nito at naglakad papunta sa CR.
"Ikaw na lang kumain d'yan. Hindi na ako kakain, busog ako," sabi niya.
"Sige."
Naligo siya at pagbalik sa kwarto ay napaatras siya nang makita si Clifford na nakaupo sa kama.
"A-anong ginagawa mo dito? At saan ka dumaan?" gulat niyang tanong.
"Namiss kita agad." Tumingin ito sa kanya nang may nakakabighaning mga mata. "Doon ako dumaan." Tinuro nito ang bintana.
"Lumabas ka nga. Magbibihis ako." Pagtataboy niya. May kumatok sa pinto kaya sinenyasan niya si Clifford na manahimik.
"Rian? May kasama ka ba d'yan?" boses ni Dave mula sa labas. Nanlaki mata niya.
"Ahm, wala. May kausap lang ako sa phone!" sagot niya.
"Sige, babalik na ako sa condo."
"Sige, matutulog na rin ako!" sigaw niya bago ibinalik ang tingin kay Clifford.
"Clifford, umalis ka na. Magbibihis na ako."
Pero ngumisi lang ito. "Dito ako matutulog. Magbihis ka na. Uuwi rin ako bukas madaling araw. Gusto kitang makatabi."
Ayaw nito umalis kaya wala siyang nagawa. Basta sinabi niyang huwag tumingin habang nagbibihis siya. Pagkatapos mag-ayos ay humiga na ito. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala si Clifford. Pinagmasdan niya ang maamo nitong mukha.
"Ang gwapo mo talaga," bulong niya.
Gumalaw ito kaya humiga siya ulit at nagkunwaring tulog.
"Good night, my luv." Hinalikan siya nito sa noo at pisngi bago yumakap sa bewang niya.
Nagising siya nang may humahalik sa leeg niya.
"C-Clifford?" nauutal niyang sabi.
"Hmm?"
"T-tigilan mo nga yan." Pilit niya itong hinahawi pero kinubabawan siya nito.
"Matagal na akong nagtitiis. Hinahanap ko ang amoy mo," bulong nito.
"Clifford, natatakot ako." Hawak niya ang mukha nito.
"Kung mabubuntis man kita, paninindigan ko."
"Ayoko. Respetuhin mo naman ako."
Tumigil ito.
"Okay. I respect you," sagot nito at nahiga.
"Humarap ka naman sa'kin," hiling nito. Humarap siya at isiniksik ang sarili sa dibdib nito.
"Pwede ka namang maghintay, diba?" tanong niya. Tumango ito.
"Matulog na tayo. Mag-12:03 na."
Pumikit siya at nakatulog.
Pag-ising niya, wala na si Clifford. Lumabas siya at nakita sina Dave at Aillyn. Matamlay pa rin si Aillyn.
"Aillyn?" pabulong niyang tawag. Tumingin ito.
"Hmm?"
"May problema ba?"
Umiling ito at nagpatuloy uminom ng kape.
"Rian, may laro kami ngayon. Punta ka ha!" sabi ni Dave.
"Ngayon? Kakapasok mo pa lang kahapon tapos may laro ka na agad?"
"Oo naman! Ako pa!"
"Ewan ko sa'yo," sagot niya bago bumaling ulit kay Aillyn.
Sabay silang pumasok sa classroom. Nakita niya agad si Clifford. Binati niya ito na may ngiti. Nag-discuss ito hanggang tumunog ang bell.
YOU ARE READING
Professor Series 1: Clifford
RomanceHe was scared of his mother. If he did not go to the US, Alam na ang mangyayari sa kanya. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and leave Rian behind. Rian cr...
