Confession

360 2 3
                                    

CHAPTER 24

LANCE POV

                After nung pag-uusap namin ni Harvey nun. Nung sinabi nyang handa nyang panagutan si Jhelle. Umalis din ako nun para hanapin si Vince para kausapin

Tulad ng inaasahan ko matigas na naman ang puso ni Vince he’s same as the old Vince. Manhid at walang pakielam sa iba.

“Kung nandito ka para kausapin ako about Jhelle I think you better go” bungad ni Vince sakin. Sa bar ko sya nakita at sa favorite place nya. Saan pa ba kundi sa rooftop nito.

                “Makinig ka naman kahit sakin man lang” sabi ko naman

“Bakit ba lahat na lang kayo puro yung nararamdaman ni Jhelle ang iniintindi” tanong nya sakin.

“Dahil mahalaga sya samin” mabilis kong sagot.

                “Alam ko naman yun pero bro wala na kami at matagal na yun” tumingin lang sya sa malayo

                “Sobra na syang nasasaktan” sabi ko naman

                “Ano gusto mong gawin ko balikan ko sya? Lance mahirap ipilit ang bagay na tapos na at di na kayang magsurvive. Mas lalo lang syang mahihirapan” napakamot na sya sa ulo nya

                “Pero bakit mo sya ginalaw?” di ko na napigilang itanong

                “Ginusto naman nya yun di ko sya pinilit kusa nyang binigay” sagot naman nya.

                “Sana kinontrol mo yung sarili mo” sgot ko naman

                “Lalaki lang ako. Ano gusto mo tanggihan ko kung sya na lumalapit. Kung ikaw man nasa lugar ko di mo na din magagawang tumanggi pa” sagot nya na naging dahilan para makaramdam ako ng konting inis.

                “I know her, sobra ka lang nyang mahal kaya nya nagawa yun. Ang sakin  lang sana di mo ginawa kung iiwan mo nalng sya basta” sabi ko naman

                “I don’t get you bro” yun lang ang naisagot nya

                “So ganun na lang yun paano kung buntis sya?” tanong ko naman

                “Sigurado na ba? nakapagpacheck up na ba sya?” tanong naman nya sakin

Umiling naman ako.

                “See? di nyo pa naman alam yung result” sabi pa nya

                “Natatakot kasi syang malaman” paliwanag ko.

                “Bakit naman sya matatakot kahit ilang tambling pa ang gawin nya di na nya mababago kung ano man yung maging result.And if ever naman na buntis susustentuhan ko naman sya” sa sinabi nyang yun lalong naginit ang ulo ko.

                “She doesn’t need your money. She came from a rich family” sagot ko sa kanya.

                “And then what you want me to do?” tanong nya ulit.

                “Marry her” utos ko

                “That’s impossible. Di pa ako sawa sa buhay ko bilang binata. Kung iniiisip mo na tatakbuhan ko sya. My answer is NO. I can be the father of her child but not her husband. Isa pa sigurado ba kayo na sakin yun? Na ako lang ang nakagamit sakanya? “ sagot nya at nagsindi ng yosi

FALSE ALARM !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon