Kabanata 22

4.8K 82 0
                                        

Kabanata 22


Kidnap.


PINAUPO ni Princess si Rian at ang anak nitong si France sa gilid ng semento. Binalaan niya ito na huwag mag-ingay at huwag magtatangkang tumakas kung ayaw niyang masaktan siya o ang anak niya. Tumango na lang si Rian at niyakap ang anak.

Nagpasalamat siya nang madampot ang kanyang cellphone mula sa bulsa. Agad niyang tinawagan si Aillyn, at sumagot naman ito agad.

“Aillyn, please, tulungan mo kami. Nandito kami ngayon sa may rest house sa Pasay City, sa likod nito,” mabilis niyang pakiusap.

“Ano bang nangyayari sa inyo? Umuwi na kay—” Hindi na niya ito pinatapos nang mapasigaw si Rian.

“Aillyn, please! Parang awa mo na, tawagan mo ang pulis at pakiligtas kami. H-hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay France.” Mangiyak-ngiyak niyang sabi. Tumingin siya kay France at nakita niyang nakatingin din ito sa kanya—nag-aalala at naiiyak.

“Momma,” niyakap siya ni France.

“’Wag kang mag-alala, huh? Makakalabas tayo dito,” sabi niya bago hinalikan ang anak sa noo. Dali-dali niyang pinatay ang tawag nang dumating ang lalaki. Nakita niya itong may kasunod, kaya naguluhan siya nang makita ang bagong kasama nito.

“Princess?”

“Yes, ako nga,” ngumisi si Princess.

“Bakit? Hindi pa ako nakakalimot, pero…”

“Hindi pa, pero kung papatayin kita ngayon at ang anak mo…” Lumapit ito kay Rian at tinaas ang kanyang baba. “Siguradong tapos ka na.” Pinandilatan siya ni Rian.

“Alam mo bang mamamatay ka na ngayon?” Humalakhak si Princess. Tumingin si Rian kay France at bakas ang takot sa mukha nito.

“Papatayin kita dito, at walang makakaalam,” sabi ni Princess, sabay tutok ng baril sa ulo ni Rian.

“Momma!” sigaw ni France. “Don’t hurt Momma! You’re so evil!” sigaw ni France habang inaabot ang baril. Ngunit hindi ito pinansin ni Rian; mas iniisip niyang mailigtas ang anak.

Hindi siya hinayaan ni Princess at agad na tinutukan ng baril si France.

“’Wag, Princess!” sigaw ni Rian. Itinulak niya si Princess palayo at napahiga ito sa sahig. Galit na galit nitong tinutukan si Rian ng baril.

“Pwess, ikaw na lang unahin kong barilin,” sabi ni Princess. Narinig ni Rian ang putok at tumingin sa kanyang balikat. Narinig din niya ang sigaw ni France.

“Momma!” sigaw ni France.

“Ano, lalaban ka pa?” tanong ni Princess habang dahan-dahang lumalapit. Hinila niya si Rian sa buhok at pinatayo. “Alam mo bang kating-kati na akong patayin ka simula pa noong una?” Ngumisi ito, parang demonyo. Pinilit ni Rian lumaban pero dahil sa sakit at panghihina, hindi siya makasagot.

“Parang awa mo na, ’wag mong saktan ang anak ko,” naluluhang sabi ni Rian. “Please… maawa ka. K-kahit man lang sa kanya.”

Ngumisi si Princess. “Ano ako, tanga?” sigaw nito sabay kuha kay France.

“F-France, anong gagawin mo sa kanya?” tanong ni Rian habang dumadaloy ang luha. Mas lalo niyang naramdaman ang sakit sa anit habang nakakapit siya kay Princess.

“Momma!” sigaw ni France.

“Please, p-pakawalan mo ako!” Pilit na inaagaw ni Rian ang kamay ni Princess ngunit mas lalo lamang nitong hinihigpitan ang hawak.

“Pakialamera ka kasi! Kung hindi ka lang dumating kay Clifford, hindi sana umabot sa ganito!” sigaw ni Princess. Naguluhan si Rian.

