Kabanata 10
Pregnant.
ILANG buwan na ang nakakaraan, palaging bumibisita si Clifford sa condo ni Rian. Masaya naman si Rian noon, at hanggang ngayon ay hinihiling pa rin niyang maging masaya sila hanggang sa huli. Nag-alok pa nga ng kasal si Clifford sa kanya para raw manatili silang masaya at walang makakapaghiwalay sa kanila.
Hindi naman pumayag si Rian dahil alam niyang tutol ang mama nito sa relasyon nila.
Pero paiiralin ba ni Rian ang mga iyon?
Pagsisisihan kaya niya ito balang araw?
Alam na rin ni Dave na may relasyon sila. Samantala, nag-divorce na rin sina Aillyn at ang asawa nitong si Kio dahil hindi na raw kaya ni Kio na manatiling nakatali kay Aillyn. Gusto ngang magpakasal ni Kio sa girlfriend niya, pero hindi niya magawa dahil kasal pa siya kay Aillyn.
"Woy, Dave!" tawag niya mula sa kanto. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito doon.
"Oh?" Kumaway ito habang lumalapit. Naisipan kasi ni Rian na kumain ng kwek-kwek kaya nandito siya para isama si Dave.
"Hindi mo kasama si professor?" tanong nito kay Rian. Tumingin naman si Rian dito, lalo na sa dalang bag at maayos nitong porma.
"Saan ka pupunta?" tanong niya. Ngumisi lang ito at ibinaba ang bag.
"Uuwi."
Napahinto siya sa pagkain ng fish ball.
"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong.
"Ouhm," tumango pa ito.
"Ngayon?" Tumango muli ito bago kumuha ng kwek-kwek mula sa kamay ni Rian at itinuloy ang pagkain.
"Bakit?" tanong ulit ni Rian.
"Na-ospital si papa. Babalik naman ako agad pag nakalabas na siya." Kita ni Rian ang lungkot sa mukha ni Dave.
"Na-paano?" tanong niya.
"Ikaw, puro ka na lang tanong," asar nito at nagbanta pang kukurutin siya. Kumuha ulit si Rian ng kwek-kwek habang ngumunguya.
"Nagka-TB si papa," bigla nitong sabi.
Napaupo si Rian sa gulat. May isang piraso pa ngang pagkain ang napunta sa ilong niya at lumabas nang mapaatsing siya.
Cough cough
"Hala ka! Hinay-hinay sa pagsasalita, napasubo ako tuloy!" reklamo niyang umuubo.
"Bahala ka d’yan, aalis na ko," paalam nito, pero agad niya itong pinigilan. Hinawakan niya ang laylayan ng damit nito.
"Ano?" tanong ni Dave. Kita nitong parang nagmamakaawa si Rian.
"Bumalik ka, ha?" sabi niya. Niyakap siya nito at ngumiti.
"Babalik naman ako. Hindi pa nga ako tapos mag-college dito, eh." Nginitian siya nito ulit.
Napatingin sila bigla sa nagkomento.
"Hoy, umalis nga kayo kung dito pa kayo magiging sweet! Ang sakit n’yo sa mata!" sabi ng tindera ng kwek-kwek. Natawa silang pareho at kumalas sa pagyakap.
Hinatid niya si Dave sa bus stop at agad itong nakasakay.
Naglakad naman si Rian pauwi sa condo para makapagpahinga at masamahan si Aillyn. Hindi pa nga siya nakakapasok sa elevator nang makita niya ang pamilyar na babaeng sumakay din.
Mama ni Clifford.
Nagmadali siyang nagtago sa likod ng drum container. Nang makita niyang lumabas ang mama ni Clifford sa elevator, sumunod siya agad. Nakita niya itong nag-doorbell sa isang condo unit—kay Aillyn.
Binuksan iyon ni Aillyn, halatang matamlay.
"Nandyan ba si Rian?" narinig niyang tanong ng mama ni Clifford.
"Wala po siya dito, kung nandyan na—" naputol ang sasabihin nito nang makita si Rian na nakasilip.
"Ah—wala po siya dito," pagtatakip ni Aillyn.
Pero nagtaka ang babae kung bakit nakatingin si Aillyn sa direksiyon ni Rian. Napatingin tuloy siya—at nakita siya.
"Mag-usap tayo sa loob, Rian. May sasabihin ako." Walang modo itong pumasok sa unit kaya wala siyang nagawa kundi sumunod. Naupo siya sa sofa at tumingin dito.
