Kabanata 3
Late.
Nakarating na siya sa library matapos ang ilang minutong lakad. Hinahanap niya ngayon ang librong tungkol sa major niya.
Ilang segundo na siyang naghahanap pero hindi niya pa rin makita. Inukay na niya lahat pero wala pa rin.
"Argghh, kainis!" Sinabunot pa niya ang buhok niya. "Bakit hindi ko ba mahanap?" dagdag pa niya at naupo sa malapit na upuan.
Nagulat siya at napatayo nang bigla nang may kumalabit sa kanya. Napahawak siya sa dibdib niya kung saan naroroon ang puso niya.
"Ayy! Kabayo!" sigaw niya habang nakahawak sa dibdib. Napatingin naman siya sa taong kumalabit at nakita niyang si Princess iyon. Napakunot ang noo niya at may inis sa mukha nung makita niya ito.
"Ano? Nanggugulat ka naman," sagot niya rito.
"Ay, sorry. Hindi mo ba alam na klase muna ngayon kay Professor Nicko?" paghingi nito ng tawad bago ngumisi.
Feeling friendly.
"Hindi." Tiningnan niya ang relo niya at nagulat nang 2:05 PM na. Sinukbit niya ang bag at nagmamadaling lumabas.
"Una na ako sa ’yo, bye!" sigaw niya bago nagmamadaling lumabas ng library.
Hingal na hingal siyang dumating sa silid-aralan. Napatingin ang mga kaklase niya at pati na ang professor. Nakita pa niya si Aillyn doon.
Bakit nandito ’to?
Kunot-noong pumasok siya at tumabi kay Aillyn na nakangangang tiningnan siya.
"Aillyn, bakit ka nandito?" tanong niya. Walang lumabas na boses sa bibig nito dahil sa gulat. Napatingin na lang si Rian nang may nagsalita.
"Ms. Rian, why are you late in my class?" tanong ng professor. Napatayo siya nang tuwid bago sumagot.
"A-ahm, kasi naghahanap ako ng libro sa library at natagalan po ako." Nauutal pa niyang sagot. Tinaas-baba lang nito ang mukha—ibig sabihin pwede na siyang umupo.
Tumingin agad siya kay Aillyn at binigyan ito ng matang nagtatanong kung bakit sila magka-class.
"So ano nga? Bakit ka nandito?" tanong niya ulit bago umayos ng upo.
"E-eh, kasi dito ako pinapasok ng professor ko," sagot ni Aillyn, pero ito naman ang nagtanong.
"Rian? Siya ba yung sinasabi mong ex-boyfriend mo?" tanong nito. Tumango na lang siya at nanahimik.
"Gwapo naman pala eh, per—" Hindi na nito natapos nang sigawan sila.
"Ms. Tan and Ms. Salvador, please listen to the discussion." sigaw ng professor. Napanganga sila.
Tsk, makasaway. Mukha mong papa ah.
Dali-dali silang bumaling sa harap dahil pinagtitinginan sila ng mga kaklase na sinasabihang ang daldal nila. Umayos naman sila agad ng upo.
Natapos ang klase nila mga 4:20 PM dahil may pupuntahan pa raw ang professor. Naglalakad silang palabas ni Aillyn habang nag-uusap.
"Aillyn, ano ngayong assignment natin?" tanong niya.
"Hindi ’yun assignment no. Bring your things para sa experiment bukas. Tangek!" sigaw nito.
"Ayy, ganon ba? Ano namang mga gamit iyon?" tanong niya.
"Pati ba naman iyon? Hindi mo alam?" takang tanong nito. Para daw siyang walang alam.
"Hindi hehe," natatawa niyang sagot at kinamot pa ang ulo.
YOU ARE READING
Professor Series 1: Clifford
RomanceHe was scared of his mother. If he did not go to the US, Alam na ang mangyayari sa kanya. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and leave Rian behind. Rian cr...
