Kabanata 9

7.8K 105 2
                                        

Kabanata 9

Talking.


Nakaupo lang sina Aillyn at Rian sa covered court. Laro kasi ngayon ni Dave kaya naman nanonood sila. Bata pa si Dave pero volleyball player na at marami nang achievement. Kaya naman sobrang humahanga ang papa niya; halos lahat ng gusto ni Dave ay sinusunod.

"Aillyn, oh." Iniabot ni Rian ang water bottle kay Aillyn.

"Salamat," sagot nito. Ngumiti lang siya at tumingin muli kay Dave na magsisimula na sa laro. Napatingin siya nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya — nagulat siya nang makita si Clifford.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niyang nanlaki ang mata.

"Titingnan ko rin si Dave maglaro." Tumingin siya kay Dave at bahagyang lumaki ang mga mata niya nang makitang nakatitig ito sa kanila.

"Doon ka sa kabila." Tinuro pa niya ang upuang walang tao. Umiling lang ito at ibinalik ang tingin sa naglalaro.

Napasigaw nalang silang tatlo — sina Rian at Aillyn — nang maka-spike si Dave at makapuntos pa. Napatingin rin si Clifford sa kanila.

"Ang ingay niyo," sambit nito habang nakatingin nang masama.

"Edi lumabas ka," sagot niyang pagtataboy dito.

"Tsk," tanging bigkas nito. Hindi niya na pinansin si Clifford at nanood na lang ng laro ni Dave. Masayang-masaya sina Rian at Aillyn nang manalo si Dave.

"Rian!" sigaw ni Dave habang papalapit. "Ito achievement ko!" nakangisi nitong sabi. Natuwa naman siya at akma siyang yayakapin ni Dave nang bigla na siyang hinila ni Clifford.

"Let's go, Rian," anito habang hinahatak siya.

"Mamaya na lang ulit, hehe. Bye!" nakangiti niyang sigaw sa dalawa habang papalayo.

Binitiwan siya ni Clifford, at inayos niya ang nagusot niyang damit. "Nanghihila ka na lang, ah!"

"Ayoko ngang yakapin ka nung Dave na 'yon," sagot nito.

"Selos ka?" tinitigan pa niya ito habang natatawa.

"I don't deny it," sagot nito. Napaanganga siya.

"So, selos ka nga?" ulit niya.

"Fuck! Hindi ba halata?" sabi nito sabay gulo ng sarili niyang buhok.

"Hindi, mukha ka kasing nagbibiro," sagot niya. Hindi na siya sinagot ni Clifford at hinila siya palabas ng covered court. Wala siyang ideya kung saan sila pupunta.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya pa.

"Basta," maikli nitong sagot.

Habang naglalakad papunta sa parking area, hawak pa rin nito ang kamay niya. Pagdating doon, pinasakay siya nito sa kotse bago ito sumakay sa driver's seat. Habang nasa biyahe, iniisip pa rin niya kung saan sila pupunta.

Habang nagdadrive si Clifford, titig lang siya nang titig dito.

"Don't look at me like that, Rian," saway nito. Para kasing may pagnanasa siyang tumingin dito.

"Ang gwapo mo pa rin kasi," nakangiti niyang sabi.

"Kaya nga na-inlove ka, diba?"

"Tsk."

Pagdating nila sa lugar, napanganga si Rian nang makita ang dagat.

"Woah, Clifford! Mamaya na tayo umuwi, tingnan natin ang paglubog ng araw," masaya niyang sabi. Tumango si Clifford at hinawakan ang kamay niya.

"Ito yung pangarap kong puntahan kasama ka, Rian," sabi nito.

"Me too," aniya sabay halik sa pisngi nito.

Magaan sa pakiramdam na kasama niya si Clifford dito. Sana hindi na masira ang pagsasama nila. Sana walang sisira. Sana hindi kasinungalingan ang lahat.

Sobrang saya niyang nakahiga ang ulo niya sa balikat ni Clifford habang pinapanood ang sunset. Napangiti siya nang halikan siya sa noo.

