Kabanata 23
Galit.
NAKARATING na sina Clifford kung nasaan sina Rian at ang anak nito. Masyado nang nag-aalala si Aillyn at pati na rin siya. Hindi na siya mapakali sa pag-iisip.
"Fuck, ano ba talagang nangyari?" sigaw niya, hindi na napigilan ang sarili.
Pumasok siya agad sa loob, hindi na kayang pigilan ang sarili dahil sa sobrang pag-aalala. Nang mabuksan ang pintuan, bumungad sa kanya ang isang babaeng pamilyar ang likuran, at nakita niyang may babaeng nakahiga sa sahig—puno ng dugo ang mukha, braso, at paa nito.
Galit na galit siyang lumapit at iniharap ang babae sa kanya. Nagulat siya nang makita ang mukha nito.
Princess?
"Anong ginagawa mo dito? Princess!" sigaw niya.
Napatingin siya ulit sa babaeng nakahiga.
Rian.
"I-ikaw ba ang may gawa nito?" tanong niya kay Princess. Umiling ito at nagsimulang umiyak.
"Please, Clifford... p-patawarin mo ako," sambit ni Princess habang pilit siyang niyayakap. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Clifford. Lahat ng galit at puot ay sumiklab.
Sinampal niya ito upang matauhan. "Baliw ka na ba? Bakit mo ginawa ito kay Rian?" tanong niya habang niyuyugyog ang balikat ni Princess.
"I'm so sorry, hindi ko sinasadya," sagot ni Princess, umiiyak. Niyakap sana niya ito ngunit iniwasan siya ni Clifford.
"Anong hindi?" binitiwan niya ito at lumapit kay Rian. Nakita niyang puno ng dugo ang mukha ni Rian. Niyakap niya ito at agad binuhat upang madala sa ospital. Dinakip ng mga pulis si Princess at ang kasama nito. Nakita niya ang anak niyang si France, na nakatayo lang sa tabi ng ina, umiiyak at pinagmamasdan si Rian. Gwapong bata, manang-mana sa kanya.
Habang nakasakay sa ambulansya, nakita ni Clifford ang anak na umiiyak at pilit ginigising ang ina.
"Momma, wake up na po," tawag nito kay Rian. "Momma, I miss you na po. Please po, wake up na," sabi nito habang yayakapin sana ang ina, ngunit pinigilan siya ng nurse.
"Hey, kiddo... come here," tawag ni Clifford. Agad naman itong lumapit.
"Why po?" tanong nito.
"Ahm… you know who your papa is?" tanong ni Clifford. Umiling si France.
Naramdaman ni Clifford ang kirot sa puso niya.
"Ahm… hi, I’m your dad," sambit ni Clifford. Napatitig si France sa kanya.
"True po ba?" tanong nito, hindi makapaniwala. Tumango si Clifford.
"Talaga po? So you’re really my dad?" masayang tanong ni France. Tumango ulit si Clifford at ngumiti.
Napayakap si France sa kanya, ngunit nawala ang ngiti nito nang makita niyang nakahiga pa rin si Rian.
"Daddy… my Momma po… gagaling pa?" tanong nito, bakas ang lungkot sa boses.
"Oo naman. Kaya ni Mama mo ’yan," sagot ni Clifford.
Pagdating nila sa ospital, agad na inasikaso si Rian. Nilagyan siya ng oxygen at tinakbo papuntang ER upang alisin ang mga bala sa katawan niya.
Habang naghihintay sa labas ng ER, pinakiusapan ni Clifford si Kio na bilhan ng makakain si France. Ilang minuto ang lumipas, bumalik si Kio at may dalang pagkain. Pinakain ni Clifford si France at sinabi na sumama muna ito kay Kio pauwi sa bahay nila Rian. Ayaw niyang mapuyat ang bata; siya na lang ang magbabantay kay Rian.
Naupo siya sa bench sa tapat ng ER. Nakayuko siyang naghihintay na may lumabas mula sa loob. Maya-maya, lumabas ang doktor at agad na tumayo si Clifford.
"Doc, okay lang po si Rian?" tanong niya.
"Okay siya," sagot ni Aillyn—na hindi niya akalaing doktor pala. "Marami lang siyang sugat, kaya kailangan niyang magpahinga."
"Pwede na po ba siyang puntahan?" tanong ni Clifford.
"Pwede na, basta hintayin mo siyang magising," sagot ni Aillyn bago umalis.
Pumasok si Clifford sa loob. Nakita niyang inaayos ng nurse si Rian. Pag-alis ng nurse, hinawakan niya ang kamay ni Rian at hinalikan iyon.
"Baby… g-gumising ka na. M-miss na kita," bulong niya.
Hindi niya namalayang nakatulog siyang nakayuko at hawak ang kamay nito.
"Daddy!" Napabangon si Clifford nang marinig ang boses ni France.
"Yeah, kiddo? What?" tanong niya nang mahina.
"Daddy, you look so pale po," sabi ni France habang hinahaplos ang mukha niya.
Ngumiti si Clifford. "Ah, baka napuyat lang ako."
"Dadd—" Hindi natuloy ni France ang sasabihin dahil biglang nagsisigaw si Rian at tinatawag ang pangalan ni Clifford. Agad silang napalingon.
"Clifford! Y-yung baby natin!" sigaw ni Rian. Agad siyang nilapitan ni Clifford at hinaplos ang noo nito na pawis na pawis.
"Clifford, please… iligtas mo ang baby natin," iyak ni Rian. Ginising at niyugyog siya ni Clifford.
"Rian, please wake up… Rian!" sigaw niya.
Nagising si Rian at agad na yumakap kay Clifford, takot na takot.
"A-ang baby… n-natin… baka mapahamak…" nanginginig na sabi ni Rian.
Hinigpitan ni Clifford ang yakap. "No… nandito lang si France."
Tumingin si Rian kay Clifford at kumunot ang noo.
"No! Hindi siya si France!" sigaw niya. "I miss my baby France so much!" patuloy niyang iyak.
Sa narinig na iyon, parang may mabigat na dumagan sa puso ni Clifford. Nanikip ang dibdib niya.
"D-dalawa ba sila?" tanong ni Clifford, halos pabulong.
"O-oo… kung hindi lang dahil sa mga lalaking kumidnap sa akin… hindi sana siya nawala," sigaw ni Rian habang hinahampas ang dibdib ni Clifford. "K-kung nandoon ka lang sana… h-hindi ito nangyari!"
Niyakap siya ni Clifford nang mahigpit upang patahanin siya.
"Please… calm down," sabi niya habang tinitingnan si France, na tahimik lang at nakatingin sa kanila. Hindi rin nila namalayang naroon na pala si Aillyn at Kio.
"Aillyn, Kio… can you leave us? Please, isama niyo muna si France. Mag-uusap lang kami," sabi ni Clifford.
Patuloy ang pag-iyak ni Rian, unti-unting bumabalik ang lahat ng alaala.
"Hinding-hindi ko mapapatawad si Princess."
YOU ARE READING
Professor Series 1: Clifford
RomanceHe was scared of his mother. If he did not go to the US, Alam na ang mangyayari sa kanya. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and leave Rian behind. Rian cr...
