Kabanata 1
Clifford.
[This is my first story ever and sorry for typos and grammatical errors. May panahon rin po akong i-edit ang story. Enjoy reading!]
6 years later.
Si Rian ay naghahanda ng kanyang mga gamit para sa kanyang bagong papasukang kolehiyo. Nagpa-enroll ulit siya sa San Sebastian College–Recoletos Manila dahil binigyan siya ng scholarship ng kanilang mayor sa probinsya.
Nang umuwi siya sa probinsya anim na taon na ang nakalipas, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Nagtapos siya ng senior high school at nag-aral sa Wesleyan College of Manila. Isang taon din siyang hindi nakapasok dahil hindi pa sapat ang kanyang natutunan at pambayad sa tuition fee.
Nagtagal siya doon nang limang taon. Pero sa hindi inaasahan, sobrang natuwa siya nang bigyan siya ng oportunidad. Laking pasasalamat niya sa kanilang mayor.
Kinuha niya ang lahat ng kanyang mga papeles para maipasa sa San Sebastian.
Habang naglalakad siya papasok sa kolehiyo, malaki ang ngiti niyang ipinapakita sa mga taong nadadaanan niya. Nginingitian din siya ng mga ito pabalik. Kasama niya ang kanyang kaibigang si Aillyn, na nakakuha rin ng tulong sa mayor.
Sobrang nagpapasalamat din si Aillyn dahil makakasama niya si Rian sa iisang kolehiyo. Tinawanan pa nga siya ni Aillyn dahil sa panay niyang ngiti, na para bang ngayon lang siya nakapunta sa Manila.
“Tigilan mo na nga ’yang panay ngiti mo!!” Sigaw ni Aillyn kay Rian, dahil mukha na raw itong baliw sa kakangiti.
“Paki mo ba, huh?! Tsaka nginingitian din naman nila ako pabalik,” sagot ni Rian na nakabusangot.
“Ang pangit kasi, sila nginingitian mo, ako hindi.” Nag-eemote pa ito.
“Tigil-tigilan mo nga ako!” Kinurot niya ang tagiliran ni Aillyn. Napatigil sila nang may marinig silang bulungan.
“Oy, girl, alam mo bang ang gwapo raw ng bagong professor natin ngayon?!” rinig nilang bulong ng isang babae.
“Oo, nakita ko, mukhang prof natin siya—”
Hindi na nila natuloy ang pakikinig dahil lumayo na ang dalawa, at tumamlay naman ang mukha ni Rian.
“Oh? Ba’t tumamlay ka agad?” tanong ni Aillyn.
“Hindi ko kasi narinig kung sino daw ang bagong professor,” sagot niya. Parang binagsakan din siya ni Aillyn sa sinabi.
“Sos! Malalaman din natin ’yan mamaya. Halika na at makapasok sa loob bago pa mag-time. Hindi pa natin nahahanap kung anong section at schedule natin.”
Hinila ni Aillyn si Rian papunta sa principal’s office.
Nakarating silang dalawa sa principal’s office na hinahabol ang hininga, sa layo ba naman nito at nasa second floor pa. Pumasok na sila sa loob at nakita ang principal na may kausap pang dalaga. Sa tingin ni Rian, isa rin itong magtuturo sa kolehiyo.
“Sige na, Princess, mag-uusap na lang tayo mamaya,” sabi ng principal habang pinapaalis ang babae. Nag-vow ito at ngumiti bago lumabas.
Napahinto si Rian nang may maalalang kapangalan. Pero baka iba naman iyon, kaya binalewala lang niya.
Binigyan sila ng principal ng papel.
“’Yan ang mga major dito sa San Sebastian College, at nakalagay d’yan ang mga kinuha ninyong major. Now, you may go out.”
Tinanggap nila iyon at nagpasalamat.
Nagulat sila sa dami palang pwedeng pagpilian na major. Hindi sila nahirapang hanapin ang para sa kanila.
San Sebastian College–Recoletos Manila (SSC-R) offers the following undergraduate programs:
Bachelor of Science in Accountancy (BSA) — Aillyn V. Tan
Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM) — Ms. Brianna C. Salvador
Nakita nila agad ang kani-kanilang major. Para kay Rian, nasa hulihan siya ng listahan; si Aillyn naman ay pang-anim.
“Aillyn, ’di pala tayo magkasama?” tanong ni Rian.
“Malaki kang tanga, alam mo ba ’yon? Alam mo namang hindi tayo parehong major! Oh, ’dyan ka na. Punta na ako sa room ko.” Iniabot nito ang papel at iniwan siya.
“Walang modo! Iniwan pa talaga ako?!” reklamo niya habang nagdadabog nang maglakad.
Sa wakas nakarating na siya sa room na papasukan. Nahihiya siyang pumasok dahil lahat sila nakatingin sa kanya, para bang sinusuri siya. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy papunta sa likuran.
Umupo siya malapit sa bintana para makahinga ng sariwang hangin. Nilapag niya ang bag at napabuntong-hininga.
Hays, wala akong kilalang kaibigan dito maliban kay Aillyn.
Wala pa ang professor nila. Yuyuko na sana siya para makatulog nang may pumasok na lalaking pamilyar—may hawak itong libro.
Natulos siya sa kinauupuan. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang magtama ang kanilang mga mata.
Clifford.
Umiwas ito agad ng tingin. Sinundan niya ito ng tingin hanggang makapunta ito sa harap.
“Good morning, class. I’m Clifford Nick N. Galvez, your new professor in Science Tourism Management.” Ngumiti ito.
“And call me Professor Nick, or Clifford.”
Blangko ang isip ni Rian. Hindi niya akalaing makikita niya ulit ang lalaking nangako sa kanya—na hindi tumupad.
May suot na itong singsing.
Totoo nga ang sabi nila: Promises turn into sorry.
Nang nasa ibang bansa pa ito, hindi man lang tumatawag o nagpapadala ng sulat. Isang beses pa, tinawagan niya si Clifford, pero ang nanay nito ang sumagot. Sabi nito, hindi na raw uuwi si Clifford kahit kailan, at may asawa na ito. Pinapasabi rin daw ni Clifford na sorry sa lahat ng ipinangako niya.
Nasaktan siya noon. Hindi siya makapag-aral ng maayos, at sinabihan siya ng mga kaibigan na makakahanap siya ng someone better. Noon siya nagdesisyon umuwi ng probinsya para magpatuloy sa pag-aaral.
At ngayon… heto ulit ito sa harapan niya.
Gusto niya itong murahin, sampalin, at ipamukha ritong hindi na siya hahabol. Pero bakit ganito? Nakikita pa lang niya ito, may kakaiba pa rin siyang nararamdaman.
Nag-umpisa na itong mag-attendance at nag-discuss tungkol sa major nila.
YOU ARE READING
Professor Series 1: Clifford
RomanceHe was scared of his mother. If he did not go to the US, Alam na ang mangyayari sa kanya. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and leave Rian behind. Rian cr...