"Clifford?" tawag niya.

"Hmm?"

"Sakaling may sumira sa relasyon natin… at iyon ang mama mo… ipaglalaban mo ba ako?" Napatigil ito sa paghimas sa buhok niya.

Mukhang ayaw sagutin. Ito na naman ang kinakatakutan niya — na baka may tutol ulit at paghiwalayin sila.

"Ipaglalaban kita," sagot nito. Naka-hinga siya nang maluwag.

Paniniwalaan ko na ba ito?

"Totoo ba 'yan?" tanong niya.

"Totoo. Ipaglalaban kita. Ayoko nang magsunod-sunuran kay Mommy," sagot nito.

"Paano kung kusa akong lalayo sa'yo? Ipaglalaban mo pa rin ba?" Kunot-noong pagtingin ni Clifford.

"Oo naman," sagot nito. Napangiti siya. Buti nalang sinagot ito.

Masaya si Rian nang ihatid siya ni Clifford sa unit niya. Nagpaalam si Clifford dahil may gagawin pa raw ito sa bahay nila. Pagpasok niya sa loob, dumiretso siya sa kwarto, nag-ayos, naligo, at nagpahinga. Nakangiti siyang nakahiga—masaya dahil kasama niya ang taong mahal niya.

---

"BAKIT ngayon ka lang, Clifford?" bungad ng mama niya. Tiningnan siya nito, nakakunot ang noo.

"Wag kang mangialam, Mom," sagot niyang pagalit.

"Don't tell me kasama mo na naman ang babaeng iyon?" tanong nito. Pinukulan niya ito ng masamang tingin.

"Pakialam n’yo? Tigilan n’yo na ako, Mom. Lalo n’yo lang akong kinukulong. Matanda na ako — look, I'm 24 now," sagot niya sabay upo sa couch.

"Kailan ko ba sasabihin sa’yo na hindi ka puwedeng makipagrelasyon sa babaeng iyon?" sigaw nito habang nakaturo sa kanya.

"Why, Mom? Bakit ninyo pinagkakait ang kaligayahan ko?" tanong niya.

"Because I love you, son. And alam mo naman kung bakit ako ganito, right?" Hinawakan pa nito ang kamay niya pero hinawi niya iyon.

"No, Mom. If you really love me, hindi n’yo ipagbabawal na makipagrelasyon ako kay Rian. Mahal ko siya," sigaw niya bago tumakbo papunta sa kwarto.




Bakit ba siya pinagbabawalan? Maayos naman siyang makitungo, pero ayaw pa rin nito si Rian.


Si Princess ang gusto nito — kahit wala naman siyang gusto roon. Gusto niyang sabihin kay Rian ang lahat, para hindi na ito magduda at para mas lalo siyang pagkatiwalaan. Pero paano niya magagawa iyon kung lagi siyang tinitiktikan ng mama niya at ni Princess?



Akala niya noong una ay biro lang ang pagpapa-panggap na girlfriend niya si Princess, pero hindi pala.

Tinotohanan ito ng mama niya, pati ang pagsunod sa lahat ng gusto ni Princess. Lagi siyang tinatakot ng mama niya — na kapag hindi siya sumunod, ipapatay si Rian o palalayasin. Natakot siya noon; Grade 12 pa lang siya at wala pang trabaho.

Pero ngayon, hindi na siya papayag na ikulong nalang habang buhay sa takot. Gusto niyang maging masaya.


Kapag sinaktan man si Rian o pinaalis sa tirahan nito, hindi niya mapapatawad ang ina. Ganito raw ang mama niya dahil pinatay ang ama niya ng mga militar.

Galit na galit ito, kaya kumampi ito sa sindikato kaysa sa army. Pinilit rin nito si Clifford na maging professor — at sinunod niya dahil ina niya ito. Lahat ng gusto nito, sinunod niya dahil sa pananakot.

Kita mo? Pati sa babae, pina-under siya.

Professor Series 1: Clifford  Stories to obsess over. Discover now