>>>>>>>>>>>sa side yung magbestfriend na Jhelle at Harvey
CHAPTER 14
JHELLE’S POV
1 month na kami ngayon ni Vince at may usapan kami na icecelebrate namin yun kasama anng barkada.
Sa bahay na lang daw ni kuya Lance kami. Para malapit lang sa school.
Deal ang lahat. Syempre si Vince ang may sagot ng alak. Ako naman sa foods.
“Best sama ka ba?” tanong ko kay Harvey
Nakakasama na nga pala ulit namin yan. Okay na kasi yung daddy nya. Kaya lang hanggang ngayon di ko pa sa kanya naaamin yung relasyon namin ni Vince. Sa bagay almost 1 week pa lang naman namin sya nakakasama ulit.
“Bakit ano ang meron dun?” balik nyang tanong sakin
Napatingin ako kAy Clarisse. Sign na parang humihingi ako ng tulong sa kanya na sagutin ang tanong ni Harvey.
“Wala lang trip lang namin ni JHelle. Diba JHelle” salo sakin Clarisse.
“Ah ganun ba? Sige dadalin ko lang ito sa Dean’s office” payag nya.
“Sige hintayin ka na lang namin sa bahay ni Lance” sabi pa ni Clarisse
“Mauna ka na dun Clarisse. Sakin na sasabay si Jhelle. Diba best?” tumingin sakin si Harvey
Patay paano na ito? Usapan pa naman namin ni Vince na susunduin nya ako after class para sabay na kaming pumunta sa bahay ni kuya Lance.
“Ah best CR lang ako. Diba pupunta ka pa naman sa Dean’s office” nagaalangan kong sabi
“Sigr take your time. Kita na lang tayo sa lobby ng building” tapos nagsimula ng maglakad si Harvey
Ako naman nagpunta muna ng CR. Sinundan naman ako agad ni Clarisse.
“So ano plano mo? Diba may usapan kayo ni Vince na susunduin ka nya mamaya para sabay na kayo. Tapos ngayon yung bestfriend mo gusto kayo ang sabay. Paano mo lulusutan ngayon yan.?” Tanong sakin ni Clarisse pagdating namin sa CR.
BINABASA MO ANG
FALSE ALARM !
Teen FictionSome says when you love someone you have to give up everything. Including your virginity? is that really mean love or lust?