"Ano pong pag-uusapan natin?" tanong niya.
"Layuan mo muna si Clifford," diretsong sabi nito.
Para bang tumigil ang mundo niya.
"Bakit ho? Maayos naman ang relasyon namin at—" hindi na siya pinatapos.
"Bibigyan kita ng 1 billion, lupa, bahay, kung ano pa ang gusto mo. Kaya kitang suportahan basta layuan mo si Clifford."
Parang may bumara sa lalamunan niya.
Kinagat niya ang labi. "B-bakit po ba ayaw ninyo ako para sa anak ninyo?"
"I don't like you for my son.
At alam mo kung bakit? Hindi ka bagay sa kanya."
Parang may tumusok sa puso niya.
"D-dahil po ba mahirap lang ako?"
Nag-cross arms ito.
"That's part of the reason."
"Magkano ba ang gusto mo? Bilisan mo—"
Hindi nito natuloy ang sasabihin dahil biglang sinampal ito ni Aillyn.
"Aillyn?!" gulat niyang sigaw.
"Wag mong i-offeran si Rian ng ganyan," galit na sabi ni Aillyn habang nakaturo sa babae. "Akala mo ba may mabibili kang kahit ano sa pera mo? Kahit kaligayahan ng anak mo, hindi mo mabibili."
Hindi natinag ang mama ni Clifford.
"Umalis ka na bago pa kita pagtabuyan sa kusina," dagdag ni Aillyn.
Bago umalis ang babae, tumingin ito kay Rian.
"Pag-isipan mo ‘yan, Rian. Kapag hindi mo pa nilayuan si Clifford, pagsisisihan mo ‘yan. At ikakasal na nga pala si Clifford—invited ka."
Parang nanigas siya sa narinig.
"Ikakasal na si Clifford?" tanong ni Aillyn nang lumipas ang ilang segundo. Umiling si Rian.
"Ewan," sagot niya bago tumungo sa kusina para magkape.
"Hindi mo pipigilan si Clifford?" tanong ni Aillyn.
Tumingin siya rito sandali pero agad ding binaling ang mata sa kape.
"Kung gusto niyang magpakasal doon, edi doon siya. Hindi ko siya pipigilan. Sawa na akong mahalin ang taong hindi naman nagpapatigil."
"Kinabahan ako kanina sa ginawa ko," sabi ni Aillyn.
"Kinabahan ka pala?" sabi niya, nakanganga. Tumango ito.
"Hindi naman kita inutusan."
"Tsss. Mukha mo." Inagaw nito ang kape.
"Ay, Aillyn? Bakit nitong mga nakaraang araw namumutla ka at nagsusuka? Buntis ka ba?"
Nabuga nito ang iniinom.
"Hala ka! Umiinom ‘yong tao!" reklamo nito habang humahampas kay Rian.
"Ano nga?"
"O-oo... buntis ako," mahinang sagot.
"Sinong ama?"
"Si Kio, syempre." Tumingin ito kay Rian. "Ikaw nga rin eh. Napapansin ko rin sayo. May nangyari noong gabing dito siya natulog, ‘di ba?"
Tumango si Rian. "Oo, meron. Paano na ‘to, Aillyn? Tapos ikakasal na siya sa iba."
Pareho silang napabuntong-hininga.
"Pareho lang tayo ng sitwasyon, Rian," sagot ni Aillyn. "Pero ang kaibahan, naghiwalay kami. Kaya ko namang buhayin ‘to. Iyon naman ang gusto ni mama—magkaanak kami ni Kio. Pero hindi pa niya alam na buntis ako nang nakipaghiwalay si Kio."
"Kung ipapakasal na si Clifford doon, hindi ko na sasabihin na may anak kami," sabi ni Rian habang nakatingala sa kisame. "Kung kailan sasabihin ko na sana… saka naman siya ikakasal sa iba. Ni hindi niya ako sinabihan."
Nakinig lang si Aillyn.
Pareho sila ng sitwasyon.
Makakaya kaya nilang buhayin ang mga anak nila?
Sasabihin ba ni Rian kay Clifford ang totoo?
YOU ARE READING
Professor Series 1: Clifford
RomanceHe was scared of his mother. If he did not go to the US, Alam na ang mangyayari sa kanya. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and leave Rian behind. Rian cr...
