CHAPTER 21
JHELLE’S POV
Monday morning na. Mabigat ang katawan kong bumagon sa higaan ko. Sa totoo lang kasi wala akong ganang pumasok ngayon.
Unang araw na wala na kami ni Vince. Kaya ko pa bang harapin ang buhay ng wala sya. Nasanay na kasi akong lagi syang nandyan.
Sana nananaginip lang ako na isa itong masamang panaginip lang.
Mas okay pa sana yung dati na cool off lang kmai atleast alam kong soon magiging okay din kami. Kaya lang tinapos na talaga nya lahat kahapon. Ang hirap tanggapin ng lahat.
Paano ko pa ba sisimulan ulit ang lahat kung may part ng pagkatao ko ang feeling ko nawala at di na maibabalik.
Di ko rin alam kung paano ako haharap sa barkada ko dahil sa ginawa namin ni Vince. Kay Clarisse, kay kuya Lance lalo na kay best. Ang laki ng tiwala nya sakin na di ko agad isusuko yun pero ano ang ginawa ko?
Lalo na ang parents ko. Naging rebelde na nga ako. Tapos nagawa ko pa yun?
Pagdating ko sa school feeling ko di naman pumasok sa isip ko lahat ng diniscuss ng professor namin. Lutang kasi talaga yung isip ko. Napahiya pa nga ako sa recitation, kasi wala akong naisagot.
After uwian din di naman ako dumiretso sa bahay. Nagpunta lang ako sa mall. Umorder ako nung favorite naming pizza ni Vince. Marami para sakin yun, pero pinilit kong ubusin kahit di ko na kaya. Alam ko nagmuka akong tanga kasi habang kumakain ako iyak lang ako ng iyak. Pinagtitinginan na nga ako ng mga costumer dito. Pero wala sila pakialam. Dahil di naman nila alam at di rin naman nila maiintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Nanuod din ako ng sine na magisa. Halos puro couple din yung nasa loob pero ano naman sakin. Dun ako pumwesto sa madalas naming pwestuhan ni Vince tuwing manunuod kami.
Ang nakakainis pa. Parang nanadya yung pinanuod ko. Naghiwalay din kasi yung bida,yun nga lang gumawa ng way yung guy para magkasyos ulit silla nung girlfriend nya. Pinaglaban nila yung relasyon nila kahit na pareho silang tinakwil ng pamilya nila. Sa huli happy ending pa din.
Haist buti pa yung palabas sa sine may happy ending pero ako sa simula lang masaya. Kasi yung ending, eto ako magisa ngayon. Saka yung mahal ko pa yung gumawa ng paraan para magkahiwalay kami.
Paglabas kong sinehan past 8 na. Pero ayoko pang umuwi nagstay lang ako sa mall hanggang sa magsara na. Ayoko kasi sa bahay. Magkukulong lang ako dun at iiyak ng iiyak.
**************
****************
Isang lingo na din kaming hiwalay ni Vince at di ko alam kung paano ako nakasurvive na ganun katagal. Ang naging takbo ng buhay ko?
Pagkaharap ko ang barkada ko nagkukunwari akong masaya at okay lang ako. Pero hanggat maari iniiwasan ko silang makasama. Baka kasi di ko maiwasang umiyak na lang sa harapan nila. Siguarado namang magtatanong sila.
Pagnagsinungaling ako. Mahahalata din ni Best yun. Kaya nga after class umuuwi na lang agad ako. Nagpalit na din ako ng sim card para wala na din kaming communication ni Cindy. Alam ko naman na di ko dapat idamay yung friendship namin ni Cindy kasi kami lang naman ang nagbreak ni Vince at di ang friendship namin ng kapatid nya. Kaya lang sobra kasi akong nasasaktan kapag napapadaanan ako ng GM nya. Di ko rin naman alam kung alam na ba nila na wala na kami ni Vince.

BINABASA MO ANG
FALSE ALARM !
Подростковая литератураSome says when you love someone you have to give up everything. Including your virginity? is that really mean love or lust?