Kabanata 6

9.6K 166 1
                                        

Kabanata 6

Dave.

Maagang nagising si Rian dahil excited siyang makasama si Dave ngayon sa college na pinapasukan nila. Pagkagising niya, bumangon na siya at lumabas ng kwarto para maligo.

Pagkalabas niya, bumungad agad si Dave na kumakain ng tinapay. Ngumiti ito sa kanya, at ginantihan naman niya iyon ng ngiti.

“Si Aillyn?” tanong niya kay Dave na sumisimsim ng kape.

“Nauna na siya sa atin. May kailangan daw siyang gawin doon,” sagot nito.

“Anong gagawin?” tanong niya habang kumukuha ng tinapay.

“Ewan, wala siyang sinabi,” sagot nito.

“Lumabas ka na, Dave. Maliligo lang ako. Doon ka na lang magkape sa unit mo,” sabi niya rito.

“Teka lang, malapit nang maubos ’to,” sagot nito saka itinuro ang laman ng baso gamit ang nguso.

“Pagkatapos mo niyan, hugasan mo. Tapos lumabas ka na,” sabi niya at kinuha na ang tuwalya.

“Oo,” pahabol nitong sagot.

Ilang minuto ring naligo at nag-ayos si Rian, kaya palabas na siya ng unit. Nilock niya ang pinto at nagulat nang biglang sumulpot si Dave sa harap niya.

“Ayy, kabayo!” Hinampas niya ito gamit ang kamay.

“Aray! Ang sakit mo manghampas!” singhal nito habang hawak ang braso. Tiningnan lang niya ito nang masama.

“Kasalanan mo, nanggugulat ka. Mukha kang gorilla,” sagot niya. Ngumuso ito na parang bata.

“Grabe na ’yung mga pang-aasar n’yo sa ’kin. Nakakasakit na!” reklamo nito.

“Wag mo kasing isipin na masakit,” sagot niya. Bago pa ito makapagsalita, hinila na niya ito dahil late na sila, at iilan lang ang biyahe ng bus tuwing Miyerkules.

“Pupunta pa pala tayo sa office ng principal, Rian,” sabi ni Dave habang naka-upo sila sa bus stop.

“I know. Don’t remind me,” sagot niya.

“I know… mukha mo,” bulong ni Dave, pero hindi niya iyon narinig.

“Anong sabi mo?” tanong niya. Hindi ito tumingin at nagkunwang abala sa paparating na bus.

“Wala. Sabi ko sasakay na tayo,” sagot nito at hinila siya papasok ng bus.

“Dito ka, Rian,” sabi ni Dave at iginiya siya sa bakanteng upuan.

“Iha, iho?” tawag ng isang matanda mula sa likod. Lumingon sila.

“Mag-syota ba kayo?” tanong nito. Mabilis umiling si Rian.

“Ay hindi po, Lola,” nakangiting sagot niya.

“Akala ko mag-syota kayo. Ang gaganda’t gwapo n’yo kasi,” puri ng matanda. Ngumiti lang sila.

Pagkababa nila sa tapat ng SSC, hinila ni Rian si Dave papasok. Namangha si Dave sa campus.

“Wow, Rian. Ang ganda pala dito,” sabi nito.

“Oo. Kaya nga dito kami nag-aral ni Aillyn,” sagot niya habang naglalakad.

Papalapit na sila sa principal’s office nang may marinig silang nagsisigawan.

“Fine! I-di-divorce ko na ang marriage natin!” sigaw ng isang lalaki. Nagkatinginan sila, sabay lingon sa pinto.

“Ang mama mo at mama ko lang ang may gusto nito! Wala akong gusto sa arrange marriage na ’to!” sigaw pa nito.

“Yeah, gusto ito ni Mama, pero wag mo siyang pagsalitaan nang ganyan!” sagot naman ng isang babaeng pamilyar sa kanila.

Hindi na nakapagpigil si Rian at binuksan ang pinto.

“Aillyn?” tawag niya. Nakaupo ito sa sahig at umiiyak. Agad niya itong nilapitan.

“Anong nangyari?” tanong niya, nag-aalala.

Kitang-kita niya ring galit na galit si Dave sa kausap ni Aillyn. Sinuntok pa nito ang lalaki.

“Hoy, Dave! Tama na ’yan!” pigil niya, pero ayaw talaga nitong tumigil.

“Dave, tama na!” sigaw ni Aillyn. “Wag kayong sumali sa usapan namin!” dagdag pa nito.

Doon lang tumigil si Dave. Nakahiga na sa sahig ang lalaki.

“Sorry. Nag-aalala lang kami ni Rian—” Hindi nito natuloy dahil nagsalita muli si Aillyn.

“Lumabas na kayo. Amin ’tong problema. Wag kayong sumawsaw,” sabi nito, at napatahimik silang dalawa.

Akmang tatayo na si Rian nang dumating ang principal. Agad siyang napadiretso ng tayo at tumabi kay Dave.

“Patay ka. Unang araw mo pa lang, guidance agad,” bulong niya kay Dave. Tiningnan siya nito nang masama.

“Wag mo ’kong tawanan,” sagot ni Dave.

“Anong nangyayari dito?” tanong ng principal.

“Wala pong problema, sir,” sagot ni Aillyn.

“Ah… lumindol po,” palusot ni Dave habang kinakamot ang ulo.

“Gano’n ba? Ikaw ba si Dave Matthew De Vega?” tanong ng principal.

“Opo. Dito ako in-assign ni Papa.”

Kumunot ang noo ni Rian. “In-assign? Anong in-assign?”

“Ni Papa…” sabi ni Dave habang nakangiting nahihiya.

“Papa mo si Mayor Diether Marcus De Vega?!” gulat niyang tanong.

“Oo. Sorry, di ko nasabi,” sagot nito.

“Ang swerte mo naman,” sagot niya.

“Halika na, iho. Fill-up ka na ng major na kukunin mo,” sabi ng principal.

Bago sila lumabas, lumingon pa si Dave kay Aillyn.

“Ayusin n’yo ’yan, Kio,” sabi nito sa lalaking kausap ni Aillyn. Nakasimangot ito at matalim tumingin.

Kio pala ang pangalan ng professor na ’yon.

Lumabas na ang principal at sumunod sila ni Dave. May iniabot ang principal kay Dave at tinanggap niya iyon.

“Mukhang kaklase mo ’tong babaeng ’to ah,” turo ng principal kay Rian.

“Ah, opo. Same major at professor. Kaya mababantayan ko siya,” sagot ni Dave.

Kinunutan siya ni Rian ng noo.

“May volleyball court po ba dito?” tanong ni Dave.

“Of course. At pwede ka ring sumali sa Sebastian Volleyball Team,” sagot ng principal.

Tumingin si Rian sa relo. 8:48 AM na. Baka malate pa sila—at masungit pa naman ang prof nila.

“Aalis na po kami,” paalam ni Dave.

“Tumatagal pa kayo sa usapan,” puna ni Rian habang naglalakad.

“Uncle ko siya, no,” sagot ni Dave.

“Nakooo… talaga?” tanong niya.

“’Oo nam— aray!” Hindi nito natapos dahil hinila na ni Rian ang tenga niya papunta sa classroom nila.

Professor Series 1: Clifford  Stories to obsess over. Discover now