Kabanata 4

10.8K 187 8
                                        

Kabanata 4

Office.

"Rian! Bumangon ka na nga diyan, malalate na tayo!" sigaw ni Aillyn sa kanya at binato pa siya nito ng unan.

"Ouhm? Ayokong pumasok," sagot niya habang nakapikit.

"Sige ka. Kapag hindi ka natuto mamaya sa pag-e-experiment, ikaw ang pag-e-experimentuhan natin," sagot ni Aillyn sabay talikod para umalis ng kwarto.

Napabalikwas naman siya ng bangon at napatingin ito sa kanya.

"Oh? Ano?" tanong ni Aillyn nang lumingon.

"Ito na, babangon na at maliligo," sagot niya na nagmamadaling bumangon.

"Sige ka. Kapag hindi ka pumasok ngayon, hindi mo na siya makikita," pananakot nito habang pinandidilatan siya.

"Paki ko doon? Experiment ang pupuntahan ko para matuto!" sigaw niya kay Aillyn bago pumasok sa CR at padabog pang sinara ang pinto.

"Tss."

Naligo na siya at nagbihis para makaalis na. Nilock na ni Aillyn ang pintuan pagkatapos nilang lumabas.

"Wala ka bang naiwan, Rian?" tanong nito. Umiling lang siya at nauna nang naglakad.

Ilang minuto pa bago sila nakasakay ng bus papuntang Sebastian College. Pagdating sa gate, binati muna nila ang guard.

"Hello po, manong," bati ni Aillyn na nakangiti, pati siya ay ngumiti rin.

Pagkapasok nila, napalingon sila sa likod nang may bumati rin kay manong.

"Uy, manong, good morning. Ibigay mo nga ito kay Princess," sabi ni Clifford habang inaabot ang papel.

"Ah, sige, sir Nick," sagot ng guard.

Hindi na niya narinig ang sagot ni Clifford dahil hinila na niya si Aillyn.

"Halika na, baka ma-late ka."

Napatigil siya nang marinig ang tanong ni Aillyn.

"Talaga bang kasal sila ni Clifford at Princess?"

"Ewan. Hindi ko alam. Sa tingin mo? Mukha ba akong girl obsessed?" turo niya pa ang mukha niya kay Aillyn.

"Hindi naman. Mukha ka lang gorilla," sagot nito.

Napangiwi siya. "Hindi nga ako makasabi sa’yo na mukha ka nang chanak."

"Tss. Palagi ka na lang may sagot sa akin."

"Kasalanan ko bang pinanganak akong bungangera?" taas-boses niyang sagot.

Napatigil sila nang may tumikhim sa likod.

"Hmmm?"

Napalaki ang mga mata ni Aillyn. Siya naman ay walang reaksyon dahil hindi niya kilala ang lalaki.

"Bakit ganyan reaksyon mo? Kilala mo ba siya?" tanong niya kay Aillyn.

"Oo. Siya ang professor ko," sagot nito.

Napanganga siya.

Depotik. Ito pala ang asawa niya? Kaibigan pa ito ni Clifford.

"Seriously? Siya ang husband mo?" tanong niya.

"O-oo," utal na sagot ni Aillyn. Tinitigan ito ng lalaki nang masama.

"Go now to my office, Mrs. Lazardo," malamig na sabi ng lalaki.

"Sige na, Rian, mauuna na ako," halos namumutla si Aillyn at nagmamadaling tumakbo.

"Hoy! Yung mga gamit natin mamaya?" sigaw niya.

"Ako na bahala doon!" sigaw pabalik ni Aillyn.

Napabuntong-hininga siya at napatingin sa lalaking nakatitig sa kanya.

"What?" tanong niya.

"Ikaw ba ang ex ni Clifford?"

Hindi siya nakapagsalita agad. Hindi niya inakalang mismong kaibigan nito ang magtatanong.

"Oo. Bakit?" sagot niya.

"Wala naman. Hindi pa ba kayo nagkakausap?" tanong nito.

"Hindi. At ayokong kausapin siya," sagot niya nang may inis at iniwan ang lalaki.

Ano siya, hilo? Makapagtanong, akala mo close kami.

Pumasok na siya sa room at umupo sa dati niyang pwesto. Nakatingin siya sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang lalaking nagba-basketball.

Macho.

Napalingon siya nang may humawi sa mukha niya at pinaharap siya. Nanlaki ang mata niya — si Clifford.

"Ms. Salvador, pinagnanasaan mo ba yung lalaking nagba-basketball?" tanong nito habang hawak ang magkabila niyang pisngi. Nakuryente ata ang buong sistema niya.

Ano ’to?!

Mabilis niyang binawi ang mukha dahil nakatingin na ang buong klase.

"Ano? Hindi no…" sagot niya at sinamaan ito ng tingin.

"Siguraduhin mo lang," bulong nito.

Umayos na ito ng tayo para magsimula ng discussion. Habang naglalakad ito papunta sa harap, sinundan niya ito ng tingin. Napansin niyang pati classmates niya ay nakatingin sa kanya.

Tsk. Echichismiss na naman akong mang-aagaw ng asawa.

Habang nagdidiscuss si Clifford, hindi niya maiwasang titigan ito. Minsan nahuhuli niya rin itong nakatingin sa kanya. Kapag nagtama ang kanilang paningin, agad niya itong iniiwas.

Hinawakan niya ang dibdib at bumulong, "Palagi ka na lang tumitibok sa kanya."

Natapos ang discussion.

"Okay, yung sinabi ko kahapon — mag-e-experiment tayo mamaya. Bring your own things, and don't forget to buy your gloves," sabi nito at tinignan siya.

"Ms. Salvador, don't tell me, malilate ka na naman mamaya?"

Pinukol niya ito ng tingin.

Pakialam ba niya? At meron namang gloves si Aillyn.

"Pakialam mo ba?" sagot niya na ikinagulat niya mismo.

"Aba, si Ms. Rian— walang modo yata."

"Sinisigawan pa ang professor."

"Maganda sana, wala namang respeto."

Nagbulungan ang mga estudyante kaya nahiya siya at tumayo.

"I-I'm sorry, Professor… C-Clifford," mahina niyang sabi.

"No, it's okay. Nabigla ka lang," sagot nito.

"Buti nga, hindi nagalit si prof."

"Dapat i-draft out siya—"

Hindi natuloy ang sasabihin ng isa dahil sumigaw si Clifford.

"Stop it, Miya!"

Feeling niya tuloy, pinagtatanggol siya nito.

"Upo, prof…" nakayukong sagot ni Miya.

"Okay, dismiss and enjoy your lunch. And you, Ms. Salvador — sumunod ka sa akin. May sasabihin ako."
At agad itong lumabas.

Napanganga siya.

Baliw ba ’to? Ano na namang pag-uusapan namin?

"Buti nga."
"Papalinisin yan sa cubicle ni prof."
"Yan ang parusa."

Kinabahan siya.

"Mabuti pang mamatay kaysa palinisin ako ni Clifford sa cubicle," bulong niya.

Pero kailangan niya itong puntahan. Baka importante ang sasabihin.

Hays, ka-dimalas naman.

Professor Series 1: Clifford  Stories to obsess over. Discover now