CHAPTER 27
JHELLE’S POV
The day after our wedding napagkasunduan namin at ng iba naming magbabarkada na magstay muna kahit 2 days. Yung ibang guest umuwi na. Syempre mga busy yun sa work. Yung parents din ni Vince umuwi na pero si Cindy nagpaiwan pa. Samin na daw sasabay umuwi since sa bahay naman nila kami uuwi. Di kasi naman masyadong na-enjoy yung mga nakaraang araw na nandito kami paano naman kasi busy ang lahat para sa preparation ng kasal namin ni Vince.
Regarding sa honeymoon namin? Nagpabook ng flight si mommy sa Macau para samin ni Vince pero this coming vacation pa. Weeks na lang naman ang bibilangin. After finals pwede na kaming di pumasok at umalis ni Vince. 1 week kami sa Macau. At di ko alam kung paano ang magiging set up namin dun.
Napagusapan na ng barkadahan na bandang 8pm magsu-swimming kami.
Di ko lang alam kung sasama si Vince. Simula kasi kagabi di pa din kami naguusap.
Di ko kasi alam kung paano ko sya kakausapin. Kasal namin kahapon pero ano ginawa ko? Di ko nagampanan yung role ko as his wife.
Kanina paggising ko. Wala na sya sa tabi ko. Hinanap ko sya kaya lang napagod lang ako di ko naman sya nakita. Siguro nga talagang galit sya dahil sa nangyari kagabi sakin.
Mahirap hanapin ang ayaw magpakita.
Di naman kasi sa ayaw ko kagabi kaya lang not that way na parang he’s forcing me at ayokong galit sya sakin.
Di naman ako nag-e-expect na makikipag sex sya sakin ng may pagmamahal. Tanggap ko na naman yung ano nag status na mayroon kami.
Past 3pm na pero di paa din sya nagpapakita sakin. Di pa rin sya umuuwi dito sa room namin. Saan kaya sya nagbreakfast at naglunch.
Anong klase ba akong asawa? Bakit di ko sya magawang pagsilbihan.
Malapit na din yung oras na magus-swimming kami.
Wala naman masama kung umasa ako na baka pumunta din sya. Kung di man sya pumunta wala naman akong magagawa diba?
Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog pa lang ako. Pag-gising ko quarter to five na.
Nilinga ko yung paningin ko. Di pa din bumabalik si Vince.
Hinanda ko na lang lahat ng kakailanganin ko mamaya sa swimming. Then lumabas na ako para puntahan sila Clarisse at Cindy.
Pagdating ko dun ready to go na din sila.
Pumunta na kami kung saan namin gustong magswimming.
Nagulat nga kong pati sila kuya Lance nandun na pala. Di naman sila masyadong excited nun. Sabagay matagal na din yung huling araw na nagcelebrate kami ng buo kami.
Paano ko nasabing buo kami?
Nakita ko kasi sa isang sulok si Vince. Oo nandito sya at di ko expected yun. Siguro pinilit sya nila kuya Lance na pumunta.
Si best naman katatawag lang. Babalik daw sya dito. Ibang klase din itong taong ito. Akala mo mura lang ang transportation. Sabagay barya lang yun sa family nya.
Im hoping na maging masaya ito kahit na deep inside nasasaktan ako.
Lilibangin ko na lang muna sa ibang bagay yung sarili ko.
Mas okay na yun kaysa magstay ako sa room namin at umiyak.
Party-party. Syempre mawawala ba naman ang inuman?
BINABASA MO ANG
FALSE ALARM !
Novela JuvenilSome says when you love someone you have to give up everything. Including your virginity? is that really mean love or lust?
