Good morning

523 0 1
                                    

CHAPTER 8

CLARISSE POV

                Nagising ako bigla kasi naramdamn kong medyo nasisilaw na ako.

                Tiningnan ko yung katabi ko. pero si Fatima lang ang nakita ko.

                Mukha yatang maagang nagising yung si Jhelle . O di sya dito natulog?

                Agad akong lumabas ng kwarto para magpunta sa CR.

Sumilip muna ako sa kitchen baka naman nagutom lang. Pero wala naman e. Baka naman umuwi na. Pero di rin siguradong gigisingin ako nun bago umuwi sya umuwi.

Nagtoothbrush muna ako bago pumunta sa sala. Manunuod muna ako ng TV habang tulog pa silang lahat.  Tatawagan ko  na lang si Jhelle para tanungin kung umuwi na ba sya.

Pakanta kanta pa ako habang papunta sa sala.

Kaya lang nanlaki yung mata ko sa nakita ko kung sino ang nandun.

Si Jhelle at Vince lang naman. Natutulog sa sofa set at magkatabi pa.

Tindi din ng dalawang ito. Talagang gumawa  pa sila ng paraan para lang magkatabi silang matulog.

To think n na madalas pang magasaran yung dalawang to. Gusto naman pala ang isa’t isa.

Di ko na lang sila inabalang gumising maaga pa naman.Bumalik na lang ako sa kwarto para mahiga ulit.

JHELLE’S POV

                Awts ang sakit ng ulo.  Di ko pa dinidilat yung mata ko. Sa totoo lang tinatamad pa kasi akong gumising kasi kulang talaga yung tulog ko.

                Kaya lang nagtataka ako kung bakit maykatabi ako. Hmm baka si Clarisse lang yun kasi nga diba uminom kami.

                Pero bakit parang may muscle sya? Ano yun naggi-gym nab a sya? Sagwa kagandang babae laki at ang tigas ng muscle nya. Pabango ba ni Ryan yung gamit nya? Pero hindi e. Di naman ganito yung amoy ng pabango ni Ryan.

                Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko.

                Di ako makapaniwala sa nakita ko. Mukha kasi ni Vince ang namulatan ko.

                Ang gwapo pala nya sa malapitan kahit tulog. Parang ang amo. Yung di mo iisipin na puro kalokohan pala sya.

                Matangos ang ilong. Kissable lips. Makinis yung mukha nya na parang nahiya yung pimples na tumubo

                Pero bakit kami magkatabi.  May nangyari kaya samin? Pero bakit para namang wala akong naramdamang kakaiba o masakit sa kahit anong part ng katawan ko. Except on my head.

                Pilit ko ding inalala kung paano kami nakatulog ng magkatabi.

                Napakagat ako ng labi nung maalala ko na.

                May nakakita kaya samin? Sana wala naman baka kasi kung ano ang isipin nila.

Dahan dahan kong inalis yung kamay nya na nakayakap sakin. Baka kasi magising ko sya kung bigla ko na lang aalisin.

                Nung maalis ko yung kamay nya. Dahan dahan akong umalis sa pwesto ko.

                 Kaya lang di pa ako tuluyang nakakaalis bigla nya akong hinila pabalik.

FALSE ALARM !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon