Kabanata 21

4.9K 73 1
                                        

Kabanata 21



Knife.




Hindi namalayan ni Rian na gabi na at hindi man lang siya ginising ni Betty. Siya na lang tuloy ang kakain mag-isa mamaya.

Bumaba siya ng hagdan at nakita niyang nakapatay ang mga ilaw sa baba, kaya binuksan niya ang mga iyon. Pero hindi pa siya tuluyang nakababa nang pumunta muna siya sa kwarto nina Aillyn para tingnan kung nandito na ba ito o wala. Tiningnan niya iyon, pero wala si Aillyn roon, at ang katabi ng anak nitong matulog ay si Betty. Dahan-dahan niyang sinarado ang pintuan para hindi marinig ni Betty ang pagsara at magising.

Bumaba siya at kumain dahil kanina pa nanghihingi ang tiyan niya ng pagkain. Habang kumakain, kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tiningnan kung anong oras na.

1 AM na, at hindi pa rin umuuwi si Aillyn. Saan kaya ito nanggaling na naman?

Nasa kalagitnaan siya ng pagsubo nang makita niyang si Aillyn ay pumasok sa pinto. Naghinay-hinay pa ito sa pagsara ng pinto, at nang tuluyan nang maisara, tumingin ito sa taas bago bumuntong-hininga. Aakyat na sana ito nang bigla siyang sumigaw.

“Hoy!” Napatalon si Aillyn sa gulat.

“Ay, chokoy!” Hinawakan nito ang dibdib at tumingin sa gawi niya. Naiinis na lumapit ito sa kanya.

“Ikaw! Bakit ka ba nanggugulat? Alam mo bang muntik na akong atakihin kanina?!” sermon nito sa kanya.

“Alam mo? Mukha kang magnanakaw kanina,” sagot ni Rian habang isinubo ang kanin mula sa hawak niyang kutsara. Napatingin ito sa kanya saka bumaba ang tingin sa pinggan niya.

“Kumakain ka?” tanong nito. Naiinis naman si Rian. Kitang-kita nitong kumakain siya, pero nagtatanong pa.

“Hindi ba obvious?” sagot niya. Umupo ito at tinangkang agawin ang kutsara niya, pero hindi ito nagtagumpay dahil inagaw niya agad iyon pabalik.

“Ano ka, siniswerte?” sigaw niya rito. “Kumuha ka nga ng pagkain doon,” utos niya habang tinuturo ang kaldero. Pinandidilatan lang siya nito bago siya iniwan sa mesa at pumunta sa kaldero para maghain.

Pagbalik nito sa mesa, umupo ito sa tabi niya at tiningnan siya na parang nagtatanong.

“Saan ka galing?” tanong ni Rian. Napansin niyang namumula ang pisngi nito. “Bakit ka namumula?” tanong niya uli at hinawakan ang pisngi nito. Agad namang tinapik ni Aillyn ang kamay niya.

“Alisin mo nga ’yan,” sabi nito. Inalis naman niya kaagad.

“Saan ka nga galing?” tanong niya uli.

“Sa o-ospital,” sagot nito na parang nauutal.

“Weh? Baka sa iba na ’yang pag-oospital mo ah,” biro niya habang tinutusok ang tagiliran nito.

“Issa, Rian!” sigaw nito. Tumigil naman siya agad.

“Saan nga?” muling pamimilit niya.

“Fine, kay Kio.”

Susubo na sana siya nang marinig iyon.

“Anong ginagawa mo doon?” takang tanong niya.

“Pinuntahan, malamang. Nag-alala kasi ako sa kanya,” sagot nito.

“’Yun lang ba?” tanong niya habang tinitigan ito nang may pagsusuri.

“Bahala ka nga diyan,” sagot nito bago tumayo at inilagay ang pinggan sa lababo. Tumayo na rin siya.

“Mauna na ako sa taas, matutulog na ako,” paalam nito. Tumango siya at hinugasan ang pinagkainan nilang dalawa.

Pagkatapos niyang maghugas, umakyat na rin siya at pumasok sa kwarto para tabihan ang anak sa pagtulog.

Professor Series 1: Clifford  Stories to obsess over. Discover now