“Anong ibig mong sabihin? Dumating?”

“Wala akong kinalaman sa sinasabi mo… P-please, pakawalan mo na ako! Nasasaktan ako!” sigaw niya. Ngunit bigla siyang inihagis ni Princess sa pader at nabangga siya. Napaigik siya sa sakit at napaubo.

“Paano kung patayin na kita?” tanong ni Princess.

“B-baliw ka na,” sigaw ni Rian pabalik, umuubo dahil sa sakit.

“Don’t call me crazy!” sigaw ni Princess, sabay baril sa paa ni Rian. Napasigaw siya sa matinding sakit.

“Please, Princess… parang awa mo na…” iyak niyang pagmamakaawa. “A-ano bang kasalanan ko at ganito ang galit mo sa’kin?”

Lumapit si Princess at ibinangga-bangga ang ulo ni Rian sa pader. Pilit siyang pumipigil ngunit wala na siyang lakas; nanlalambot na ang kanyang mga kamay.

“Ito ang gusto ko! Gusto kong mamatay ka!” sigaw ni Princess habang patuloy siyang binabangga sa pader. Ramdam ni Rian ang matinding sakit at hindi mapigilan ang pag-iyak.

Kung ito man ang dahilan ng pagkawala ko sa mundo… sana alagaan ni Aillyn ang anak ko.

Naramdaman niyang bumibigat na ang kanyang mga mata, at gusto na niyang pumikit. Wala na ba siyang pag-asa?

“Hello, Aillyn?” sagot ni Clifford nang tumawag ito. Narinig niya ang pag-aalala sa boses ni Aillyn.

“Hello, Clifford,” sagot ni Aillyn ngunit ungol lang ang nasagot ni Clifford. “Sina Rian at ang anak mo, nasa panganib! Please, puntahan na natin sila bago pa mapahamak!” nagmamadaling sabi ni Aillyn.

“Aillyn, pakiulit ang sinasabi mo?” tanong ni Clifford.

“Ano ba! Mamaya ka na magtanong! Ang anak mo at si Rian nasa panganib!” sigaw ni Aillyn.

“O-oo sige! Papunta na ako. Saan tayo magkikita?” tanong ni Clifford.

“Nandito ako sa ibaba ng condo mo. Bilisan mo na at maligtas natin sila,” sagot ni Aillyn at pinatay ang tawag.

Dali-dali siyang nagbihis at bumaba. Pagkababa, nakita niya agad si Aillyn na naghihintay. Akala niya nagbibiro lang ito.

“Halikana, punta na tayo sa police station,” sabi ni Aillyn, at tumango si Clifford. Sumakay sila sa kotse at tinawagan si Kio para sumama.

Dahil sa pangyayari, mabilis silang nakarating sa police station at sinabi ang lahat ng impormasyon. Nagalit si Aillyn dahil mamaya pa raw aasikasuhin. Umangal si Clifford at pinagsabihan ang mga pulis na baka mapahamak na si Rian at ang bata.

“Ano ba?! Kumilos na kayo! Yung kaibigan ko baka napano na siya!” sigaw ni Aillyn sabay hampas sa mesa.

“Uminahon ka nga!” sigaw ni Kio dahil nagulat siya.

“Sino’ng uminahon dun?!” sigaw ni Aillyn pabalik. Si Clifford naman ay nagpipilit sa mga pulis hanggang sa pumayag na ang ilan na mag-proseso.

“Aillyn?” tanong ni Clifford habang nasa biyahe sila. “T-totoo bang may anak ako? At may amnesia si Rian?”

“Oo, kaya bilisan mo,” sagot ni Aillyn na walang emosyon.

“A-anong pangalan ng anak ko?” tanong ni Clifford.

“France,” sagot ni Aillyn. Napamangha si Clifford. Ang siniseryoso ni Rian at tinatawag na “baby” ay si France pala.

Makikita ko na kayo, Baby France… at ang aking nag-iisang pag-ibig. Hintayin niyo ako. Ililigtas ko kayo.

Professor Series 1: Clifford  Stories to obsess over. Discover now