Kabanata 2
Princess.
"Okay class, dismiss," sambit ni Professor Clifford nang matapos ang kanyang discussion. Niligpit naman ni Rian ang kanyang mga gamit para lumabas na pero sa lalabas na sana siya sa pintuan ng kanilang classroom nang tawagin ang pangalan niya ni Professor Clifford.
"Rian, mag uusap pa tayo. Mamaya kana umalis." Bigla siyang kinabahan dahil sa sinabi ng professor niya. Napahinto siya sa kaniyang kinatatayuan at hinintay pang magsalita ang professor.
"Hiniwalayan mo ako tapos magiging estudyante lang naman pala kita?" Nakita niyang humalakhak ito na para bang nangangasar.
"Isn't it funny? After 6 years nagkita tayo but now you're one of my students." She glared at him ba para bang she felts irritated when he was talking to her. Inirapan niya ang lalaki at nagsimulang umalis pero may sinabi pa siya bago siya umalis.
"Fuck you. Mama's boy ka pala e. Pass sa mama's boy." Sabi niya at lumabas ng tuluyan. Sino nga ba ito para kausapin siya? At bakit nga ba ito panay titig sa kaniya kanina? Baka may gusto pa?
"Nicko? Oh, I miss you so much," sambit ng babaeng ngayon ay hinalikan sa pisngi si Professor Clifford.
Siya siguro si Princess. Siya rin ang babaeng nakita nila kanina ni Aillyn sa principal's office.
"Yeah, me too." Nakita din niyang hinalikan ni Clifford ang babae sa pisngi. May kung anong kumirot sa puso niya pero hindi niya alam kung bakit. Nasasaktan ba siya? O hindi.
Tsk. Ang aasim nyo, as in. Sambit niya sa sarili.
"Oh, sabay na tayo mag-lunch. Nandoon na si uncle at ang mama mo," sabi ng babae habang ang mga braso ay nakapulupot pa rin sa bewang ni Clifford.
"Let's go, baka mainip na naman si mom doon." Nakita ni Rian na hinawakan ni Clifford ang babae sa kamay at hinila palabas. Bago lumabas, tumingin pa ito sa kanya. Mabilis naman niyang iniwas ang tingin at nagkunwaring may nililigpit pa sa lamesa.
"What's wrong, Nicko?" rinig niyang tanong ni Princess.
"Wala naman, let's go na." Umalis na ito sa pintuan at siya naman ay napatitig doon at bumulong.
"Sabi mo papakasalan mo 'ko... bakit iba ang kapiling mo ngayon?"
Isang butil ng luha ang tumulo at agad niya itong pinunasan bago patakbong lumabas ng room. Naglakad at tumakbo siya para makarating sa CR dahil naiihi na rin siya at gusto rin niyang maghugas ng mukha.
Paglabas niya ng CR, hindi niya napansin na pumasok pala si Princess. Habang naghuhugas ito ng kamay, napatitig si Rian dito.
"Maganda siya... maputi, makinis, at obvious namang mas gugustuhin siya ni Clifford kaysa sa kanya," bulong ng isip niya habang nakatitig pa sa babae. May naramdaman siyang inggit. Tumingin si Princess sa kanya, halatang nagtatanong ang mga mata.
..
"What?" tanong nito.
"A-ah, wala... mauna na ako." Mabilis siyang umiwas at patakbong lumabas ng banyo.
"Nakakabadtrip ang araw na 'to," sigaw niya bago naupo sa bench malapit sa court.
"Hoy!" sigaw ng kung sino at napatingin naman siya roon dahil may tumamang water bottle sa ulo niya.
"Aray!!" sigaw niya at hinawakan ang ulo. Nakita niyang si Aillyn ang may gawa noon. Pinukol niya ito ng tingin. "Ang sakit nun, ha?!" sigaw niya at hinampas si Aillyn gamit ang bote.
"Sorry na. Kanina ka pa ba d'yan nakaupo?" tanong nito.
"Bago lang. Galing ako sa CR," sagot niya at muling naupo.
YOU ARE READING
Professor Series 1: Clifford
RomansaHe was scared of his mother. If he did not go to the US, Alam na ang mangyayari sa kanya. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and leave Rian behind. Rian cr...
