CHAPTER 6
CLARISSE POV
Tulad nga ng napagusapan. After ng last subject namin. Diretso agad kami ni Jhelle sa powder room ng building namin.
Syempre kailangang magretouch. Lakas kayang makahaggard nung last subject namin.
Saka hello haharap ba kami sa barkada na mukha pang daig namin ang bangag sa alak dahil sa itsura naming.
Naks kung todo ayos ang friend ko. Mukhang pinaghahandaan ang muling pagkikita nila ni Vince. Mukhang in love ang luka.
Di naman yan ganyan dati. Kahit kaninong naging boyfriend nya. Sabagay she never had a serious relationship.
Ay mali nagkaroon na pala. Nung highschool sya. Yung first boyfriend nya kaya lang nag-migrate na daw sa America yun. Kaya nga di na pumasok sa isang serious relationship itong si Jhelle.
“So lets go?” aya nya
“Tara” naglakad na kami papuntang parking lot ng school. At dahil di pa sya pinapayagang magdrive ng parents nya. Sakin sya sasabay. Buti natext ko na si Ryan na sumunod na lang sya kanila kuya Lance.
Doon na nagkayayaan para malapit din sa school namin. Malapit din sa mga mall madaling bumili kung may nakalimutan man.
Pagdating namin dun. Napanganga ako. Mukhang maayos yata ngayon yung bahay ni kuya Lance.
Sino kaya ang nagkusang maglinis?
Pero di ko sasayangin ang oras ko para isipin kung sino mang may gintong puso yun. Sanay na kasi kami ni Jhelle na kami lagi nag naglilinis ng condo ni kuya Lance tuwing pupunta kami dito.
Pumunta agad ako sa isa sa mga kwarto. Syempre magpapalit ako ng damit. Naka uniform pa ko. hirap kayang uminom ng nakaskirt.
Actually yung room na ito. Reserve for all girls.
Iniwan ko muna sa salas si Jhelle.
JHELLE’S POV
Excited na talaga akong makarating sa unit ni kuya Lance. Kulang na nga lang ako na magdrive kanina papunta dito. Kaya lang alam kong di rin ako papayagan ni Clarisse na magdrive.
Nung minsan kasi akong magpilit muntik na kaming madisgrasya.
Nasa elevator pa lang kami gustong gusto ko ng paulit ulit na pindutin yung button para makarating kami agad dun.
Pagdating namin sa unit ni kuya Lance. Mukhang walang tao. Si Clarisse diretso agad sa room namin para magbihis.
Ako?? eto naiwan sa salas.
Pupunta sana ako sa kusina para kumuha nng tubig. Pero nakadinig ako ng lagaslas ng tubig galling sa banyo.
Kakatok pa lang ako para tanungin kung si kuya Lance ba ang nasa loob.
Kaya lang nanlaki ang mata ko kung sino ang nakita kong palabas ng banyo.
Si Vince.
Wala syang suot na pantaas at nakabalot lang sya ng towel sa waist.
Agad akong tumalikod.

BINABASA MO ANG
FALSE ALARM !
Novela JuvenilSome says when you love someone you have to give up everything. Including your virginity? is that really mean love or lust?