CHAPTER 18
JHELLE’S POV
After class di muna kami umuwi ni Vince. Nagkayayaan kasi naming dalawa na kumain muna ng pizza together. Parang date ganun.
Wala akong magagawa pizza ang favorite nya e.
Pero hinatid din nya ako agad. Ang saya nga e. Tuwing aalis kami parang new couple lang kami. Di mo aakalaing 3 months na kami. Kasi yung mga ginagawa nya for me para lang syang nanliligaw lang palagi.
Pagpasok ko sa bahay namin. Nashock ako nung tinawag ako ni daddy bago pa ako makaakyat sa hagdan.
Oo ng pala one month syang magbabaskasyon dito.
“Saan ka galing?” tanong nya
“Sa school” sagot ko naman
“Are you sure?”tanong nya
“Okay okay. After school I went to mall” amin ko
“Alone?” tanong nya ulit. Dami wah nakakahalata na ko.
“With Vince. Hey what’s the matter? Alam nyo naman na boyfriend ko sya diba? At alam nyo naman na lumalabas naman talaga kami together.” Naasar na ko. Sunud sunod kasi yung tanong nya yung para bas yang abugado tapos ako yung nasasakdal.
“One of my friends told me that he caught you and Vince kissing in a public place” tumaas na yung boses nya.
“What’s wrong boyfriend ko naman sya. That’s natural” sagot ko naman habang nakatingin sa labas.
“Natural? My God Jhelle you’re only 17 meaning you’re still minor. At isa pa di mo na naisip yung kahihiyan ko?. Tulad ng nangyari ngayon ” sigaw nya ulit
“You’re getting mad at me because of that selfish reason?” di ko napigilang di sumagot.
“Are you telling me that I’m selfish?” tanong nya ulit sakin
“Maybe yes dad”matapang kong sagot
“So selfish na pala para sayo yung iniingatan ko yung reputation mo at yung mga bagay na maaaring isipin sayo ng ibang tao na nakakakita sayo. Ganun ba ha Jhelle?” singhal nya sakin.
“Reputation ko nga ba Dad o yung reputation mo bilang isang kilalang tao? Isa pa si Vince yun. You know him. Di naman ako nakipagkiss sa di ko boyfriend o di ko kilala.” Feeling ko maiiyak na ako anytime. Pero pilit kong pinipigil. Di ko dapat ipakit sa kanya na mahina ako.
Ako si Jhelle. People know me as a strong woman. So bakit ko ipakikita sa kanila na mahina ako? Lalo na sa taong di naman yata nasundan yung paglaki ko or shall I say di ako kilala simula nuon?
“Kelan ka pa natutong sumagot sakin bilang magulang mo. Ganyan ka ba naming pinalaki?” sigaw nya ulit sakin.
“Siguro ngayon lang and let me correct you dad. Di nyo ko pinalaki. All my life si Lola lang ang kasama ko kahit sa mga birthdays ko. And when she’s gone saan ako naiwan sa mga maid na binabayaran nyo diba?. Isa pa Dad that was just a simple kiss. Di naman ako nagvideo ng sex at pinost sa internet. At lalong di naman ako nakipagsex sa harap ng madaming tao o sa harap nyo” napalakas na din yung boses ko. Kailangan ko kasi para mapigilan ko yung luha ko.
BINABASA MO ANG
FALSE ALARM !
Teen FictionSome says when you love someone you have to give up everything. Including your virginity? is that really mean love or lust?