Second attempt

520 1 1
                                    

CHAPTER 13

JHELLE’S  POV

                Two weeks na din yung relasyon namin ni Vince. Di naman sya nagbago sakin. Actually mas lalo pa nga syang naging sweet sakin.

                Hatid sundo ako basta magfi-fit yung schedule namin.

                At dahil Thursday ngayon. Wala syang pasok. Ako naman half day lang.

                Sabi nya dun na lang kami sa bahay nila para daw mameet ko na yung mommy nya.

                Nag-taxi na lang ako. At dahil di ko alam yung bahay nila. Sinabi na lang nya kung saang subdivision. Hinintay ko na lang sya sa may gate.

                Di naman ako naghintay ng matagal. Dumating sya agad after ko syang itext.

                Naka motor lang sya. Kaya ayun kelangan kong kumapit sa likod nya.

                Napaka pervert talaga. Ayaw sa balikat magpahawak sa waist daw nya at kumapit daw akong mabuti.

                Asus kung di lang talaga ako natatakot di ako kakapit sakanya.

Pagdating sa bahay nila. Dinala nya agad ko sa kitchen at pinaghanda ng merienda.

Nameet ko na din yung mommy nya. Sobrang bait. Tapos parang close na close p sila. Di ko tuloy maiwasang  makaramdam ng inggit.

                Nagyaya din syang magmovie marathon kami. Yung mommy naman nya nagpaalam na mag-gogrocery lang.

VINCE POV

                Nandito ngayon sa bahaY si Jhelle. Pinakilala ko na din sya kay mommy.

                Tuwang tuwa nga si mommy. Kasi bumalik na daw ulit yung pagiging masayahin ko.

Natuto na daw ulit akong nngumiti ng di pilit. At maliwanag na daw ulit yung social life. Paano naman kasi di  na ko nagkukulong sa kwarto at di na ako umuuwi ng umaga tapos lasing pa.

At higit sa lahat makulit na ulit ako at nagkukwento na ulit ako sa kanila.

Mukha namang nagustuhan nya si Jhelle. Dami nya kasing kwento. At mukhng magkakasundo sila. ako pa nga ang na-out of place sa kanilang dalawa.

Naligo muna ako habang nagkukwentuhan sila.

Paglabas ko ng kwarto. Nagpaalam naman si mommy na mag-gogrocery daw muna sya.

Niyaya ko na lang si Jhelle na mag-movie marathon na lang kami.

Kaya lang di pa kami nakakaisang movie. Nakita ko syang natutulog na sa tabi ko.

Kawawa naman ang mahal ko. Halatang puyat na puyat. Katatapos lang kasi ng midterm exams namin, pero imbis na umuwi at matulog na lang sa kanila. Mas pinili nyang pumunta dito.

Binuhat ko na lang sya papunta sa kwarto ko. Para naman mas maging comfortable yung pwesto ko..

Dahan dahan ko syang nilapag sa kama ko.

Nahiga  na din ako sa tabi nya

Tinitigan kong mabuti yung mukha nya.

Ngayon lang ulit ako naging seryoso ng ganito. Sa babae  pang mas bata pa sakin ng dalawang taon.

Babaeng kulang sa experience. Di sanay mahirapan.

Sa babaeng pinipilit maging matapang pero ang totoo mahina sya.

FALSE ALARM !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon