CHAPTER 9
VINCE POV
Nandito ako ngayon sa kitchen ni Lance.
Actuallay after ng paguusap namin kanina ni Jhelle di naman ako agad nagluto. Susundan ko sana sya kanina sa kwarto nila para mag-iloveyou kaya lang naisara na nya agad yung pinto. Nahiya naman akong kumatok.
Baka kasi tulog pa yung mga kasama nya dun.
Saka baka sabihin nila ang corny ko kasi nag –iloveyou ako. E sa pagkakakilala nila sakin di naman ako normal na nagsasabi ng ganun sa mga babae.
Pero bago ako umalis sa kinatatayuan ko.
Nadinig kong may kausap sya. Boses ni Clarisse yun.
Alam kong pinagsasabihan sya sa loob.
Di ko naman masisi yung barkada namin. Kilala na nila yung ugali ko. Kaya ayun wala silang tiwala sa panliligaw ko kay Jhelle.
Madami silang napagusapan pero yung iba di ko naintindihan pasulyap sulyap kasi ako sa pinto ng kabilang kwarto. Baka kasi may lumabas at isiping naninilip ako dito.
Pero malinaw na malinaw sa pandinig ko nung tanungin ni Clarisse si jhelle kung mahal ba nya ako?
Ang tagal nya bago nakasagot.
Kinakabahan ako sa pwede nyang isagot. Ewan ko ba kung bakit kailangan kong kabahan.
E ano naman kung di nya ako mahal. Mas maganda nga yun atleast di ako matatakot na masaktan sya.
Pero bakit paginiisip kong di nya ako mahal parang ang bigat sa dibdib. Parang ang hirap tanggapin.
Umalis na lang sa tapat ng pinto kahit di ko pa nadidinig yung sagot nya. Pumunta na lang ako sa kitchen para ipagluto na sila.
Nakita ko syang lumabas ng kwarto para pumunta sa CR.
Nagpanggap ako ng parang di ko sya napansin. Pero ang totoo nyan sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makapasok na sya ng bathroom.
Tapos pagtingin ko may naihulog sya…
JHELLE’S POV
After ng paguusap namin ni Clarisse pumunta agad ako sa bathroom.
Nakita ko si Vince na nagluluto na. Mukhang di naman nya ako napansin kasi busy sya sa pagluluto.
Sa totoo lang naguguluhan na ko. Tapos mas naguluhan pa ako nung tanungin ako kanina ni Clarisse. Natatakot ako. Sobra !
Mabilis lang akong naligo. Alam ko kasing maliligo na din si Clarisse after ko. Isa pa gusto ko na ulit makita si Vince. Di ko sya makikita agad kung magtatagal ako dito sa Bathroom.
Magbibihis na sana ako kaya lang bakit parang may kulang sa gamit ko?
Oh my !
Di ko ba nadala yung bra ko?
Pero sa pagkakatanda ko dinala ko yun. Di kaya nahulog sa dinaanan ko? Sana hindi. Baka naman sa kwarto lang.

BINABASA MO ANG
FALSE ALARM !
Teen FictionSome says when you love someone you have to give up everything. Including your virginity? is that really mean love or lust?